Prologue
"Hoy, Joey! Ano na naman tinitignan mo diyan? 'Di mo ba alam na kanina pa ko nagkukwento sa'yo?" Sabi ni Hera sa akin na sinamahan pa niya ng batok.
I am eyeing on someone 'evil'. Very, very, very evil!
Napailing ako, "Hoo, wala. Iniisip ko lang kung paano nagkaroon ng demonyo sa lupa gayong dapat nasa ibaba sila." Napakunot ang noo niya.
Maputi si Hera. Mahaba at malalaki ang kulot ng kaniyang buhok. May kakapalan ang labi at matangos ang ilong. Parati din siyang may suot na salamin.
"Anong demonyo sinasabi mo diyan? Hoy, bakla! Alalahanin mo nasa Australia 'yung gago mong ex. Pero sabagay, baka umuwi." Napairap ako. Umuwi na nga! 'Di ko alam kung ano ang pinunta niya dito. Sana hindi ako 'cause I don't need a shit in my life... anymore.
"Umuwi na siya, Hera. Tara na! Iwan mo nalang yung pera. Libre mo 'di ba?"
"Siraulo ka pala, eh. Kala ko ba ikaw?" aniya.
Napatango nalang ako, "Oh, siya. Sige, ako na. Mauna ka na sa labas."
Nag-ipit ako ng limandaang piso at saka nilisan ang lugar. Ayokong magpang-abot kami ni Marco dito. 'Wag ngayon. 'Di ko pa kaya.
"Oh, ano? Kasi naman, bakit mo iniwan? Ikaw tuloy nagtatago ngayon, 'di ba?"
Napahinga ako ng malalim bago balikan ang mga nangyari noon. Masakit pa rin, pero nakaya ko nga ng ilang taon, hindi ba? Kakayanin ko 'to. Ako pa ba?
"'Di din niya maiintindihan kung ngayon ako magpapaliwanag, Hera. Tsaka na lang. Kapag handa na siyang makinig at handa na akong magpaliwanag. Dahil kahit ako hindi pa handa, eh."
Napatango naman siya, "Nandito lang ako parati, Jo." sabay tapik niya sa balikat ko at binilisan na lang ang paglalakad.
Pagkalabas namin sa mall ay agad akong pumara ng taxi para umuwi na. 'Di ko na aabalahin pa si mommy na sunduin ako dahil alam kong pagod siya sa trabaho. Isa siyang abogado at may kaso siyang hinahawakan ngayon.
"Ah, manong. Sa Greenville Valley po." Naisipan kong magshuttle nalang papunta sa bahay kaya hanggang labas lang ako. Kilala naman ako ng guard 'don.
Pagkababa ko sa taxi ay may naabutan akong shuttle doon at sumakay agad. Tinext ko din si mama na malapit na ako.
Habang bumibyahe ay may tumabi sa aking lalaki. Mukha namang hindi tambay sa kanto. Hindi naman siguro 'to adik adik. Disente siya at mukhang may aakyatin pa ng ligaw. Char.
Nang matanaw ko na ang bahay at tumapat na ay pumara ako. Pagkababa ko ay nakita kong nakasunod na bumaba ang lalaking katabi.
Halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko.
Tatalikod na sana ako at papasok na sa gate ngunit hinigit niya ang braso.
"Wait up, Lianna. You're leaving me again." Fuck. Para akong sinaksak sa sinabi niya.
But I need to keep still. Hindi ko pwedeng ipaliwanag sa kaniya ang lahat agad. 'Di ko pa kaya.
"I don't owe you an explanation, Marco. Just please let go of me." Don't let go, Marco. Babalikan pa kita...
"Every part of me is longing for you. Araw-araw, Lianna. Come back to me, please."
We're on the same page, Mr. Castro. I also need you, everyday. Every part of me needs you...
BINABASA MO ANG
Every Part of Me
Teen FictionHow could I unlove you if every part of me needs you? -J.L. del Mundo Every part of me is longing for you, Lianna. Araw-araw. Come back to me, please." -A.M. Buenacorte