Unang araw niya sa kanyang trabaho alas otso ang call time dito sa shop, subalit alas syete pa lamang ay narito na siya.
"Good morning ma'am"
bati niya sa akin pag baba ko palang ng aking sasakyan, nginitian ko lang siya at tuluyan na akong pumasok sa office ni dad.
"Manang Tinay!" Sigaw ko, dali dali namang tumungo sa office si manang at tila ay natataranta ng narinig ang aking boses.
"Ma'am magandang umaga po, bakit niyo ako tinatawag? " nanginginig na tanong nito sa akin.
"Bakit hindi niyo pa sinamahan sa welding area si Marco? "
Ngunit tila nagulat si manang dahil bukod sa maaga pa ay andiyan na ang aming bagong empleyado
"Wala pa pong alas otso ma'am pero andiyan na ho siya?!" Tanong uli niya sa akin
"Oo manang kaya magmadali ka at siya'y iyong samahan sa area niya at ng makapag umpisa na ito, magpatulong narin kayo kay Mang Andoy para maituro niya kung ano ang kanyang trabaho dito.
Tumugon agad si Manang at dali dali niyang pinapasok si Marco.
" Magandang umago ho Ma'am? " bati niya kay Manang
"Ano kaba ihjo wag mo nakong mina ma'am Manang Tinay nalang doon kasi ako sanay tawagin ng lahat dito"
Sumunod naman agad siya kay Manang at nagtungo kay Mang Andoy
"Mang Andoy" sigaw ni Manang Tinay na tila ay hinahanap si Mang Andoy upang naipakilala na ang aming bagong empliyado
"Ohh Manang Tinay napaka aga mo naman atang nag bubulahaw kana?! " sabat ni Mang Andoy kay Manang Tinay
"Masiyadong maagap sa oras itong binatang ito, alas otso ang kanyang pasok ngunit andirito na siya kanina pang alas syete"
Natatawang sabi ni Manang Tinay sa kausap, napangiti si Marco dahil sa papuring kanyang tinanggap sa dalawa.
"Magandang umaga ho Mang Andoy? Ako nga pala si Marco"
Sabay ngiti nito sa matandang si Mang Andoy, si Mang Andoy ang pinaka matanda at pinakamatagal ng empliyado sa aming shop, marahil siya narin ang kasama ni dad sa pagpapalago ng aming Welding Shop. May dalawa siyang anak ngunit pareho na silang may kanya kanyang asawa at ang asawa naman ni Mang Andoy na si Aling Ines ay namatay sa sakit na Cancer.
"Matagal ka nabang may experience sa pag wewelding ihjo? " tanong ni Mang Andoy kay Marco
Nakangiting sumagot si Marco
"Sa katunayan Mang Andoy, hindi pa sapat ang aking karanasan sa pag wewelding subalit madali naman akong matuto"
Ano? Tama ba ang narinig ko?! Tumanggap ako ng empliyado na hindi malawak ang karanasan sa pag wewelding? Ano nalang ang sasabihin sa akin ni dad kung malalaman niyang nadala lang ako sa kakisigan ni Marco kaya ko siya tinanggap.
"What?! Hindi pa ganun kalawak ang working experience mo sa pag wewelding? " sabat ko sa usapan nila
"Oo ma'am ang totoo po ay sumasama lang ako sa kapatid ko tuwing pinapatawag siya para mag welding ng mga gate" kinakabahan niyang sagot
Marahil iniisip nitong pwede kong hindi na siya patuluyin sa kanyang trabaho, ngunit bakit ko tatanggihan ang isang matipunong lalaking ito na sa tingin ko ay may bibigay sa akin ng araw araw na kasiyahan
"Bakit hindi nalang ang kapatid mo ang pinag apply mo? " sambit ko sa kanya na pinipigilan ko ang pag ngiti sa aking mga labi
"Sorry po Ma'am ngunit madali naman po akong matuto kaya wala kayong magiging problema sa akin" mahinahong sagot niya sa akin
Nginitian ko nalang siya at tumungo na ako sa office ni Daddy madami pa kasi akong dapat gawin, bukod kasi sa Welding Shop at Rice Mill na negosyo ng aming pamilya may sarili kasi akong Flower Shop kung kaya siguro hindi ko na naisip ang love life. Oo 24 years old na ako pero NBSB ang peg ko madami namang nagtangkang manligaw pero ni isa walang pumasa.
