Tinanghali ako ng gising, napuyat kasi ako kagabi dahil nakipag skype ako kay Mommy.
Hindi ako pupunta ng welding shop ngayon dahil may darating na mga flowers sa aking flower shop, hindi rin kasi makakapasok ang aking assistant manager kung kaya't ako muna ako bahala sa aking negosyo.Dali-dali akong bumangon at nagtungo sa aking bathroom, malamig ang tubig kaya gumamit ako ng heater, pagkayari kong naligo bumaba na ako para mag breakfast. Buti at nakaluto na ng maaga si Manang Andeng, ang aking yaya mula pa ng ako'y bata, hindi na ito nakapag asawa dahil sa paninilbihan sa aming pamilya kung kaya't itinuring na niya akong tunang niyang anak.
"Good morning ihja! " bati niya sa akin.
"Good morning Manang!, kumaen na po ba kayo? Kung hindi pa po sabay na tayo medyo gutom na din kasi ako" naglalambing kong sabi sa matanda
"Bakit kaba tinanghali nanaman ng gising ihja?! Nag video call nanaman ba kayo ng mommy mo? " patanong niyang sabi
"Opo! "
At kumain na nga kami ni Manang Andeng , hotdog at itlog ang gusto kong kinakaen twing umaga samahan na din ng hot choco.
Pagkatapos kong kumain ng aking almusal, pumanhik muli ako sa aking kwarto upang kunin ang aking bag, pinabukas ko ang aming gate sa gwardiya at nag drive ako tungo sa aking flower shop may kalayuan ito sa aming bahay.
Pagdating ko shop, saktong huminto narin ang delivery truck sa tapat ng shop, pinark ko narin ang kotse ko sa harapan.
"Sakto pala ang aking pagdating, medyo tinanghali ako ng gising! Sorry for that guys! " paumanhin kong sabi sa mga mag dedeliver ng flowers.
May wedding kaming susuplayan ng bulaklak kung kayat dapat na namin itong maihanda para hindi kami mapahiya sa aming clients.
"Ma'am okay na po ang deliver, paki pirmahan nalang po ito. " sabay inabot ng delivery boy ang papel sa akin.
Pinirmahan ko na upang makaalis narin ang mga ito.
"Thank you! " saad ko sa mga ito na may kasamang matatamis na ngiti
Pagpasok ko sa aking flower shop
Agad tumambad sa aking harapan ang isang malaking teddy bear..Nagulat ako ngunit alam ko na kung kanino ito galing, kanino paba?! Kay Von! Ang masugid kong manliligaw na ubod ng yabang! Pano ba naman kasi may ipagmamayabang naman talaga ito.
"Kanino galing ang isang yan?! " nagkunkunwari kong tanong sa aking staff
Nagtinginan ang mga ito
"Ma'am si sir Von po ang nagpunta dito kahapon para ibigay yan" saad ni Donna
Tama nga ako, siya lang naman talaga ang walang sawang nagpapadala ng kung ano ano sa akin, halos mapuno na nga ang room ko sa mga naglalakihang teddy bears na binibigay niya.
"Ah! Well napadpad nanaman pala siya dito?! " tanong ko
Napangiti lang ang nga ito at pinabalik ko na sa kani kanilang mga trabaho.
Naiinip ako kaya tumulong nalang din ako sa kanilang mag arange ng mga bulaklak dahil mga alas tres mamayang hapon ay idedeliver na namin ito sa venue.
"Guys! Dapat maging maganda ang mga arrangement natin ngayon, dahil balita ko malaking pamilya ang magtitipon tipon"
Tumugon agad ang nga ito, tulong tulong kami sa mga kakaibang idea's para mapaganda ang mga arrangement ng mga bulaklak Lavander at Tulip's ang karamihan sa mga flower's may kamahalan ang mga ito dahil imported.
BINABASA MO ANG
Sparks Of Lie
RomanceSiya si Karleen Claudette Sarmiento. Panganay na anak ni mayor Alexander Sarmiento at ni atty. Alvira Sarmiento. Siya at ang kanyang ama na lamang ang naninirahan dito sa Pilipinas. Ang kanyang ina ay nasa America upang samahan ang kanyang kapat...