Chapter 8✔

19 1 0
                                    

Chapter 8✔


Bracelet

Lumipas ang mga araw, hindi ko masyadong pinapansin si Bench, lagi na rin akong naka Sir. Sorry for being cold. Tss.

Laging nasa office niya si Rica, 'Girlfriend ni Bench', Kaya lagi akong nasa pwesto ko sa labas ng office niya. Mag papatawag kapag may iuutos siya pero mas pahirap si Rica. Siya yung madalas mang utos saakin.

Nakapag padala na ako sa kanila, malaki yung pinadala ko. Nag tira lang ako ng pang allowance ko.

Bukas aalis na kami at yung mga workers para sa Anniversary ng DVC.

At nag ayos na ako, kasabay ko sila sa Private, sabi ni SIR. Bench na sumabay daw sa kanila.

Pero ako naman si Tanga, umoo na lang. Di dapat talaga ako sa kanila sasabay dahil ayokong Chop-chopin ang puso ko sa sakit na maaaring kong maramdaman. Pero dahil Secretary  niya ako... ayun napapayag ako.

Nandito ako sa kwarto at nag aayos ng gamit, ulit. Tahimik lang din ako nitong nagdaang mga araw. Napapangiti na lang ako kapag nag papatawa si Evy.

"Evy, Gusto mo sa rooftop muna tayo?" Tanong ko, nag gui-guitar kasi siya.

"Sige... Kantahan tayo..." saad niya at tumayo at nag ayos.

Parehas kaming naka spaghetti strap at short. Nakaladlad ang buhok niya ako naman naka ponytail.

Pag karating namin sa rooftop ay umupo kami sa papag doon sa silong at doon nag kantahan.

Marunong din ako mag guitar, tinuruan ako dati ng pinsan kong guitarist ng isang sikat na banda sa school namin dati. Tinuruan din nila akong mag drum. Actually Naging vocalist nila ako, yun nga lang umalis ako dahil nagka family problem. Kailangan kong i-ayos muli ang family namin at ayun nag karoon na ng bagong vocalist.

Naging dancer din ako sa school namin nung highschool kaso Nabalian ako kaya pinatigil ako... tanging Pag pipinta ko na lang ang ikinabubuhay namin. Dati.

Alam niyo yon para kang naging ama sa family mo, si kuya naman  kasi tamad mag trabaho kahit tapos ng highschool. Pwede na naman mag trabaho ang highschool graduate eh. Kaso iba talaga kapag umiral ang Katamadan.

Sabi ng mga pinsan ko, pwede daw akong maging artista dahil Talented daw ako at Maganda pa, sila yung nag papagaan ng loob ko-namin nila kuya simula ng iwan kami ni Papa. Ayaw kong pumasok sa showbiz, maingay kasi doon at kailangan perfect ka sa paningin ng lahat kundi Sisiraan at sisiraan ka nila.

Yan ang mga gawain ng mga walang magawa sa buhay... ang sirain ang pag katao mo.

"ELLA BASA." Sigaw niya sa mukha ko dahilan kung bakit ako natauhan.

"B-bakit? Parang bingi ang kaharap mo huh?" Medyo naiinis kong sabi

"Tss hindi ka bingi, pero lutang ka. Kanina pa ako concert ng concert dito tapos ikaw parang timang na nasway sway diyan." Eh?

"Pasensya naman." sabi ko

At ngayon may bestfriend akong katulad ni Evy, yun nga lang masyadong Green-Minded, Hyper at madaldal. Pero masaya ako, dahil sa kanya napapangiti ako.

"Matanong nga kita. Pansin ko kasi na di ka na masyadong you know happy. Ano ba'ng meron?" Seryosong tanong niya

Anong meron? Wala naman. Diba? Diba? Tss.

"Wala." Confident na sagot ko

"Tipid mong sumagot teh, napag hahalataan ka, tsk tsk tsk." sabay iling.

Expect The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon