CHAPTER 1

51 2 0
                                    

Mira Claire Alexandra Demio


"Oo eto na nga papasok na ako. Nasa gate na nga diba? Kita nalang tayo jan!"

Sabi ko sa kausap ko sa kabilang linya. Naglalakad ako papasok sa loob ng campus namin. Kanina pa tumatawag ang bestfriend ko na si Maureen. May surprise exam si Prof namin sa major subject. Alam ko namang kokopya yun sakin kaya ako pinapadali. 


Pawis na pawis na akong pa akyat sa classroom namin na nasa forth floor pa ng building. Lakad takbo ginawag ko baka kasi di ako makaabot. Medyo stricto pa naman yung prof namin na yun. 

Ako  ng pala si Mira Claire Alexandra Demio. Sosyal ng pangalan ko diba? Kakalipat ko lang dito sa Maynila. Galing akong probinsya. Gusto ko kasi ipagamot si mama dahil bulag ito. Nagkaroon kasi ng aksidente ng mabanga ng isang bus yung trak na sinasakyan nila mama para mag deliver ng gulay sa Maynila. Patay si Papa agad adad weak kasi. Chos! Si mama naman may pa blindness effect. Echos lang din. Oo bulag si mudra at gusto ko siyang ipagamot. Sabi kasi ng doctor sa probinsya namin e dapat daw matingnan ang mga mata ni mama sa lalong madaling panahon dahil may pag asa pang makakita siyang muli kaya nakipagsapalaran ako dito sa Maynila. Binenta ko lahat ng ari arian namin sa probinsya at lumipat narin ako ng paaralan. Isang taon nalang magtatapos na kasi ako. 


naalala ko ang unang araw ng pag dating namin dito sa Manila sakay ang bus galing probinsya. Pina upo ko si mama sa may waiting shed habang bumibili ako ng maiinom namin. Gusto kasi daw ni mama mag kape at nag request pa ng starbucks. Sosyal si Mader. Chos lang. 


Habang nakatunganga kami ni mama sa waiting shed dahil iniisip ko kung saan kami titira ni mama. Dahil sa keen observer din ako napansin ko yung mga taong dumadaan sa harap namin. Ang gagara pala ng porma nila. Masyado sila stylish kumbaga. May isang grupo na naka suot ng varsity jacket tapos naka sombrero at may mahahabang medyas at feeling cool sila na di ko alam kung bakit sila naka jacket sa ilalim ng tirik na araw. Siguro yun ang uso dito sa Maynila. Gusto ko gayahin yung porma na yun. Hmmmmmp. Makapag ganon nga sa school minsan para cool din ako. mehehehe talino ko talaga. Napansin ko din na uso ang shades sa porma ng mga tao dito. Kaya naalala ko na meron pala akong shades. Nabili ko to sa tiange namin sa probinsya. Ganda kaya nito color neon green. Cool. Kinuha ko yun sa bag ko at sinuot. 


Feeling ko mayaman ako. Naka shades at pa upo upo lang sa waiting shed habang umiinom ng kape. This is life! Pero saan kaya kami titira ni Mama? Mangungupahan nalang kami sa lugar na malapit sa pag lilipatan kong skwelahan.


"Plooooook!"


Nagulat ako ng bigla may naglagay ng pera dun sa baso ng kape na iniinom ko! waaaaaaaaah! Yung kape ko! Nakakainis! Ano ba kala niya sakin? nanlilimos? mukha ba kong pulubi? 3 in 1 kaya tong kape ko! sayang pa naman to. Bastos yung taong yun ah!


Umalis nalang kami ni mama dun sa lugar na yun dahil sa na imbyerna ako. Naghanap kami ng mauupahan at buti nalang nakahanap kami agad. Pwedeng lakarin mula dito yung school namin kaya tipid ako sa pamasahe. 


Isang maliit na bahay ang nakuha namin ni Mama na may isang kwarto. Tama lang ang laki nito para sa aming dalawa. Limang libo ang bayad kada buwan. Okay na rin to kasi may kasama ng gamit pati kamasa na rin yung bayad sa tubig at kuryente. Mabait naman yung may ari. Isang matandang babae. Wala naman kasi daw siyang balak paupahan ang bahay nato pero nagpumilit lang ako dahil sa pagod narin si mama kakalakad namin.

NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon