Alex's POV.
Pumasok ako sa chapel ng ospital
Lumuhod ako at yumuko.
Naramdaman kong kusang tumulo yung luha ko.
Iyak ako ng iyak."Please Lord, I know I don't deserve her, Pero deserve nya pa pong mabuhay, Please wag mong kunin si Xymon"
Iyak ako ng iyak.
"Hinding hindi ko na sya sasaktan, Just please give her the chance to live at mahanap yung tamang lalaking di sya sasaktan at paiiyakin, Please don't take her away from me, Mahal na mahal ko sya" I cried so hard.
Nung pinalayas naman ako ng tatay ko hindi ako naapektuhan pero ngayong nasa bingit ng kamatayan si Xymon, parang halos gustuhin kong mamatay na din.
Ang hirap na makita syang nakaratay dun, Madaming nakasaksak sa katawan nya at tanging makina ang bumubuhay sa kanya.
Nag ring ang cellphone ko. Sinagot ko.
Sir George, patawarin nyo po ko.
Yun lang siguro ang masasabi ko sa papa ni Xymon. Pinagkatiwalaan nya ko pero sinaktan ko lang ang anak nya.
Gustuhin ko mang magalit sayo Alex pero hindi ko magawa, para na kitang anak.
Naiyak ako, Ang laki pa din ng tiwala ng papa nya sakin.
Hindi ko po ginustong mangyari to, Alam ko pong kasalanan ko lahat ito kaya nakaratay si Xymon.
Wag ka ng umiyak hijo, Aksidente ang nangyari. Alam kong kahit si Xymon hindi ka sinisisi.
Pinunasan ko ang mga luha ko. Klinaro ko ang boses ko.
Kelan po ba kayo makakauwi dito?
I'm afraid I can't.
Po? Bakit po?
Hindi ako applicable para mag biyahe due to my health. May sakit din kasi ako hijo pero hindi naman malala.
Nagulat ako sa sinabi ni Sir George.
Kung ganun po, magpagaling po kayo Sir!
Oo, Oo. Ayoko namang sumabay sa anak ko, sana Alex bantayan mo si Xymon. Ikaw muna ang bahala sa kanya.
Opo! Opo! Sa pagkakataong ito hindi ko na po sya pababayaan.
Maraming salamat, Alam kong kahit hindi mo aminin, Mahal mo ang anak ko.
Kahit ganun pa po, Sa tingin ko hindi po ako karapat dapat para sa kanya.
Tumawa ng bahagya sa kabilang linya si Sir George.
Alex, tanging ang anak ko lang ang makakapagsabi kung karapat dapat ka ba o hindi. Sige na, bantayan mo na sya at magpapahinga muna ako.
Sige po Sir George, madami pong salamat.
Maya maya ay naputol na ang kabilang linya.
Huminga ako ng malalim.
Napakabait ni Xymon kasi napaka ayos ng pagpapalaki sa kanya ng ama nya.Pabalik na sana ako sa kwarto ni Xymon ng makasalubong ko si Mrs. Romina.
"Doc" mababakas mo ang sobrang lungkot sa mukha nya.
"Okay lang po ako Mrs. Romina"
Lumapit sya sakin at nagulat ako ng bigla nya kong niyakap. Parang sa oras na yun gusto ko ng umiyak. Gustong gusto ko na pero pinigilan ko.
"Parang kapatid na kita, Kaya sa oras na to, Okay lang ipakita mo na mahina ka, Iiyak mo kasi kailangan mong maging matatag" tinapik nya pa ang likod ko.
BINABASA MO ANG
THAT GAY WHO STOLE MY HEART (UNDER REVISION)
RomanceNananahimik ang mundo nya, ngunit dahil sa patimpalak na yun ay nabago ang ikot nito. Sino nga bang maniniwala na ang isang totomboy-tomboy na babae ay magagawang ma-fall head over heels sa isang poging bakla. How desperate can she be in order to wi...