The Invite

5 1 0
                                    

*Buzz* *Buzz* *Buzz*
[Alarm rings]
"Hayy, umaga na...Back to reality nanaman." Binuksan ko ang phone ko and sakto, 6am na ng umaga. Kailangan ko nang mag-ayos at pumunta sa trabaho. Pagbangon ko, inayos ko muna ang aking kama. Binuksan ko ang mga bintana para makapasok ang liwanag ng araw. At pumunta ako sa kusina para magluto ng almusal. Habang kumakain, nagbabasa ako ng mga magazine at newspaper. Ito na ata ang daily routine ko. Araw-araw ko na ginagawa, paulit-ulit.

Mas maganda pa rin talaga ang mga teenage years ko. Puro gala, maraming roadtrips kasama ang barkara, sasali ako sa mga contests, tuwing bakasyon aalis kami ng pamilya ko, at marami pang iba. Mga alaala na hindi na muling mauulit. Ang saya pa naman. Lalo na nung Seniors na kami sa high school? Sobrang saya talaga. Pero ngayon, ito na ako..may trabaho, sariling buhay, same lifestyle.

Hindi ko sinasabi na boring ang buhay ko dito, masaya naman. From Monday-Friday ng umaga hanggang 4pm magtratrabaho ako. Pagkatapos nun, it's either I'm going to the gym or sa mall ako pupunta. Tuwing weekends naman, madalas akong mag-iisip ng mga bagong designs, sometimes may modeling job ako, or I'll have coffee with my friends, minsan pumupunta ako sa beach. I'm happy naman with my lifetyle here.

It's almost 7am and I'm ready to go to work. While driving, may tumatawag sa cellphone ko. Hindi ko muna pinansin kasi nag-mamaneho ako ng sasakyan. Lumipas ang sampung minuto at narating ko na ang shop ko. Bumaba na ako ng kotse at binuksan ko ang pinto ng store ko and as usual, marami na agad ang mga customers. Binati ko silang lahat at dumiretso ako sa third floor, iyon kasi yung floor ng office ko. The place where I sew, design, have meetings, and sometimes, doon na ako nakakatulog dahil sa pagod.

As the elevator door slowly opens, nakaabang na agad si Chelsea, my assistant and one of my closest friends. "Good morning Ms. Pilar." bati niya. "Good Morning Chelsea, and please, just call me Marcella. Matagal na nating napag-usapan ito di ba? Just call me Marcella." I replied. Oh and did I mention? Marunong mag-tagalog si Chelsea kasi palagi niya akong kasama and tinuturuan ko siya. "Ahh oo nga pala. Marcella, okay. So as of now, you have no meetings or events today." She said while walking beside me. "Okay, salamat." Tumingin ako sa kanya at ngumiti ako bago ko isara yung pinto ng office ko.

Binuksan ko yung mga ilaw at ginilid ko ang mga kurtina para makita ko yung view. Umupo ako sa upuan at inilagay ko ang aking mga gamit sa gilid ng lamesa. Punong-puno ang lamesa ko ng mga drawing na ginawa ko last week. Malapit na pala ang LA Fashion Week. Two months from now, hayy nako. To the highest level nanaman ang stress ko. Oh well, ganun talaga. Kailangan ko nang maayos ang mga designs ko para mapatahi ko na agad. Tapos may model castings pa and fittings. Busy nanaman ako. Kinuha ko yung bag ko para kunin ang makeup kit ko pero naalala ko pala na may tumawag sa phone ko kanina. Pagtingin ko sa phone ko, meron akong one missed call from...Briana Rosa?

Matagal na kaming hindi nakapag-usap ni Briana. Huli kaming nag-usap last year pa ata through viber. Isa si Briana sa mga naging best friends ko since high school. Ang kulit namin palagi. Lalong-lalo na kapag kasama namin si Ysabelle Veristiza. Jusko, palagi kaming pinapagalitan noon. So anyways, I called back:
*Ring* *Ring* *Ring*
Briana: Hello?
Marcella: Hello? Briana? Si Marcella ito. Bakit ka tumawag kanina?
Briana: Marcella! Long time no talk! Kamusta ka na? Where are you?
Marcella: I'm fine and I'm working right now. Bakit?
Briana: Omg! Nandito ako ngayon sa Los Angeles para hanapin ka! Nandito ako sa-
Marcella: What?! Nandito ka ngayon? Sa LA?
Briana: Yes bestie! Nandito ako ngayon para hanapin ka!
Marcella: Bakit hindi mo sinabi sa akin?!
Briana: Gusto kitang i-surprise eh! Haha! Anyway, nandito ako sa Stanford Cafe. Alam mo ba kung saan yun?
Marcella: Oo! Malapit iyan sa store ko, walking distance lang!
Briana: Ay weh? Sige, nandito ako ngayon. Let's talk soon during lunch. May kailangan tayong pag-usapan.
Marcella: Sure, pero ano ang pag-uusapan natin?
Briana: Malalaman mo mamaya beh. Sige, magtrabaho ka muna diyan. Hihintayin kita. Kakain muna ako dito while waiting. Bye!
Marcella: Sige, bye!
--end of phone conversation--

Anong meron? Bakit pumunta si Briana dito sa LA all the way from the Philippines just to see me? Bakit kaya..? Anyways, kailangan ko munang magtrabaho. It's only 9am and I still have three hours to work before meeting Briana. Teka lang, three hours? So it means, kakain si Briana for three hours??! Grabe naman. Oh well, she can do the impossible. She never fails to amaze me.

