Chapter 4- HIS CRUSH
ZHANHEA'S POV
"Nak gising na. May pasok ka pa alasais na oh" kaya pala naramdaman kong may umaalog saken ginigising na pala ko ni mader.
"Uhmmm Ma naman iih~ storbo" sabi ko tapos nagtakip ng unan. Inaantok pa talaga ko. Seryoso.
"Aba nga naman! Naging istorbo pa ko ah?! Eh kung tadyakan kaya kita para bumangon ka dyan"
"Iiiiih~ Mamaya na Ma. 5 mins." sabi ko ulit kay mama
"Nako Zhea pag di ka bumangon magpapakulo na talaga ko ng tubig o di kaya malamig para kunwari Ice bucket challenge" tumingin muna ako sa kanya for a moment
"Mainit nalang ma sabay timplahan mo na ko ng milo. Salamat Ma I love you talaga" tapos nagtalukbong na ulit ako.
"At talagang nang-uurat ka pa Zhea ah. Humanda ka saken. Kukunin ko nalang yung dos por dos" akmang aalis na sya nang mapabangon ako agad tapos tinawag si mama.
"Ma naman" tapos nilingon nya ko bago nagsalita
"Babangon ka din naman pala eh. Dos por dos lang pala katapat mo eh" sabay nagcross arms ai Madir"Ma naman kasi eh. Wala naman kasi tayong dos por dos. Masyado to" tapos inirapan ko si Mama.
"Ayy nako ewan ko sayo. Maligo ka na At papasok pa ko oh. Baka ako naman ang malate kagigising ko sayo eh" sabi ni mama.
"Opo. Pumasok ka na po Promise kikilos na po ko." sabi ko tapos lumapit sa kanya sabay beso
"Oh sige na nak. May almusal na kayo sa baba. Isabay nyo nalang sa inyo si Ate Rosy nyo ah. Tsaka yung mga kapatid mo papasukin mo na rin" sabi nya tsaka bumaba
"Haaaay salamat. Makakatulog pa ko." tapos humiga na ko ulit. May 30 mins. pa ko haahaha 6:45 naman kasi talaga ko nakilos eh. Pero di alam ni Madir pero okay lang yun atleast napasok ako nang hindi late.
Nagising naman ako nang 6:50 na. Hay okay lang yan Keri pa yan mabilis naman ako kumilos. Sa pagligo lang talaga ko matagal. 30 mins. kakain ako 10 mins. minsan nga 5 mins lang eh tapos saglit lang din ako magbihis tsaka magayos
Naligo na ko tsaka nagbihis bago bumaba para kumain
"Oh Seya kain ka na. Asan na mga kapatid mo?" sabi ni Ate Rosy. Sya lang ang kaisa isa naming katulong dito sa bahay pero okay lang kasi ang bait nya tapos maalaga kaya parang 2nd Mother na namin sya
"Sabayan mo na kami Ate Rosy tsaka baka nagbibihis na rin yun si Kezia" sabi ko sabay ngiti.
Nakalimutan ko nga pala ikwento sa inyo may dalawa kong kapatid. Si Kezia Lolaine Yjan. Grade 6 palang sya pero parehas kami ng oras ng pasok at nang school
At yung bunso Kinder pa lang, layo na ng agwat noh?! Hayaan na. Siya si Xephy Yurika Yjan. Hahaha tinulungan ko pa si Madir at Padir mag isip ng name nya. Nga pala iisang school lang kameng tatlo pero iba oras ni Xephy kasi nga kinder pa lang sya."Ate tara na baka malate tayo" nabalik naman ako sa katinuan nang marinig ko boses ni Kezia
"Ayy oo sige tara na" sabi ko at kumain na nga kami
*FastForward*
Pagbaba namin ng sasakyan ni Kezia 7:55 na. Ganyan talaga kami sanay kami ng sakto sa oras. Hindi maaga pero atleast hindi naman late. naghiwalay naman na kami ng landas. Syempre Iba kasi building ng elementary eh.
"Hi Zhea" sabi saken ni Zar? Zaden? Zalem? Tapos ngumiti lang ng konti si Dwayne Mylabs. Kinikilig ang lola nyo.
"Uh. Hello Za-" napayuko naman ako dapat pala hello nalang. Nagbanggit pa ko ng pangalan di ko naman alam.
BINABASA MO ANG
Lets be (more than) FRIENDS
FanfictionNaranasan mo na ba yung gusto mong mayakap si crush,makasama,kasabay kumain,makabiruan,makakwentuhan, maging close,or in short eh maging kaibigan? Kasi ako Oo. Actually gustong gusto. Yung tipong kahit kasama mga kaibigan nya o kaibigan ko Okay lang...