Chapter 2

20 2 0
                                    

  Nino Rafael Zubel  POV

(Inno yung nickname ni Nino binaliktad na name niya kasi mas cool daw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Inno yung nickname ni Nino binaliktad na name niya kasi mas cool daw. Hahaha at close friends lang ang pwede tumawag sa kanya nun)

"Inno, dumating na nga pala yung mga bagong armas galing Macau." Si Roel ang aking kanang kamay.

"Sige papunta na ako jan" sahot ko bago pinatay ang tawag.

Alas 5 palang ng umaga ng tumawag si Roel para ipaalam na dumating na ang bagong armas na galing Macau. Dali dali akong bumangon sa kama at naligo. Kailangan kong pumunta kaagad sa hide out para e check ang bagong shipment na armas.


Kung nagtataka kayo anong trabaho ko, isa akong negosyante. Legal at illegal. Legal kasi ako ang magmamay ari ng kompanya ng pamilya namin pagkagraduate ko. We are into air transportation, banking, food, hotels, power, chemicals, real estate, and telecommunications. Yan lang naman ang mga negosyo namin. On the other hand, I secretly have my own underground business. Oo my own, kasi ako lang at hindi kasali ang family ko sa illegal na business ko. I have my own mafia and I am their boss. 


Paano at bakit? Well, it all started when my sister died after we were ambush by a group of men na hindi ko alam ang rason. Pauwi kami noon galing sa resthouse namin sa tagaytag when suddenly hinarang kami ng isang grupo ng mga armadong mga lalaki. I was 12 years old and my sister was five. 


Nauna umuwi sila Mommy at Daddy nun kasi may emergency daw sa companya. Nagpaiwan kami ng kapatid ko sa tagaytay kasi she wants to spend her birthday there. We spend it together that day. We decided to go back the day after since my parents are throwing a belated birthday for her kasi di sila nakasama sa celebration. 


Nasakalagitnaan kami ng byahe when I heard a gun shot. Nagpagewang gewang ang sasakyan namin haggang sa sunod sunod ang naging pagputok ng baril. Mang Arthuro died. Nakita kung duguan ang buong katawan niya dahil sa dami ng tama ng bala. I hugged my sister not knowing na may tama na pala siya. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot. Hindi ako makagalaw. Naghahalong takot at kaba ang nararamdaman ko. 


Naramdaman ko ang pag tama ng bala sa aking braso at sa aking tiyan. Maraming dugo ang lumabas sa aking katawan. Tiningnan ko ang aking kapatid na hindi na gumagalaw. May tama siya sa dibdib. Gusto kong lumaban pero wala akong magawa. I heard them opened the car door. They were checking if we are still alive. Nagpanggap akong patay dahil sa takot na barilin nila ako. I heard them talking. "Patay na to. Umalis na tayo dito. Sabihin niyo kay boss ang magandang balita."


Bago ako mawalan ng malay ay nakita ko ang suot nilang itim na tuxedo. May suot na singsing yung lalaking nagsarado ng pinto ng kotse namin. May tatak na agilang may dalawang ulo. 

NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon