Chapter 3

115 2 0
                                    

Nasa chapter 2 po yung usapan nila Gian at Janelle. 

Pakibasa na lang po sa mga naka-skip :))

tnx tnx.

 Akala mo naman may nagbabasa talaga eh noh? hahaha.

- - -

"Waaaaaaah! " Alam niyo yung kinikilig? Si Ashley yun. Yeah todo tili tapos hinahampas pa ko . Grabe ang sakit T.T

Si Ashley nga pala ang best friend ko. Kinder pa lang kami bestfriend na talaga kami. Magkasundo kami sa lahat ng bagay pwera lang sa LOVE at saka sa BOYS.

Weakness kasi ni Ashley ang mga gwapong lalaki. Kaya nga nung nasa high school kami, nang may nanligaw sa kaniyang napaka-gwapong nilalang, nagpakipot muna siya nang konti tapos sinagot na rin niya. First boyfriend niya yun.

Ako, though may ilang nanliligaw din, mailap talaga ko sa mga lalaki. Ewan ko ba. Hayss. 

Nandito nga pala ako sa bahay nila Ashley ngayon. Kinuwento ko sa kanya yung nangyari sa dressing room kanina at ayun kilig na kilig naman ang babae!

Ang tagal niya raw hinintay 'to!

"Ano ka ba? Drama lang 'to para sa movie. Showbiz you know." explain ko kay Ashley parang mamatay na sa kilig eh haha

"Naku! Naku! Diyan nagsisimula lahat eh. Sa simula arte lang tapos magiging totoo rin" todo ngiti si Ashley habang nakatingin sakin.

Maya-maya bigla niya hinatak yung braso ko.

"Wait. San ba tayo pupunta?"

Napatigil siya tapos parang nag-iisip.

"Anong oras na?" sumeryoso siya bigla

"4:30. Teka nga. Bakit ba?"

"Di ka nga pala pwede sa mall baka pagkaguluhan ka."

*ting!

Parang may nakita akong bulb sa ulo ni Ashley. Haha. Ano kaya naisip ng babaeng 'to? Hahaha.

"Tara sa taas." tinutukoy niya yung kwarto niya.

Napasunod na lang ako kahit di ko alam kung ano gagawin namin dun.

Binuksan niya yung closet. Naghalukay ng mga damit. Lumapit ako tapos pagharap niya sakin may hawak na siyang cute na blouse and skirt. Todo ngiti na naman siya.

"Para san ba kasi yan?" nagtataka na talaga ako eh

"Para 'to sa date mo." Nakangiti pa rin siya. Di ba sumasakit panga nito?

"Eh? Kelangan talaga yan ang suotin ko? 'Di ba pwedeng simpleng t-shirt na lang at jeans? Argh"

"Hindi. It will be the first di ba?" di talaga natigil sa kakangiti si Ashley. Tss.

Pero may point siya. Ito nga yung first date ko. Err. Ano naman? Arte lang naman 'to eh para may evidence dun sa sinabi ni Gian. I should not count it as first date. 

"Wag na Ashley. Arte lang to. Di 'to totoong date."

Pero ayaw talaga paawat ni Ashley gusto talaga ko ayusan.

Pinasuot na niya sakin yung blouse and skirt. Para naman akong robot sunod lang nang sunod.

 Tapos siya na rin nagmake-up sakin.

 Si Ashley na rin naghatid sakin sa bahay kasi sabi niya baka raw pumunta ako sa ibang lugar at hindi matuloy yung date namin. Hayss ang babaeng yun talaga. Hahaha

6:30 na. Thirty minutes na lang susunduin na ko ni Gian. Dapat natutulog na lang ako ngayon eh. Puyat ako lagi sa mga taping. Ngayon pa kasi sumingit 'tong Gian na 'to eh. Tss.

*beep beep 

Malamang si Gian yun so lumabas na ko and nakita ko siya nakatayo sa gilid ng sasakyan. Ang gwapo niya sa attire niya. Haha lagi naman artista eh.

Pinagbuksan niya ko ng pinto. Sa totoo lang first time niya gawin sakin 'to. 

Dati nakisabay na rin ako sa kotse niya pero self-service yun as in ako nagbubukas ng pinto para sa sarili ko. Haha.

Nung nasa loob na, unti unti siyang lumapit sakin. Kinabahan naman ako. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya.

"Huwag kang kabahan. Isusuot ko lang yung seat belt sayo" hala? Nababasa niya laman ng isip ko?

"Pwede mo naman i-remind na lang sakin eh. Kaya ko naman" tapos ngumiti lang ako then nag-drive na siya.

8:00 na nung marating namin ang isang magarang restaurant na kaunti lang ang tao.

"Wait. Hindi ba tayo pagkakaguluhan diyan?" pigil ko sa kaniya kasi lalabas na sana siya ng kotse. Sikat ka masyado eh. Haha.

"Don't worry. Sa mommy ko yung restaurant . We'll be safe trust me" tapos nangiti na naman.

Nung nasa loob na kami, kain lang kami gutom na eh. Siya na yung umorder ng food di. Italian restaurant yun kaya expected na puro PASTA ang pagkain haha. Yummy ^_^

May magandang background music na tinutugtog yung band. Oo ang ganda grabe as in muntik na ko makatulog. Haha. Di ako mahilig sa mga classical music eh. 

"Bored ka na? Sayaw tayo." bigla naman ako nabilaukan sa sinabi niya. 

Lumapit naman siya agad sakin and binigyan ako ng water.

Ayun okay na ko. Natatawa kasi ako sa sinabi niya. Sayaw daw eh ansaveeeh ng music? Haha

"What's wrong with a dance? Dahil ba sa music?" hala mind reader ba talaga to?

"Ayaw mo ba ng music? Romantic nga eh. Sayaw na tayo." 

Hindi pa ko nakakasagot eh hinila na niya ko sa gitna.

Humawak siya sa bewang ko tapos yung kamay ko nasa leeg niya. Napilitan na ko. No choice na eh. Alangan naman iwan ko siya sa gitna and bumalik sa upuan namin eh di ang awkward nun. 

A moment of silence. I just enjoy the moment.

- - -

*riiiing riiiing

"Waah lakas naman ng alarm." Bumagon na ko then pinatay yung alarm. Nagmumuni-muni saka may napagtanto.

"Wait. Ano nangyari? Pa'no ako nakauwi?" 

"Waah friend gising ka na!" sabay hampas sa balikat ko. Aish si Ashley pala. Ano naman ginagawa ng babaeng 'to dito?

"Ano ba wag mo naman ako ginugulat! Grabe!"

"Sorry friend super kinikilig kasi ko eh." tapos ayun na naman yung nakakalokong tingin niya.

"Ano bang nangyari ah? Saka ano ginagawa mo dito? At saka pano ako nakauwi ha? Di ba may date ako kagabi?"

"Haha. Isa isa lang ang tanong ^_^ Excited masyado? Haha. Ganito makinig ka ikukwento ko."

- - -

- - -

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon