Chapter Six

7 0 0
                                    

EUNICE:

"Hilton Academy." Kumikinang na mata kong sabi. Sinong hindi?! Eh ang ganda ng school! Tsaka, kinakabahan ako -3-

First day ko kasi ngayon. Tsaka, d ko alam kung mababaet ba ang mga tao dito. Mga friendly kaya sila? Ang gagara naman kasi ng mga estudyante dito. Halatang mayayaman. Eh kasi naman itong si ate Avril, yung binigay niya sa akin eh scholarship pala! Para kay bessy Kara naman kasi dapat yun. Kaso, ayaw ni Bessy kesyo daw pangmayaman. Kaya binigay niya nalang sa akin. Sayang daw kasi. At buti nalang, matataas yung grades ko kaya pasok kaagad. At ito naman akong walang choice eh tinanggap ko nalang. Ladies choice lang ata meron ako eh. Ok waley -.-

"Oops, sorry" sabay flip nya sa buhok.

"Okay lang" nakangiti kong sabi. Na-awkwardan ako ng tingnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"New student?" Tanong niya. Tumango lang ako. Bigla siyang ngumiti ng pagkatamis-tamis. "Welcome to Hilton Academy." At niyakap niya ako.

Ako naman, nakatulala lang. Sinong hindi? Wenelcome lang naman ako ng isang magandang babae. Oo! Ang ganda nya *0* tsaka, ang bait din niya!

Sinundan ko siya ng tingin. Girl crush ko na siya! Ang ganda na nga, ang bait pa!

"Woah, woah!" Rinig kung sigaw kaya napalingon naman ako sa may likod ko.

"Hey, watch it!"

"Ano ba Kyle!"

"Careful you as*hole!"

Rinig kong sigaw-sigaw nila. Pero heto ako at nakatingin lang sa kanya na papunta sa direksyon ko habang hirap na hirap ibalanse yung besikleta.

Huh?

"Tabi!"

But the next thing happend is what I didn't expect.

Bigla siyang nag-break sa harapan ko kaya matatapon siya papunta sa akin. Pumikit ako dahil alam kong pagkatapos nito, puro galus ang mapapala ko.

Pero nabigla ako nang may humila sa akin at bigla akong niyakap. Hmm. Ang bango hehe.

"Watch it dude!" Sigaw nung lalaking yumakap sa akin. "Dahan-dahan lang at baka masaktan mo itong si Ms. Beautiful."

Napadilat ako at napatingin sa lalaking nagligtas sa akin. Oh my savio--

"Ikaw?!" Bulalas ko.

"Yes beautiful. The one and only awesome Brandy De Leon. Miss me?" Nakangisi niyang sabi.

Dali-dali naman akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at dali-daling pinagpag yung sarili. Haha, ang choosy ko. Siya na nga itong mabango, ako pa 'tong nagpapagpag na kunwari full of germs siya.

"What a small world miss." Nakangiti niyang sabi.

"Anong 'small world'? Ang sabihin mo, what a 'small manila'. Pareho tayong nasa manila kaya natural magkikita at magkikita tayo." Nakasimangot kong sabi. Naalala ko kasi yung sinabi niya sa akin nung last kita namin kaya naiinis ako. Sabihin ba namang pera lang ang habol ko?! Napakawalang hiya--

Nabigla ako ng bigla niya akong akbayan. Abat---

"Come on, itu-tour kita sa Academy NAMIN." Sabi niya sabay diin sa 'namin'.

Napatingin naman ako bigla sa kanya. Sa kanila ang school na 'to?!

"Oh? Shocked? Amazing diba? So ano? Payag ka ng mag-date tayo?"

Aba't ang walang hiya.

"HINDI" diin ko sabay tanggal nung kamay niya sa balikat ko at nagmartsa paalis. Ang kapal talaga ng pagmumukha. Hindi ako gold digger no!

You're mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon