[ 2 ] - Back to School
JULIA's
"Juls!" sigaw ulit ng pamilyar na boses.
"Tch. five minutes, five minutes lang, please" sabi ko. leshe kasi 'yong lalaking Mr. Unknown na 'yon 'di man lang ako pinatulog kagabi!
"Five minutes? Five minutes nalang tapos na yung second subject mo!" kaya napaupo naman ako sa ideyang 'yon"What?!" sigaw ko habang patakbo na sa banyo para maligo. aish! Stupid Julia! Ang tanga mo. ay hindi. kasalanan 'to nung lalaking 'yon! pero kung di ko siya nireplyan kagabi, edi 'di sana ako late ngayun, pero kasalanan niya padin, kung 'di ba naman sa kakulitan niya, di ko naman siya rereplyan!
pagkatapos ko maligo at mag ayos ay patakbo na akong lumabas ng bahay habang dala-dala ang aking bag na hindi pa naayos ang laman, hindi ko padin naayos pati buhok ko. pano na yan, sobrang late ko na. feeling ko ba? wag kayo, hindi kami ang may ari ng school, nalate lang talaga ako, di sinasadya.
"Kath!" tawag ko kay Kath na kasulukuyang picture ng picture kay Daniel at umupo nadin ako sa tabi niya, oo magkatabi kami. tsaka 'di ako pinagalitan dahil sabi ko may emergency kaya ako na late , ang ganda ko ba? I know.
"Akala ko di kana papasok" Sabi niya na naka-focus padin sa cellphone niya, oo hindi bawal ang cellphone kasi tapos na naman ang second period , wala ng guro. absent daw yung English teacher namin kaya hinihintay nalang namin na mag lunch bago kami lumabas.
KATH's
"Pano ba naman kasi 'yong lalakig 'yon. leshe! kung 'di dahil sa kanya 'di sana ako late ngayun, idagdag mo pa 'yong nakakainis na lalake sa kapitbahay, akalain mo ba'ng dito din siya nag aaral aba! naasar na talaga ako sa lalakeng 'yon!" inis na kwento niya saakin. lumalalake na bestprend ko, aba! inuunahan ata ako.
"Daming lalake sa buhay ah. bigay mo sakin yung isa. Haha" pabirong sabi ko sakanya, di ko naman ipagpapalit di Daniel mylabs. siguro sinasabi niyong ang 'die hard fan' ko masyado sa Beat Six, duh! ganon talaga. kahit na snob si Daniel beybi di padin akong susuko, hanggang pwede pa.
"Guys, tara na sa Caf.?" epal ni James. Oo, epal siya kahit ang gwapo niya. hays! kailan kaya ako mapapansin ni Dj? alam kong imposible pero di naman bawal mangarap, kahit alam ko ding di kami bagay. malay mo naman, dahil sa kakulitan ko pagbibigyan nalang ako ni Papa God. Haha!
" Una na 'ko guys, bye!" Paalam ko sakanila at tuluyan nang lumabas ng classroom. pupunta ako sa Practice room ng beat six, hindi ko naman sila iistorbuhin, magbabaka-sakali lang baka andun si Dj. pagdating ko ng pratice room nila ay agad akong tumingin sa may bintana, oo bintana. kasi naman di kami pinapapasok ni manong guard, oo guard. may guard sila, sila na mayaman. sino ba naman hindi, si Dj kaya ang anak ng may ari nitong school. syempre, mayaman tlaga sila, kahit na cold, snob o kahit anong negative man ang sabihin sakanya, alam ko naman na may good side padin siya. tsaka di padin maipagkakaila'ng gwapo at mayaman talaga sila.
nang masigurado ko'ng wala naman ang beat six sa pratice room nila ay akmang aalis na sana ako ng biglang may boses akong narinig sa likod, kaya napahinto ako .
"Anong ginagawa mo dito? It's trespassing " tanong niya. oo kilala ko. kaya tumingin nalang ako sa ibaba habang tatalikod na ng tuluyan para maharap siya. nakakahiya!!
"S-sorry, Ma-May h-hinahanap lang po" sagot ko sakanya ng di pa din siya tinitingnan, pratice room kaya nila 'to kaya sobrang nakakahiya.
"Sino ba hinahanap mo?" tanong niya ulit. ang kulit niya din eh.
"S-Sige, a-aalis nako ah, kain muna ako lunch. sige bye!" paalam ko sakanya at tuluyan na siyang tinalikuran, ayoko ma corner noh! alam ko naman na medyo walang respeto yung ginawa ko, gusto ko lang makalayo duon, baka pagkamalan pa man akong magnanakaw. hays!
Umupo muna ako sa isang bench sa may mini garden, oo may mini garden kami sa school, inggit? haha. pasok kayo dito, sure akong mas maiingit kayo sa sosyal na mga istudyante rito. wahahaha! I'm so bad, bad ~ (Fab po yan)
Ang ganda ng view mula dito. nasa taas kasi siya kaya medyo kita yung ground tsaka yung ibang buildings mula dito. dahil sa pag eenjoy ko ng view ay nakalimutan ko nang kumain at ineenjoy yung tugtog, nung una akala ko nga din ay baka na LSS lang ako masyado sa kantang 'yon at naririnig ko pero mali ako, totoo ang naririnig ko ngayun. isang pamilyar na boses, sa gilid ko habang tumutugtog siya ng gitara. pero di ko nakikita ang mga mukha niya dahil sa mga bulaklak na nasa paligid, ayaw ko din naman istorbuhin ang pagkakanta niya dahil ang ganda nung boses at mukhang nagpapalabas din ata siya. imagine anim na na kanta yung kinanta niya, kung siniswerte nga din ako't mga paborito ko pa talagang kanta. baka magalit siya kapag nakita niya ako dito. bahala na, ienjoy ko muna 'tong moment na'to.-------
Ayos po ba? haha. sorry po medyo short update lang po muna. di ko po na check kaya kayo na po muna bahala umintindi . pasensya na po, at salamat sa pagbabasa!
![](https://img.wattpad.com/cover/8439730-288-k872801.jpg)