Mystery Notes (One shot)

332 12 3
                                    

 Written by: Lazyshe

Lianne’s POV

“Oy, Lianne. Sayo to, diba?” tanong sakin ni Honey habang hawak yung libro ko.

“Ah. Oo. Pano napunta sayo yan? Nagtataka kong tanong, alam ko kasing nasa bag ko lang iyon.

Nagkibit-balikat lang naman sya. “Pina-abot to sakin nung lalaki, nahulog mo raw.” Sabi nya sakin, saka nya inabot.

“Ah. Ganun ba? Sige, salamat.” Naka-ngiting sabi ko sa kanya. Baka nga nahulog ko.

.

.

.

“Turn your book on page 96.” Sabi ni Prof. Salazar.

Kaya kinuha ko yung kaninang libro na ibinigay ni Honey at hinanap ko yung page na sinasabi ni Prof, well nandun pa naman yung page but there’s a note on the left side of it.

‘Keep smiling, you don’t know how I’m fallen when you do.’

Tumingin naman ako sa paligid pero wala naman akong maisip kung sino ang nag-sulat non.

.

.

.

“Ooopsss. Sorry Miss.” Sabi nung naka-bunggo sakin at sinimulan akong tulungan sa pagkuha ng mga gamit kong nalaglag.

“It’s okay. Thanks.” Sabi ko sa kanya, saka muli akong nag-lakad.

.

.

.

Binuksan ko na ang locker ko, only to find my library ID there, which I find odd, kanina lang kasi hawak ko iyon. Galing kasi akong library, paano naman ito naka-rating rito at nauna pa sakin ha? At katulad nung libro ko nung isang araw may note din kaso rito, sticky note.

‘Everyday you’re glowing’

Yun lang. Sino naman kaya ang nagt-trip sa akin? Ito na ang pangalawang mystery note na nakuha ko at sana ito na ang huli kasi sa totoo lang, nakaka-takot eh.

Lumipas ang mga araw na patuloy parin akong nakaka-tanggap ng mga mystery note mula sa mga gamit ko na bigla nalang nawawala.

“Ouch!” daing ko nang may bumunggo sakin. This is the fifth time and I know it’s intentional. Hinarap ko na agad ang lalaking naka-bunggo sa akin. Handa na sana akong sumigaw nang tumambad sa akin ang gwapo nyang mukha, it’s Andy. Ang sikat na estudyante sa university dahil narin sa mga award at trophy na hinakot ito mula sa iba’t-ibang competition. Salubong rin ang kilay nyang naka-titig sakin.

“Watch your step.” Masungit na sabi nya sakin bago nagmamadaling umalis. Habang ako naiwang naka-nganga sa kanya, gwapo nga, Suplado naman! Hmp! At hindi man lang nya ako tinulungang damputin ang gamit ko ha! What a gentleman brute!

.

.

.

“Oo nga eh! Shocks! Nginitian nya nga rin ako eh!” kinikilig na sabi ni Deza, classmate ko.

“Bakit parang mga na-engkanto naman ang mga tao rito?” tanong ko kay Honey, pag-pasok ko. Hindi lang naman kasi si Deza ang kinikilig lahat ng babae rito sa room. Yung totoo, doomsday na ba at para silang mga luka-lukang nagti-tilian?

“Hay, naku. Pumasok kasi rito ang President ng Council.” Sagot naman nya habang iiling-iling.

Kung hindi lang nangyari yung kanina malamang kinilig narin ako, kaso wala eh, turn-off na ako sa kanya.

Mystery Notes (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon