DaFeels No. 1:
1 Word, 4 Letters? Ano 'yun?Isang salita at Apat na letra? Ano 'yun?
Bagay ba 'to? Tao? Hayop? Lugar? O salita?
Hindi lang basta salita, kung hindi DAMDAMIN. Nararamdaman siya. Ano nga ba 'yun?
Sirit na?
L.O.V.E
'Yan ang sagot. Ang love ay isa sa di mapaliwanag na bagay ng isang tao. Kahit na ang scientist ay 'di mapaliwanag.
Okay, mali ako 'dun. Napapaliwanag ang LOVE pero wala siyang specific na definition. May iba iba tayong definition ng LOVE depende sa kaalaman natin at sa nararamdaman natin.
Kailan ba natin nalalaman ang LOVE? Kapag ba nasa legal age na tayo? Pag teenager?
Hindi. Ang LOVE kasi, di lang 'yan basta nararamdaman sa opposite sex mo. Di porket LOVE ay tungkol na sa mga magbf or gf. Love can be felt in different ways.
Maaring love ka ng Mama mo or ng family mo as a family member. Love ka ng bestfriend mo as a friend at marami pang iba. Saka ang love, nararamdaman na natin 'yan kahit na 'di pa tayo napapanganak o nabubuo. Paano?
Dahil nabuo tayo sa pagmamahalan ng mga magulang natin. Inalagaan tayo ng magulang natin kahit na nasa sinapupunan pa lang tayo. Ni-love nila tayo. Kahit na fetus ka pa lang, nararamdaman mo na ang Love. Sinong may sabing porket bata ka ay di ka na pwedeng magsalita about LOVE?
Siguro ang ibig nilang sabihin ay LOVE sa opposite sex mo. Yung tipong gusto mo talaga siya? Yung nahihiya ka pag nandiyan siya? Yung di mo alam ang gagawin mo?
Teka! Teka! Lumalayo na ah! Pero iibahin ko na. Pumunta tayo sa pagmamahal dahil tapos na tayo sa Pag-ibig. Pero teka, anong pinagkaiba nun? Spelling?
No. Ang pinagkaiba nila ay ang 'Pag-ibig' ay kadalasang sinasabi bilang salita lang. Pero ang pagmamahalan, pang dalawahan na agad 'yan. Bakit? Dahil 'PAGMAMAHALAN' kapag isa lang, 'PAGMAMAHAL' lang.
Di ka naniniwala? Bakit, may narinig ka na bang nagsabi na, "Ang PAGMAMAHALAN ko sa'yo ay tunay"
Wala naman di 'ba?
Pero bakit ko ba 'to ginawa? Bakit ko ba 'to naiisip? Bakit ko ba 'to shinare? Bakit ba ako nangingialam eh wala naman kayong pake?
Eh kasi po, habang tumatanda ako, nari-realize ko narin ang salitamg 'yan.
Uyyyy! Si Marie luma-love life!
Haha, 'di ako luma-love life. Wala pa akong experience diyan noh! Pero dahil 'to sa mga nakikita kong tao or yung mga closest friends ko pati na rin dahil sa sarili ko.
Unahin ko na 'yung sa bf ko. As in best friend ah? Di boyfriend! Wala ako nun.
Babae siya
Of course. Di naman kasi ako close sa mga boys except sa kuya ko. Anyway,Maganda siya,
Only child kaya sa kaniya naka-focus ang mga magulang niya.Tulad nang ordinaryong babae, may crush din siya.
Ang problema nga lang, naiingit siya. Naiingit siya sa mga tropa niya. I mean yung mga babae niyang kasama except to me. Bakit naman?
Kasi, halos lahat sila ay may love life. Kaya heto si girl, nainggit.
May crush siya, kaso yung crush niya ay may girlfriend na kaya ayun, sawi ang bf ko pero ang tanga niya lang dahil di parin siya tumitigil. Alam niyo yun, Yung nagkikita sila tapos makikita niyang magkasama at sweet yung mag bf tapos sasabihin niya na kakalimutan niya na yung crush niya.
Pero ang dulo?
Di niya magawang kalimutan. Gwapo eh! Bang gwapo, seriously. 😑
Naawa rin ako sa kaniya dahil yung mga oras na 'yun, na-fall siya sa isa pang lalaki. Kakakilala niya lang pero naging close na agad sila. Gwapo din. Kilala ko nga eh. Nakasama pa ako nang minsan manood sila sa bahay ng girl.
Naramdaman kong close talaga sila at magaan sa loob na kasama yung guy kaso sabi nga nila, expect the unexpected.
Bakit naman?
Dahil si guy, na-fall sa iba. Kaya etong si girl, nahulog sa sahig nang tuluyan nang may bali at pasa sa katawan. Di lang physically pero emotionally injured. Nadagdagan pa 'yun dahil maganda yung girl. Pero walang magawa tong si friend ko dahil isang hamak na... na ano?
Tulad sa ibang pocketbooks, story at palabas, isang hamak na 'BES' lang naman siya. Wala siyang karapatan. Pero ano nang nangyari?
Edi di na siya pinapansin nitong si guy. Edi ba nga bes sila nitong friend ko? Wala na silang time at di na sila nagapapansinan. Dahil nga sa may gf na siya. Pero mas lumala pa yun.
Nang magconfess siya tru chat. Pero anong sabi nung guy?
Edi syempre tulad ng mga di happy ending, ang kinahinatnat ay 'Bes zoned' at eto, iyak siya ng iyak. Lumipas ang buwan at naging sila na nung girl kaya lalong nasaktan tong friend ko. Na-miss ko nga din yun eh.
Then now, may nanliligaw sa kaniya pero di niya type. Nagpaalam sa kaniya kung pwede ba daw? Sabi ko sa kaniya, wag na. Lalo na kung di mo naman siya gusto in the first place pero anong ginawa niya?
Pumayag siya. At naasar talaga ako sa kaniya. Tapos ang kinahinatnan, wala rin. Nahirapan siyang sabihin yung totoo dun sa guy. Sinabi niya na di siya handa pero aantayin daw siya nung guy.
Kaya nga binatukan ko yun nang nalaman ko. Sinabihan ko pa ng "paasa" pero sabi niya, di na daw mauulit.
See? Ganiyan talaga ang buhay pero may pina-realize ako sa kaniya nang sinabi niyang may nagpapaalam daw na manligaw sa kaniya.
Love needs patience
'Yan. Yan ang sinabi ko sa kaniya. Yan kasi ang alam ko. Na di naman kailangang magmadali tayo sa love na 'yan! Siguro nga'y di mo maiiwasang maiingit sa mga nababasa mo o nakikita mong couples, pero lagi mong itatak sa utak mo na meron ka din niyan. Mahahanap niyo rin ang isa't-isa.
Siguro, nasa bahay lang din yung 'THE ONE' mo kaya di mo makita. Pero kapag lumabas na siya at nagkita kayo, edi tanggapin mo. At siguro ay yun na ang tamang panahon.
Kailangan mo lang siyang antayin. Dahil lahat tayo ay nakatadhana sa isang tao na mamahalin natin at mamahalin tayo ng lubusan. Antay lang tayo mga pare! Antay antay lang! Sa tingin niyo ba kayo lang ang naiinip?
Saka depende rin yan sa age mo. Baka naman mamaya twelve years old ka pa lang ay sumusuko ka na at naiisip mong tatanda ka nang dalaga o binata. Hindi naman eh! Ako nga eh..... haha, wala pala!
Okay, ako inaamin ko na naisip ko na din yan. Yung mga tanong na:
Bakit kaya wala pa akong bf? Darating kaya siya? Saan ko kaya siya makikita? Forever kaya kami?Gwapo kaya siya? Sino kaya siya?
O di ba? Kahit na yung simpleng makikita kong 'relationship goals' eh napapaisip ako. Kung ganun din kaya ang mangyayari sakin balamg araw. Pero pinuputol ko yun. Pag may nakikita akong ganun, naiinspire na lang ako sa kanila o di kaya mapapa-'ang cute nila!' Na lang ako.
Hay, mahaba-haba rin to. Napaisip kasi ako bigla kaya naisulat ko to. Sana napangiti at napaisip kayo nitong part na to.
Kaya ayan mga bes, kaunting recap lang, laging tatandaan that LOVE NEEDS PATIENCE. Okay? Naka-all caps na 'yan! Hinay-hinay lang sa paghahanap, wag tayong desperada dahil 'yan ang nagihing dahilan para makilala si Mr. Wrong or si Ms. Wrong at dahilan kung bakit tayo masasaktan ng sobra sobra na tipong nagka-trauma ka na. Then, ayaw mo na o di kaya takot ka nang magmahal not knowing that Ms./Mr. Right is there already by your side pero di mo makita-kita kasi nga nabulag ka ng sakit.
Hinay-hinay lang mga bes, 'kay?
~Yourgirlynerd 🍀
BINABASA MO ANG
Short Stories
AventuraRamdom ideas and thoughts ng author. Some are about our life, my life and problems. Meron ding kalokohan. Hehe sorry.