Mag aalas-kwatro na ng umaga nang magising ako. Nag-bihis ako agad dahil alam kong maaabutan ko yung sobrang sinaing ni Aling Ria. Sa kanya ako nagbabayad ng upa. Trenta pesos kada buwan kasing liit ng kwarto na tinitirhan ko ngayon. Alam nya kase ang estado ko sa buhay kaya ang usapan namin basta may sobra magbibigay sya. Kung wala sorry na lang ako.
"Goodmorning Manang!" Magiliw kong bati sakanya Dalawa ang anak nya. Isa patapos na ng kolehiyo, ang isa naman ay may pamilya nang sinusustentuhan. Kung tatanungin matahimik naman saamin wag nga lang mabulabog ang mga lasing.
"Ang aga mo namang bata ka! Oh s'ya Chopseuy ang pananghalian mo ngayon" Paborito ko 'yon! Lalo na kapag medyo malinamnam ang sabaw. Agad akong nag-paalam kay manang dahil mag-hahanda pa ako. Niyaya nya akong kumain pero dahil sa hiya ko ay nag-alibi na lang ako. Ulit.
Papalabas na ako ng bahay alas-sinco imedia pa lang. Nilalakad ko na hanggang terminal ng tricycle. May kalayuan din ito sa bahay na nirerentahan ko. Simula nung nakitira ako kanila aling Ria, napagdesisyunan ko na maglakad na lang hanggang sakayan ng jeep. Pinagkakasya ko lang din naman ang isang-daan ko na baon sa araw araw. Nag-iipon ako at pinoproblema ko pa yung mga projects at kung ano-ano pang kaartehan ng eskwelahan namin.
Sumasali ako sa mga activity ng barangay at suki ako sa pagiging volunteer kaya may allowance ako galing sa kanila. Habang nag-lalakad ako, hindi ko pa din maiwasang isipin kung hindi nangyari lahat ng 'yon. Kung buhay pa sila mama at papa at kung nandoon pa ako sa dati kong eskwelahan.
May 14, 2014 9:30 pm
Nag-hahanda na ako sa pagtulog ng bigla akong may maamoy. Alam kong wala naman kaming naiwang nakasaksak na charger at pati ang gasul at nakasara dahil ako ang nag checheck no'n tuwing gabi. Gulat ko na lang ang biglang pagliyab ng apoy sa may kabilang bahay at ang mabilis na pagkalat nito sa mga kabahayan. Mabuti na lang ay agad naming naisalba ang mga kailangang at importanteng dokumento. Ngunit, naalala ko yung diploma ko noong elementarya. Agad akong nag-paalam kanila papa para kunin iyon pero hindi ako pinayagan nila mama at papa kaya si papa na lang ang kumuha. Noong una ay nag-alinlangan kami dahil marurupok na ang mga kahoy at mabilis kumalat ang apoy. Dahil sa sobrang init ay bumagsak na lang ako at wala nang nakita. Ang sumunod kong nalaman ay parehong namatay sila mama at papa dahil sa trahedya.
-------------
Sinisisi ko pa din ang sarili ko sa nangyare. Kung hindi dahil sakin baka kasama ko pa silang dalawa ngayon. Baka masaya pa kaming nagkukulitan at nagtatawanan. "Delta! Delta ikot oh! Sampuan yan! Sakay na!" Hindi ko napansin na nakarating na pala ako sa sakayan ng jeep.
Mabilis akong nakasakay sa jeep. Iaabot ko pa lang ang bayad nang may tumabi sa akin. "Ako na lang miss." Dahil muka namang bukal sa kalooban ang ginawa nya nag-pasalamat na lang ako at sinabi kung saan ako bababa. "Taga San Jose High School ka din miss?" Na-intriga ako dahil sa paglagay nya ng din kaya naman hindi na ako nakapagpigil at inenterain ko na sya. "Ah sorry pero, magkakilala ba tayo?" "Paolo Joaquiin de Guzman. Pero you can call me Joa for short sa SJHS din ako mag-aaral. Excited na ako sa first day haha." Joa daw lol. Muka namang mabait syang tao kaya nagpakilala na din ako. "Hi. Francene Mariz grade 10 student. Ikaw anong grade mo na ba?"
At nag-kwentuhan pa kami hanggang makarating kami sa school. Isa palang mayamang negosyante ang mga magulang nya. At only child sya base sa pagkakaalam ko. Pero ang ipinagtataka ko ay, kaya naman syang pag-aralin sa isang prestihiyoso at pribadong paaralan pero dito nya pa din piniling mag-aral. Ayoko naman na nanghihimasok ako sa buhay ng may buhay kaya pinili ko na lang manahimik at makinig.
"10-Magalang ako. Ikaw?" Tanong ko sakanya. "Maaasahan ako. Mag-kafloor lang tayo di ba?" Tumango na lang ako at dumiretso na sa room namin.
Masaya naman ang first period namin Syempre introduce yourself tapos activities na. Recess ngayon kaya halos lahat ng kaklase ko nasa baba para mag canteen. Kung hindi naman kakain makikipaglandian.
"Mariz Tawag ka." Siguro ay si Laura na 'yon.Pinsan ko. Baliktad na baliktad ang estado namin sa buhay. Bukod kay Laura at Paolo ay wala na akong ibang kilala pa sa SJHS. Bigla namang nanlaki ang mga mata sa kung sino ang nakita ko. Si Paolo. "Baket? I mean bakit nga pala?" "Gusto sana kitang yayain na mag recess sa baba. Kung okay lang sayo?" Bigla naman akong nabilaukan kahit walang pagkain o tubig sa bibig ko Pero bakit pa ako tatanggi. Sayang naman. Para naman walang bawas yung pananghalian ko mamaya.
Ipinakilala ako ni Paolo sa mga kaibigan nya at nalibre pa ako ng thirty pesos na palabok. Sa sobrang hiya ko imbes na ililibre nya ako ng coke in can tubig na twelve pesos lang ang pinili ko. Ang mahal kasi nung coke in can. Masaya naman silang kasama. Puro lalaki nga lang. Kaya pinagtitinginan ako ng mga estudyante dito. Nako, okay lang saken na tumingin ng masam atmag isip sila. Pero once na pinisikal nila ako, hindi ako matatakot na gumanti. Wala naman akong pinanghahawakan. ""Hahaha sige sige salamat sa inyong lahat mauna na ako!" Bigla kong paalam dahil hindi talaga ako sanay na makisalamuha. "Mariz! Hihintayin ka namin sa labasan!" Napatango na lang ako sa sobrang tuwa. Hindi ko pa kasi nararanasan ang gumala pagkatapos ng eskuwela.
"France,Bessie!" Kakarinig ko pa lang ng masaya nyang tono agad na akong napangiti dahil alam ko na kung sino yun. "Grabe naman insan first day. Pakilala mo ako ha" Ito talaga si Laura. "Kahit kailan ka talaga" Pabalik na sa classroom ng mabanggit ko sakanya yung 'gala' mamaya namin ni Paolo kasama ang barkada nya. "Hindi ako pwede friendship bibisitahin ko mamaya sila lolo" Napa ah na lang ako. Nag-patext na lang ako na malalate ako ng uwi at kung pwede ay wag na akong ipaghanda ng hapunan dahil may bibisitahin lang ako. Kahit hindi ko alam kung saan ang pupuntahan namin mamaya.
"Oh Carla, ready ka na ba?" "Ready saan Paolo?" Bigla nya naman akong nginitian."Papanoodin mo kaming mag basketball."
-----------
Twitter: AiraEncinaFacebook: Aira Encina
BINABASA MO ANG
Fallen
Teen FictionEveryhting's too much. Aside from being abandoned and barely surviving, pasakit na din sa akin ang pamomroblema sa araw araw na gastusin. Papasok ka tapos mamamasahe. Hindi ko na nga din alam kung may baon ako sa araw-araw. Hindi naman ako gaano kat...