Judge No. 1

737 34 2
                                    


  Jane Kenneth Acidre - Abciddy, Author of the book Project Ex (Published under PSICOM) and one of the PSICOM Gems

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  Jane Kenneth Acidre - Abciddy, Author of the book Project Ex (Published under PSICOM) and one of the PSICOM Gems


   Ako ay si Jane Kenneth Acidre, mas kilala sa tawag na "Abicddy" sa Wattpad at sa lahat ng aking mambabasa. Naipalimbag ang isa sa aking mga obra noong nakaraang taon. Maliban doon ay nakapagsulat na ako ng apat pang kwento na sa kasalukuyan ay mababasa sa Wattpad. Hindi ako award-winning author at hindi ko rin kino-consider ang sarili ko na popular sa social media pero kaligayahan kong magbasa ng iba't ibang kwento at ibahagi ang kaalaman ko sa pagsusulat. Tinatanaw kong isang malaking karangalan ang mabigyan ng pagkakataon upang makasalamuha at matuto din sa mga baguhan at sa mga iba pang nagbabalak na pasukin ang mundo ng pagsusulat.  

  Hindi ako masyadong teknikal na tao dahil naniniwala akong mas mahalaga ang nilalaman ng kwento at mas makakapag-express ang isang manunulat ng konsepto at emosyon kung ang istilo niya ay mas malaya at hindi masyadong kumbensyonal. Ang hinahanap ko sa isang kwento ay puso. Gusto kong maramdaman na bilang nagbabasa, bahagi din ako ng kwento at kasali ako sa mundo nila. Hindi kailangan na kumplikado ang plot, walang masama sa simpleng storyline. Ang mahalaga ay yung maramdaman ko hindi lang yung mga karakter sa kwento kundi pati na rin ang nagsulat ng kwento.  

  Ang mga teknikal na aspeto sa pagsusulat ay natututunan but to deeply affect your readers, that I consider not just a talent but an art. Kung may hamon man ako sa mga contestants, yun ay ang bigyan ako ng dahilan para balik balikan ang kwentong isusulat nila at papasukin ako sa mundong sinusubukan nilang buuhin.  

The Writing ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon