Naghahanap

3 0 0
                                    

Simple lang naman ang pangarap ko
Ang makahanap ng taong papahalagahan ako
At ituturing akong prinsesa at bibigyang importansya
At sa twing wala siyang ginagawa ay ako ang iniisip niya

Yung taong makikinig sayo
Yung taong andyan para kausapin at suportahan ka
Yung taong sasamahan kang magpuyat
Yung taong kulang ang araw pag di ka nakausap
Yung taong kokompleto sa mundo mo

Natrapik ka ba?
Nasira ang mrt lrt kaya't nagbus at binagtas ang EDSA?
Kaya't nung dapat magtatagpo ang mga landas natin ay wala ka?

Nagkulang ba ang pamasahe mo sa jeep?
O di kaya'y naipit sa mga gawaing bahay kaya't di pinayagan ni nanay
Kaya't yung muntikang makasalubong ika'y biglang lumiko
Lumihis ang landas at tuluyang lumayo

Patuloy kitang hahanapin hangga't hindi pa nagkrukrus ang mga tanawin
Dahil naniniwala akong andyan ka lang  at nagaantay na ika'y sagipin

Pero ang totoo'y napapagod na
Kaya't sa bawat masasalubong ay nagbabakasakali ako sa twina
Na baka ikaw na ang susunod na kalokohan kahit walang kasiguraduhan
Dahil ang sabi nga nila'y
"Pano mo malalaman kung di mo susubukan"

Kaya't patuloy na susubok at susugal
Kahit sa totoo lang ay napapagod nang umasa't masaktan
Dahil ang puso pala'y kahit anong pakiusap ay aasa
Kahit alam mong hindi pa siya ang taong dapat, ika'y maniniwala sa maling romansa

Kaya mahal asan ka
Sana'y dumating na
Dahil pagod na akong maghanap, maghintay , masaktan at umasa

Shallow PoemsWhere stories live. Discover now