-------

Three hours went by and I'm ready to meet with Briana. Lumabas agad ako sa office and told Chelsea that I'll be gone for the whole afternoon until 4pm. I also told her that I'll only come back to get my things later. Lumabas na ako sa store and I quickly went to Stanford Cafe. Nakita ko agad si Briana dahil nakaupo siya malapit sa glass window. I went inside the cafe and sat in front of Briana. "Hi Briana!" I greeted. "Hi MarMar! Long time no see and talk!" Sabi naman niya sa akin at halatang-halata ang dami niyang kinain dahil sa dami ng mga plato sa lamesa.

Naptawa nalang ako. "Ang dami mong kinain noh?" Tinanong ko. "Oo, ang sarap eh. Don't worry Mar, araw-araw naman akong pumupunta sa gym." Ngumiti siya sa akin. "Ano pala ang pag-uusapan natin? And ilang araw ka na nandito sa LA?" Tanong ko. "Kahapon lang ako dumating dito. Sa Hamilton Hotel ako naka-stay. And the reason why kung bakit nandito ako ngayon, kasi susunduin kita." Hindi ko muna siyang hinayaan magpatuloy. "Huh?! Susunduin mo ako?!" Nagtaka ako. "Oo Mar, kasi may high school batch reunion tayo in two weeks." Sabi sa akin ni Briana at binigay niya sa akin yung invitation letter galing sa bag niya. Binasa ko ito ng maigi. "So PROM Theme ang reunion natin..kailangan daw ng escort?! Eh sino ang escort ko?" Tinanong ko si Briana.

"Beh, last week pa namin iyan pinag-usapan ng batch. Sorry kung hindi ka updated, kasi nasa abroad ka and gusto ng school administration na huwag munang ikalat sa internet or to any social media websites tungkol sa reunion. Hindi ka rin namin nakausap tungkol dito kasi gusto din ng school administration na kausapin lahat ng batch natin in person para straight to the point lahat ng pag-uusapan. No miscommunication or any mistakes." Tahimik akong nakikinig kay Briana. " So ganito ang nangyari, lahat daw dapat ng girls may escort papunta sa school, since you know, PROM theme kasi. Also last week na rin naganap ang pagpili ng partner."

Nagsalita ako. "Briana, so sino ang partner ko? Di ba wala ako nun? Sino?" Uminom ng tubig si Briana bago magsalita ulit. "Bago ko sabihin kung sino partner mo, explain ko muna sa iyo kung bakit two weeks palang, sinusundo na kita. Kaya two weeks, because the first week, syempre nawala ka for two years sa Philippines so kailangan mo munang mag-adjust. And during the first week, we'll show you around and welcome back party mo. Kami-kami lang ng barkada mo ang nag-plano nun syempre." Napatawa siya ng konti. "The second week is....well......ummm...." Napahinto siya. "Well? Briana? Anong mangyayari?" Tanong ko sa kanya, halatang kinakabahan siya.

"The..second week..will be all about you and your escort Mar. Napag-usapan kasi namin doon, the week before the PROM Reunion..dapat the week will be about you and your escort, isang linggo kayong mag-uusap tungkol sa susuotin niyo kasi dapat pareho kayo ng kulay ng damit na susuotin. Also, kailangan niyong mag-practice ng intermission number niyo or performance.." Sagot niya sa akin. "Performance? Intermission number? Lahat ba tayo mag-perperform??" Nalito ako ng konti. "Hindi Mar, only some of us will have an intermission number and kasama kayo ng partner mo dun, kasi......pareho kayong magaling kumanta.." Huminto ng sandali si Briana.

"Pareho kaming magaling kumanta? Sino siya?" Naging seryoso na ang tingin ko kay Briana. "Marcella, as I mentioned earlier, last week na kaming pumili ng partner, since wala ka, we have to announce to the whole batch kung sino ang willing na maging partner mo, may mga nag-taas ng kamay pero yung escort mo ang nauna. So...ang escort mo for the batch reunion is.........Hunston Sage." Napa-nganga ako. Si Hunston Sage?!! My...greatest crush and the same guy who I'm trying to forget! "Briana! Bakit si Hunston?!! Alam naman nating dalawa na crush ko siya nung high school at siya yung hindi naka-realize nun di ba? Siya yung gusto kong kalimutan, siya yung gusto ko nang hindi maalala! Why did you let this happen Bri?? Minahal ko siya, my first love who never felt the same way!" Pinipigilan kong umiyak sa harap ni Briana.

"Marcella, alam kong mahihirapan ka but please keep it together. Alam ko naman na kakayanin mo ito eh. You're strong Mar. But please, wala na tayo sa high school. We're now young adults okay? I know this won't be a problem at all kung hindi mo na siya mahal." She paused. "Mahal mo pa rin si Hunston noh?" Tumingin ako sa bintana "Hindi...hindi ko na siya mahal.." Tumingin ako kay Briana "Babalik ako sa Pilipinas para mapatunayan iyon. Hindi ko na mahal si Hunston Sage!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

More Than Just A MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon