Dedicated to FILIPINA, because I do love her One-Shots especially the "Saktan Mo Ako!" ♥
ONE-SHOT
© 2013 by hannaberry
***
HER.
"Kyaaaaaaah! Ayun siya. Ang gwapo gwapo niya 'day! Di talaga ako magsasawang kiligin sa kagwapuhan niya!"
"Seresa, wag ka ngang maingay. Tili ka ng tili. katabi mo lang ako."
Tignan mo tong dakilang bestfriend ko. Inaaway na naman ako.
"Kasi naman Ella e. Tignan mo si Gerald. Ang gwapo gwapo niya. Lalo pa siyang gumagwapo kapag naka Chefs' Attire. At ano ba! Stop calling me Seresa.~"
"Kahit naman anong suotin niya, gwapo pa rin siya sa paningin mo, Seresa."
Natawa na lang ako sa sinabi ni Ella. Totoo naman e.
3 years ko ng gustong-gusto si gerald.
Nung una crush ko lang naman yan e, kaso kapag nakikita ko siyang nagluluto, naiinlove ako ♥
"Go Gerald! GOOOOO! Kaya mo yan! Ipanalo mo ang klase natin" sigaw ko.
Napalakas ata yung sabi ko kaya pati ibang contestants napatingin sa direksyon namin ni Ella.
Agad naman akong umiwas ng tingin. Para hindi ako mapagkamalan na sumigaw.
"Ayan kasi. Anong napala mo? Ang ingay mo e." - Ella
"Nyenyenye~"
Pinanood kong gumawa ng dessert si Gerald.
Nasa Category B kasi siya. Puro desserts ang gagawin doon.
Ano kayang gagawin ni Gerald?
Di ko kasi nasimulan yung event.
Nakita ko na lang na may mini-mix siya dun ng kung-ano ano.
Hindi ko makita e.
At nang matapos niya iyon.
ICE CREAM PALA.
"Ella, gusto kong matikman yung Ice cream. Strawberry flavor ata e. Kulay pink"
"Gusto mo talaga?" - Ella
Tumango tango ako.
"Okay, If you say so.."
Nagulat ako ng tumayo si Ella at lumapit kay Gerald ko.
Hindi ko alam kung anong sinabi ni Ella pero nakita kong napatingin sakin si Gerald.
ANG GWAPO!
Nakita ko naman na tumango tango si Ella.
Anong sinabi niya?
At ng bumalik si ella sa pwesto namin, may dala na siyang Ice Cream.
"Oh! Ice cream mo!" - Ella
"OMG! Salamat." niyakap ko si ella ng mahigpit pero sa di ina-asahang pagkakataon, natabig ko yung kamay niya.
natapon ko yung Ice cream na gawa ni gerald.
Nakakainis.
"Ella! yung Ice cream ni Gerald." mangiyak-ngiyak kong sabi.
BINABASA MO ANG
Cherry Ice Cream (One-Shot)
Teen FictionFILIPINO | Anong kinalaman ng isang sorbetes sa kwentong ito?