Nag ring ang telepono
Kaya nagulat ako at sinagot nalang ito."Yes? Sarmiento's group of companies" nagulat ako ng tinig ni daddy ang ang narinig from the other line
"Yes dad!? Bakit dito kayo tumawag at hindi sa phone ko? " malumanay kong tanong kay dad
"Kanina ko pa tinawagan ang phone mo' pero cannot be reach as always" sagot niya sa akin
Hindi ko alam ang isasagot ko sa aking ama, hindi ko pwedeng sabihin na nakahanap na ako ng bagong welder na hindi experyensado, alam ni dad na mataas ang level ko pag dating sa pag hahanap ng welder dahil ayaw kong mapahiya ang aming negosyo.
"Sorry dad! 'Hindi ko po kasi napapansin ang phone ko dahil naka silent mode lang ito" nanginginig kong paliwanag sa dad ko .
Hindi na tumagal ang usapan namin, kinamusta lang niya ako.
"Okay! Dad, ingat ka din diyan don't forget to buy my new bag, i love you"
Malambing kong sabi sa aking ama, syempre hindi siya makakatanggi, he knows na collection ko ang mga signature bags.
Pagkatapos naming mag usap ni dad, bigla nalang may kumatok, agad akong tumugon
"Come in please! " pasigaw kong togon upang marinig ng kumakatok ang aking boses
Si Mang Andoy ang bumungad,
"Ikaw po pala Mang Andoy! May problema po ba tayo? " mahinahon kong tugon
"Wala naman po Ma'am KC, sumadya lang ako dito para sabihin sa inyo na mabilis matuto ang bago nating welder, hindi kayo nagkamali sa pagtanggap sa kanya" natutuwang sambit ni Mang Andoy sa akin
"That's good to hear Mang Andoy! Mabuti ng mabilis siyang matuto kaysa mapaalis siya ng di oras dito" pabiro kong sa sagot.
Tumawa lang si Mang Andoy, at nagpaalam narin siya sa akin
"Sige po Ma'am KC babalik na ako sa aking trabaho" nakangiti lang ang matanda at tuluyan ng nilisan ang opisina ng aking ama
Hindi ako nakatiis, lumabas ako sa opisina ng aking ama at nagtungo kung nasaan ang matipuno naming welder.
Naglakad lakad ako na tila may hinahanap, oo! May hinahanap nga talaga ako sino paba?! Kung hindi si Marco.
"Ma'am may kailangan po ba kayo? Bakit kayo lumabas sa opisina? Sana'y tinawagan niyo nalamang ako sa telepono" sambit ni Manang Tinay sa akin
Ako man ay nagulat sa tinig ng matatanda, bakit nga ba ako nagulat?! Dahil ba may hinahanap akong dapat ay hindi ko pinag aaksayahan ng aking oras
"Nothing to worry manang! Medyo sumasakit na kasi ang aking bewang sa kakaupo gusto ko lang maglakad lakad sandali!"
Dahilan ko sa matandaHindi na ako nakipag usap pa sa matanda at nagtungo na kung nasaan ang aking gustong masulyapan.
Oh! My!!! Nakita ko na siya, naka topless siya at tila naliligo na sa pawis, hindi ko napigilan ang aking mga mata na hindi tumingin sa ganda ng kanyang pangangatawan.
"Malapit niyo nabang matapos ang order na mga upuan sa atin?" Panimula kong bati sa mga welder namin, ngunit iisa lang ang tumugon sa aking tanong walang iba kundi si Mang Andoy!
"Ma'am andyan po pala kayo?! " nagulat na tinig ng matanda.
"Yes! Why? Hindi naba ako pwede pumarito Mang Andoy? Gusto kong e'check kung lahat ba kayo dito ay gumagawa" pataray kong sagot
Ngunit hindi ko talaga maialis sa aking mga mata ang napaka gandang pangangatawan niya, hayysssss kung hindi lang siya welder.
BINABASA MO ANG
Sparks Of Lie
RomanceSiya si Karleen Claudette Sarmiento. Panganay na anak ni mayor Alexander Sarmiento at ni atty. Alvira Sarmiento. Siya at ang kanyang ama na lamang ang naninirahan dito sa Pilipinas. Ang kanyang ina ay nasa America upang samahan ang kanyang kapat...