Chapter 2
Pagkatapos ako ipakilala ni daddy sa mga Buenacorte ay napagdesisyunan nilang sama-sama na lang kami sa iisang mesa kaya ganuon nga ang nangyari.
Buong gabi ay kausap ko si Kuya Albert na walang ginawa kundi ikwento ang tungkol sa mga naging babae niya bago si Mia. Wala din naman akong magagawa dahil alangan naman kung yung Andreus ang makakakwentuhan ko.
"What the fuck, Kuya Albert. Talagang kay Mia ka lang hindi gumamit ng condoms and all?" I said with a disgust tone, not minding Andreus in front of me.
"Oo nga, Joey. You can't blame me. Head over heels ako sa kanya!" Pagdepensa niya. "At saka, wala naman akong fling nung mga panahong iyon. I just want her. I love her."
"Mahal ka ba? 'Di ba, hindi?"
"Hoy Joey. Grabe ka ha. Mahal ako nun. Magpapabuntis ba 'yon kung hindi? Tsaka, shut up wala kang alam."
Napairap na lang ako. Siraulo talaga.
Lumabas siya sandali dahil may tumawag sa kanya. Maybe it's Mia.
It was an awkward silence nung nagsalita siya, kaya napatingin ako sa kanya.
"Hi."
I smiled and pursed my lips, "Uh, hello."
End of conversation. Nasan na ba sila mommy?
"Uh, Joey. Joey, right?" salita ulit ng katapat ko.
Tumango ako, "O-oo." Puta, stutter pa!
"Do you wanna have drinks? It's getting awkward here and I think I should initiate a conversation." Nuks, hindi manhid.
"Sure. Hintayin na lang kita dito." I said with a shy smile.
Tumango siya at tumayo na. Habang nasa buffet table siya ay kinuha ko ang phone ko sa pouch.
I texted Hera dahil nasa school siya dahil hinahanda niya yung Opening of Classes ng mga Juniors next week.
To: Hera
Hey, wyd? I'm with a hunk *winks*
From: Hera
Luh, pauwi na 'ko. And what? A hunk? Oy, fucker ka! What's the name?
To: Hera
Ain't asking him yet. Baka mamaya. He's a gentleman, best.
Agad din namang dumating si Andreus at umupo sa tabi ko.
"So, since you have no choice but talk to me, let's know each other." 'Di ka naman pala mabobored sa gwapo'ng ito!
"Sige, simulan ko na. I'm Joey Lianna. You?"
Yumuko siya ng bahagya at itinaas muli ang ulo. "And, I'm Andreus Marco. I'm studying Entrepreneurship at the Greenville University and pang-dalawang taon ko na this coming school year."
Mahilig din pala siya sa business.
"Business ka din? I'll take Entrep, too. Kaso undecided pa ako kung New York or I'll stay here." Napakunot yung noo niya.
"Why don't you stay here? Tapos, tsaka ka nalang lumabas ng bansa after you study."
"I don't know yet. It's still up to my parents. But I do like anything about business. Even this event. Nandito ako every year. Ikaw?"
"Well, I think this is my second time to attend this event. Huli yatang attend ko dito is five years ago before I flew back to Canada. Doon ako nagsecondary."
BINABASA MO ANG
Every Part of Me
Teen FictionHow could I unlove you if every part of me needs you? -J.L. del Mundo Every part of me is longing for you, Lianna. Araw-araw. Come back to me, please." -A.M. Buenacorte