Ay naku grabe! Sa panahon ng 00's usong uso na ang mga laro sa computer-han. Dahil dito piso piso lang naman kako kaya sinubukan kong laruin ang mga ito. By the way "Hi I'm Jane nga pala!" Nakatira ako sa mabatong bahay at ang aking pamilya ay may kaya. Panganay ako sa mag kakapatid at ang magulang ko ay nasa ibang bansa. Kaya lahat ng gusto ko nakukuha ko din.
Ni minsan na kita ko ang isang arcade games na hinuhulugan lang ng barya. Sinubukan ko ito at grabe! Naaliw ako ng husto. Araw't gabi palagi ako andito. Minsan nalilipasan na ako ng gutom makapaglaro lang dito. Hanggang nadala ko ito sa pagtanda ko at dumating din ang pagbabago ng teknolohiya. Edi wow syempre na sa computer shop na ang mga usong games.
High school na ako at ito aliw na aliw parin ako sa pag lalaro. Hindi ko inalis ang sarili ko sa paglalaro habang nag aaral din ng mabuti. Pero isang araw sa pag lalaro ko. Dahil sa online games lang talaga ako madaldal pero sa personal hindi naman talaga. May nakilala akong lalaking character at kasama ko siya sa games na naglalaro. Medyo okay sya, grabe ang angas ng character niya, ang angas ng pangalan atsaka english speaking pa konti. Close kami sa games na yun. Pero isang beses tinanong niya ako na "Babae kaba talaga? Eh wala naman kasing babae mag lalaro neto eh" alam mo sa tagal tagal ng pinag samahan namin sa games nakaka dismaya lang di niya ako pinagkatiwalaan na babae ako. Sinagot ko nalang sya "Oo babae ako" sa isip isip ko ano bang mapapala ko kapag magloloko pako dito eh laro lang naman to at mas gusto ko talaga yun character ko na katulad ng gender ko sa tunay na buhay ko noh! Dibale binalik ko ang tanong sa kanya "Bakit? Bawal ba ang babae mag laro neto?" Ang sabi niya naman ay "Balak ka siguro ang galing mo mag salita eh!" Ay grabe tong taong ito. Sinunod pa niya "Kung gusto mo mag EB nalang tayo!". What!?!? Diko pa talaga narinig tong EB nayan kasi naman taong bahay-paaralan-computer shop lang naman ako. Tinanong ko siya "Anong EB?" At ang sinagot niya "EB stands for Eye Ball" hala sa isip isip ko ano kayang eye ball na to bakit may eye na may ball pa. Edi tinanong ko nalang sya "Anong eye ball ba yan? Makikipag eye ball pako para malaman mo na tunay akong babae at kung anu-ano na sinasabi mo eh maglaro nalang tayo! Richard!" Bigla nalang syang nang-asar sakin "Eh bakit ayaw mong mag eye ball? Ibig sabihin nun makipag kita sa personal! Siguro bakla ka talaga nag iimpostor kang babae ka" ay nakaloko na tong lalaking to aba sumagot ako na "Anong bakla ka dyan, sige magkita tayo nang masampal sa mukha mo yan sinasabi mo hahaha". "Teka taga san ka pala richard?" Syempre tatanungin ko muna kung taga saan siya baka naman taga mindanao pa tong hinayupak na to't tinawag pa akong bakla. "Taga tondo lang ako, ikaw ba jane bakla?" Sumagot ako na naiirita sa personal "Hoy grabe ka sakin! Maka bakla ka sakin! Ah taga malabon lang ako. Ang lapit lang pala natin ah!" Bigla siya sumagot "Oh talaga sige akin na yahoo messenger mo? Eto yun akin chill¥&^%]>\*]@yah@-¥-¥=\*.com" sumagot ako "oh sige ippm na lang kita i-open mo nalang yan chat application mo."
Mga ilang oras lumipas, nag sawa na kami mag palevel-up nang account namin at niyaya niya ako mag chat na talaga dahil nakalimutan ko talaga sya i-add dahil busy kami sa pag lalaro.
"Hi si Jane ito!" Bigla niya nabasa at sumagot dito, "Wow grabe yung picture mo ah san mo nakuha yan bakla ka!" Ay grabe mang asar tong hayup na to! Nakakaloka, sa sobrang angas niya hinahangin na ako sa inuupuan ko. "Grabe ka talaga sakin! Kahit mag video call pa tayo eh at bibigay ko pa yung cp number ko tawagan mo pa ako eh!" Ang sabi ko. "Oh sige jane ganda hindi na kita aasarin! Ano na pala number mo para maset natin yun meet-up natin!" Ang sabi niya.
Sa isip isip ko, natatakot akong makipag kita sa hindi ko naman totoong kilala at lalo na't babae ako! Na patayin ako at kung ano pa pero ang gagawin ko sapalaran talaga. Mabait naman siya sa laro medyo maangas nga lang. Sa sobrang angas niya at tinutukso na ako ng ibang kasama namin sa guild na bakla ako. Ibinigay ko ang number ko. Nagka-textmate kami bigla! Wow syempre another friendship sa games going real! Nakakatuwa naman! Nag text ako sa kanya "Sige i-set mo na ang pagkikita natin para malaman mo ang totoo." At medyo gabi na kaya magpapaalam na din ako sa kanya at ako may pasok pa sa paaralan sa umaga. Bigla siyang nag reply sa text. "Sige see you soon my momcy Jane! ;*". Ay bigla akong kinilig, hindi ko malaman pero di pa naman kami nag kikita sa personal puro picture nya lang nakita ko sa yahoo messenger, na pakiramdam ko photogenic lang tong lalaki na to kaya may dating din sya kahit papano pero naiinis talaga ako sakanya kasi tinatawag niya akong bakla! Hmmmp! "Anong momcy Jane ka jan! Hindi kita boyfriend o asawa kaya tigilan mo ako richard kundi maliliktikan ka sakin! Ano bakla nalang ba papatulan mo?" Ang sinagot ko na may inis. "Bakla ka talaga basta sa sabado wala tayong parehas na pasok sa paaralan para malaman ko ang muse ng guild namin ay hindi bakla ha! See you!" Ang huli niyang mensahe ngayon araw.
Naiinis, kinakabahan, natatakot at kinikilig ako. Ang hirap ipaliwanag kung ano ba dapat kong sabihin na babae naman ako para maniwala siya sakin! Hay grabe mga lalaki talaga oh!
Next chapter....
Ang may-akda: Hi guys! Pasensya na kung taglish ko na siya! Ang hirap itagalog ng ibang english word eh pero sana naaliw kayo sa unang kabanata ng aking likha.
BINABASA MO ANG
Masaya ka naba?
RomanceIto ay likha lamang hango sa mga napapanood sa mga telebisyon pwede mo rin itong sabihin na tunay nangyari kung makaka-relate ka sa bawat kabanata ng kwento. Naway mag-enjoy po kayo sa pag babasa ng aking aklat ng pag ibig mula sa nakaraan. Oo nga s...