Chapter 2: The Bump

0 0 0
                                    

Aya's P.O.V

Nang matapos na ang meeting namin nila Daddy, agad kaming dumiretso ni Mommy sa school para tingnan kung meron pang natirang books. Pumasok na kami ni Mommy sa car tska umandar na yon. Nang makarating na kami don bumaba na kami, ang pangalan nung school is Holy Lamb Academy. Maganda siya, malinis at napapaligiran ng mga magagandang bulaklak. Pumasok na kami ni Mommy at pumunta sa registrar.

"Goodafternoon Ma'am Marie," bati ni Mommy, kung tinatanong niyo kung pano nalaman ni Mommy yung pangalan ni Ma'am dahil Tita ko siya.

"Goodafternoon Tita ^^" bati ko naman.

"Goodafernoon to both of you, dito ka na mag-aaral Ayah?" Tanong ni Ma'am sakin.

"Ah, opo." Sagot ko naman.

"Ah, by the way, do you need something?" Tanong samin ni Ma'am Marie.

"Ah, oo couz," sabi naman ni Mommy, oo, magpinsan sila.

"Ano yon?" Tanong ulit ni Ma'am.

"Hm, ask ko lang sana kung may natira pang books kasi itong si Janayah ko hindi nakapunta sa orientation nila?" Sabi naman ni Mommy.

"Ah, wait lang aa, check ko lang." Sabi ni Ma'am Marie.

"Sige po," sabi naman ni Mommy.

Few minutes later dumating na si Ma'am Marie.

"Couz, sorry, wala ng natira eh, naubusan na kayo. Don't worry, pwede namang manghiram sa ibang section kapag kailangan niyo e." -Ma'am Marie.

"Ah, sige Couz, thank you." Paalam ni Mommy.

Naglalakad na kami ni Mommy palabas ng gate nang makasalubong namin si Vincent.

"Hi! Vincent, dito ka mag-aaral?" Tanong ko sa kanya.

"Sorry?" -Vincent

"Huh? Tinatanong ko kung dito ka na ba mag-aaral?" Pag-uulit ko.

"Sorry, I don't know who you are. So if you don't mind, excuse me." Sabi niya, aba, kanina lang nag-uusap kami ta's ngayon di na niya ko kilala?

"Hey, ako to, si Janayah. Remember Vincent? Your business partner." Pagpapakilala ko sa kanya.

"I said, I don't know who you are, and correction Ms. Desperate girl, my name is Vince not Vincent. Excuse me." Sabi niya tsaka umalis na.

"Aba! ~~" my Mom cutted off my words.

"Baby, hayaan mo na, baka hindi naman talaga siya si Vincent, baka kamukha lang niya," pag-awat sakin ni Mommy. Hayys. Kung wala lang dito si Mommy baka kung ano masabi ko dito e, tawagin ba naman akong desperate girl. Hays, kapang-init ng ulo. Sabagay, baka kamukha lang niya. Si Vincent may bangs eh si Vince wala nakataas yung buhok niya. Isa pa si Vincent mabait, si Vince hindi, saksakan siya ng sama. Gwapo nga siya, pangit naman ugali. Tsk tsk.

Tuluyan na kaming umalis ni Mommy tsaka sumakay sa kotse. Then, pagkadating sa bahay, dumiretso ako kaagad sa kwarto ko. Nalg-toothbrush na at naligo tsaka nagbihis ng pantulog. Di na ko nagdinner, dahil wala akong gana. Naglaro na lang ako ng basketball sa messenger hanggang sa makatulog.

Kinabukasan.

Nagising ako ng may ngiti sa mukha, ewan ko e, basta less negative vibes dapat ngayon dahil first day of school. Bumaba na ko.

"Goodmorning Mommy!" Bati ko sa kanya.

"Goodmorning din Baby! Mukhang maganda gising mo ah.

"Actually, hindi talaga maganda Mommy, inis pa rin ako dun sa lalaking yon, referring to Vince Mom." Sabi ko naman.

"Inlove ka ata don Baby e. Inis na inis ka sa kanya. Dalaga na ang Baby ko. Sabi nga di ba, the more you hate, the more you love. Hahaha." Sabi naman ni Mommy. Nang-aasar pa to si Mommy e, imbis na sakin kumampi pinagtutulakan pa ko don sa lalaking yon.

"Nako Mommy, kung maiinlove man ako sa kanya, wag na lang. Gwapo nga pangit naman ugali. Hayyss." Depensa ko.

"Eh, bakit defensive ka? Hahaha." Tanong ni Mommy.

"Ewan ko sayo Mommy," nasabi ko na lang.

"Hayy, ang Baby ko, sige na, maniniwala na ko. Mag-ayos ka na at may pasok ka pa." Utos ni Mommy.

"Okay Mom," pagsunod ko naman.

Pagkatapos kung kumain, nag-tootbrush na ko at naligo. Then nagbihis na ng school uniform, maganda siya. Navy blue color nung chaleco tsaka ng paldang checkerd na above the knee, tapos white long socks. Nagsuklay na ko pagkatapos kong magbihis tsaka bumaba.

"Bye Mommy!" Paalam ko sa kanya tsaka nagkiss sa kanya.

"Bye Sweetie!" Paalam naman sakin ni Mommy.

Lumabas na ko tsaka sumakay sa kotse.

"Hi Kuya Lando!" Bati ko sa driver namin.

"Hello po Ma'am, mukhang ang saya niyo po ngayon ah," sabi ni Kuya Lando.

"Kailangan po e, first day ngayon, less negative vibes po," sabi ko habang taas-baba yung kilay ko.

After 10 minutes, nakarating na kami sa school.

"Bye Kuya Lando! Ingat!" Paalam ko.

"Bye Ma'am, ingat din po kayo. Have a great day!" Balik na paalam niya sakin tsaka ko bumaba.

Pumasok na ko school, naglalakad na ko sa hall way sa di inaasahang pagkakataon may nakabangga ako isang lalaki which is naging cause sa paglaglag ng tatlong pocketbooks kong dalal dala. Agad ko itong kinuha ng di man lang tumitingin sa kanya. Pagkataas ko ng ulo ko ....

"Ikaw?!" "Ikaw?!" Sabay na  bigkas naming naming dalawa.





[A/N: Heyaa! Salamat sa patuloy na pagbabasa ^^ Sorry kung maiikli yung chapter.]


Strictly no soft copies and plagiarism, please?

Keep in touch readers!

Read, vote and fan!

by: elseu🌸

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When She Meet The Gorgeous MenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon