Epilogue

27 1 2
                                    

ZHANHEA'S POV

Syempre charr lang yang Epilogue ni author epal yang bobong yan eh charr haha baka mawalan ako ng story lol Prologue kasi yun eh sabihan ko nga si author minsan.

*boooooogsh*
oh yung pintuan yan gara kasi ng sound effects ni author eh. lol pero di ko pinansin

"BAKLAAAAAAAAAAA~~~" pero napatingin ako nang marinig ko sigaw ni bestf. Shet lang parang tanga tong babaeng to.

"NASA KABILANG BARYO BA KO HA?!" Sinigawan ko rin sya Hmp kala nya ah.

"Makasigaw naman to sinigawan ba kita?" ayy hindi. para syang tanga sya nga nauna eh.

"Nauna ka kaya Hay nako ewang ko sayo. Baklang to. Ano ba sinisigaw sigaw mo ha?"

"Ehhhh kasi eeehhh" tapos nagpout sya. kala mo kinaganda nya eh

"Wait lang bes ah Unang una kasi sa lahat di ako bakla pangalawa wag mong sisirain yung pintuan wala ka namang pambayad at pangatlo wag kang mag pout poutpoutin kita dyan eh mukha ka lang patong nasagasaan"

"Dami mong sinabi be ah! pero kasi ehhhh~" punyemas ayan nanaman sya.

"ANO BA KASI YUN?" yan tuloy nasigawan ko na sya kanina pa kasi eh. "eeh ka ng eeh dyan kanina pa yung totoo natatae ka ba? Pwes hindi ako inidoro bes. Dun ka sa C.r. natin Tss"

"hehehe ^___^\/ wala lang bes bismud ka agad eh tsaka kala ko kasi inidoro ka eh" inidoro daw ako? sa ganda kong to? charr. Sinamaan ko nga sya ng tingin.

"CHARRROT LANG BES~ Hihi" sinamaan ko pa rin sya ng tingin.

"Inidoro ba kamo? HA MICAYLA PSYCHE ANDRADE?! "

"charot nga lang bes eh Ang ganda ganda mo kaya tapos ang sexy sexy mo pa PAKK GANERN!"

Di na ko sumagot pero tinupi tupi ko na yung manggas ng uniform ko hanggang balikat. Alam nyo yun? Yung parang sasabak sa kung anong laban.

Tapos ayun tumakbo na ang gaga Alam nya na kasi yun pag nagganun na ko Tsaka pag binanggit ko din yung whole name nya haha hahabulin ko sya Mwahaha *TawangHangal*

"Bes tama na kasi Sorry na kasiiii~" sabi nya habang natakbo. At nasa labas na pala kami ng room.

Actually di naman talaga ko galit. Haha keme ko lang yun gusto ko lang din kasing makipagharutan kay bes.

"Uy Bes yung crush mo oh!" mahina nyang sabi.

"ULOL KA BES! Di mo ko maloloko sa pagganyan ganyan mo. Eto ka!" tapos tinaas ko yung hintuturo ko na parang namamakyu haha syempre hindi middle finger mabait ako eh. lol

Pero pilit nya pa ring tinuturo yung nasa likod ko Gusto ko lumingon syempre curious ako pero ayoko kasi maiisahan nanaman ako ni gaga.

Pero gusto ko na talaga lumingon kaya ayun lumingon ako at yun ang isa sa mga bagay na pinagsisihan ko.

EH PAANONG HINDI?! SYEMPRE KASI RECESS TIME NGAYON AT SYEMPRE MAY MGA DALANG PAGKAIN ANG KAPWA KO ESTUDYANTE AT AKO NAMAN NA NAGOYO NG BESTFRIEND KO EH MINALAS PA AT NATAPUNAN PA NG SHAKE. PISTING YAN.

Syempre imbis naman na tumunganga ako eh agad kong kinuha ang panyo ko sa bulsa at agad pinunasan yung shake sa palda ko. OO SA PALDA Kinginuh mukha kong umihi Leche.

"Bwisit lang ah. Hindi pa marunong magsorry. Kgghn" pabulong kong sabi. Ewan ko nalang kung narinig nung kung sino man yung nakabunggo sakin pansin ko kasi sa peripheral vision ko na kanina pa sya nakatayo at nakatingin lang saken eh.

"Ayy Sorry di ko sinasadya tsaka ikaw kasi eh tumabi na nga ko eh pero tsaka ka naman lumingon"
ramdam ko namang medyo nahihiya yung boses nya.

Shet. Shet na malagkit. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko at nanlaki rin ang mata ko kasi yung boses nya... parang familiar... parang yung boses na naririnig ko dun sa malaking puno sa likod ng bahay namin. Charr. Alam ko yun. BOSES YUN NI 'CRUSH' Shete Otse Nuebe Dyis.

"De. Okay lang ano ka ba! Wala yun. Sus. Maliit na bagay." Tapos tumakbo na ko sa CR namin.

"Wooosh! Hah Hah Hah" naghahabol pa ko ng hininga ng humarap ako sa salamin namin at nag ayos ng konti.

"Nako nak wala kang maloloko dito. Wala tayong salamin dito sa CR natin"

Ayy si Mhie pala to. Sya si Cassandra Louise Lim. Mommy ko yun Mhie for short haha alam nyo naman hayskul layp may family family daw kunwari lol. At Oo nga pala kakatanggal lang kahapon ng salamin dito aym sow sori ay porgat.

"Tsaka bakit parang hinihingal ka?" sabi nya ulit.

"Hindi lang hinihingal. Hingal na hingal pa. JuiceKow!" alam naman nya yung tungkol kay kras ko kaya ikukwento ko nalang mamaya sa kanya.

"ALAM KO NA! hinabol ka noh?!" sana nga hinabol nalang nya ko para kunwari ang haba ng hair ko lol

"Sana nga" yan nalang sinabi ko.

"Ano sabi mo nak? Hula ko talaga Hinabol ka eh! Sabi ko naman kasi sayo magbayad ka na ng utang mo diba?!" kung di ko lang to nanay nanayan sinapak ko na to eh.

"Ewang ko sayo nay! Wala naman akong pinagkakautangan eh!" inis na sabi ko sakanya.

"Sabagay. May point ka!" sabi nya habang hinihimas yung baba nya na kunwari nagiisip. Wala namang isip Charr. "Wala ka nga namang pinagkakautangan" sabi nya ulit

"Sabi ko naman sayo eh" pero nagsalita pa sya ulit ng mahina

"Kasi puro ka lang naman hingi"
sabay kinuha na nya yung pagkain nya tapos tumakbo na palabas ng CR. Hay nakakaloka ang dalawa kong bestfs.

"NAHINGI DIN NAMAN KAYO!" pahabol ko. Sana lang narinig nya haha edi quits lang mwehehe.

Pero shet lang talaga. Di ko makalimutan yung mukha ni kras kanina. shemay di naman sya pogi pero ewan basta haha
Pumunta nalang ako ng Canteen para bumili ng foods nagugutom na ko eh.

Pero sana pala nagstay nalang ako sa CR. Sana tiniis ko nalang yung gutom ko. Sana nag ayos muna ko dun hanggang magbell Sana sana andaming sana pero wala na nandito na ko eh Wala na nakita ko na sya eh. Wala namang time machine. Tss pagkakataon nga naman oh.

-----------------------
Pabitin muna. Pagpasensyahan na Epilogue nilagay ko. Trip ko lang Hahaha
Meng~
1042 words damihan ko pa nexttime. KERIBOOM BOOM PAW KO YUN. hahaha

Lets be (more than) FRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon