continuation....
Hope you enjoy guys~Chapter 1- EPAL
ZHANHEA'S POV
Tsk nakakainis lang kasi nakita ko pa sya eh. Pero bahala na this~
"Uy!" pagbati nya saken sabay ngiti. Psh. -__- maka-uy lang kala mo wala lang nangyari. Kala nya okay lang lahat.
"Kelan pa naging 'uy' ang pangalan ko? Sa pagkakatanda ko kasi Zhanhea pangalan ko eh" pagtataray ko sakanya sabay inirapan ko pa sya. Mwahaha kala nya ngingitian ko sya? uLuL nya. ./.
Naglakad nalang ako papuntang canteen Nagugutom na ko eh.
Aish walang maupuan. Saklap naman ng araw na to. Bumili nalang ako bahala na kung san ako uupo.
"Ate pabili nga po nun.Ayun po oh. Yan yan yan. Yan nga po." habang tinuturo ko yung gusto ko bilhin di ako alam tawag dun eh pero mukhang masarap.
"Tsk. Mojos lang di pa alam" may narinig naman akong nagsabi nyan sa likod ko. Boses lalaki. "Pampatagal eh" pahabol pa nya.
"Mojos lang di pa alam. Nye nye Tss." i mimic him. Oo 'him' boses lalaki eh. At feel ko ding lalaki sya kahit di ko pa nakikita kasi nga nasa likod ko.
Nagbayad na ko tapos nung tumalikod na ko at dadaan na sa gilid nya nagsalita ako "Tabi dadaan ako" tapos siniko ko muna sya very very light lang at palihim without looking at him. Mwahaha *TawangNagwagi*
Tapos ayun nakalampas na ko sakanya. Dapat pala tinignan ko sya para alam ko itsura nya. Haha hayaan na baka pangit lang yun haha lol pero kasi eh ang ganda ng boses nya hihi malandi mode: On.. Charot. XD
"OY BES! DITO KA NA OH!" Tapos ayun nakita ko sila kumakaway Andun lang pala sila eh. Infairness Ang hirap maghanap ah. Malaki din kasi tong Canteen parang foodcourt pero syempre mas prefer kong tawaging Canteen to. Haha
Naglakad na ko papunta dun habang hawak ko pa rin tong tray na may mojos daw ewan haha
"OMAYGHAD BES! WAHAHAHAHAHAHA" Tawa lang naman yan ni Micayla. Tapos narinig ko rin na nagtawanan na halos lahat ng nasa Canteen at syempre mas malakas tawa ng mga kaibigan ko.
Wanna guess what happen? Tinisod lang naman ako ng isang lalaki nang mapadaan ako sa table nila at natapon yung mojos ko huhu saklap talaga ano ba nangyayari sa buhay ko? Reyna ng kamalasan ba ang peg ko? Nakakaloka Promise.
Tumayo ako at nag ayos ng sarili. Shet lang sumalampak ako nakapalda pa naman ako. Anakanang tupa naman oh.
"Ano bang problema mo ma ha Kuya?" mukhang mapapalaban ako ah. haha charot.
"Wala lang" finally. Nakita ko din mukha nya kasi kanina sa mga kaibigan nya sya nakaharap habang tumatawa eh. Pero asgsjsslshaj ANG POGI NYA. Ehem exagge ba? Pero kasi promise ewan ko sa iba ah pero para kasi saken POGI sya eh. Kaya napatitig ako sa kanya Pero naiinis pa rin ako sakanya kaya kunwari di ako nagagwapuhan sa kanya.
"Laway mo miss" sabi nya tapos ngumisi sya.
O.O
"Anong laway ka dyan?!" tapos kinapa kapa ko yung gilid ng labi ko."Laway mo nasa loob ng bibig mo. Ano ba yan di mo ba alam yun?" tapos nagtawanan na sila nung mga kaibigan nya. Owwwkay. Pahiya ako dun. Lupa EAT me now.
"Inano ba kita ha? Ano ba talaga problema mo? Dinamay mo pa Yung Mojos ko. Sapakan nalang oh!" sabi ko sakanya tapos tinaas ko na yung manggas ko.
"Hmm ngayon alam mo na ah. Buti pala sinabi ko pangalan nyang pagkain mo kanina" tapos tumawa sya ng mahina. Aaaah So sya pala yung mayabang na yun kanina sa pila.
BINABASA MO ANG
Lets be (more than) FRIENDS
FanfictionNaranasan mo na ba yung gusto mong mayakap si crush,makasama,kasabay kumain,makabiruan,makakwentuhan, maging close,or in short eh maging kaibigan? Kasi ako Oo. Actually gustong gusto. Yung tipong kahit kasama mga kaibigan nya o kaibigan ko Okay lang...