Chapter One:

91 3 2
  • Dedicated kay Meaj Matagay
                                    

“Juliana, halika na dito! Kailangan ko ng tulong!” narinig ko na tawagin ako ni Mama sa baba.

Kinuha ko ang hairnet ko at apron at tumakbo papunta sa kusina sa may ground floor.

“Juliana! Nasaan ka na ba?!” pasigaw na tawag sa akin ni Mama.

“Nandyan na po!” pasigaw ko namang sagot at mas binilisan ang pagtakbo. Nang pababa na ako ng hagdanan ay bigla akong natapilok ng isang unidentified irritating object at dumerediretso sa mga steps ng hagdan at dumaosdos sa sahig ng kusina.

“Aray!” reklamo ko dahil sa sakit ng tuhod at katawan ko.

“Oh, Juliana! Ano ka ba naman?! Hindi kita pinalaki ng tamad. Tumayo ka na nga diyan at kita mo namang maraming order,” sabi ni Mama at tuloy tuloy sa pagtrabaho.

Tumayo ako nang sapu-sapo ang tuhod ko papunta sa may counter-top. Nakita ko ang dose-dosenang tray ng cupcakes na nakalatag sa buong counter.

Ako nga pala si Juliana Castillo, Juli for short. I am nineteen years old and a college student. Nagte-take ako ng course na business management at nag-aaral ako sa malaki at pangmayaman na Kingsford University.

Kami ng Mama ko ay nagmamay-ari ng isang bakeshop slash café dito sa Maynila na nagngangalang Frostings Corporation. Ito na rin ang bumubuhay sa akin at sa kanya. Binuhos kasi ni Mama ang buhay niya sa pabe-bake at noong may murang pwesto para itayo ang business niya, kinuha niya na ito.

Siguro akala niyo ay mayaman kami. Diyan kayo nagkakamali! Hindi porket may business ay mayaman na. Malaki nga ang income namin dahil sa café pero dahil sa marami kaming binabayaran na utang e nauubos din ito agad.

Kaya lang ako nakapag-aral sa isang exclusive na school katulad ng Kingsford ay dahil sa scholarship ko. Valedictorian kasi ako nung grumaduate ako nung high school kaya nag-offer ang university ng scholarship. Paalala: nung fourth year lang ako straight A. Puro palakol grade ko dati.

Malaking tulong na din yung scholarship ko dahil bawas sa gastusin ni Mama.

Isusuot ko na ang hairnet at apron ko ng bigla akong pinigilan ni Mama.

“Hindi ko kailangan ng tulong mo,” sabi ni Mama at kinuha ang hairnet at apron ko.

“Ano po? Eh diba sabi mo kanina kailangan mo po ng tulong?” pagtataka ko.

“Oo nga, kailangan ko ng tulong mo,”

“Eh kakasabi mo lang po kanina na hindi mo kailangan ng tulong ko dito sa kusina,” sabi ko at biglang napakamot sa ulo.

“Hindi ko nga kailangan ng tulong dito,”

“Ano po ba yan, Mama? Pasigaw-sigaw ka kanina na kailangan mo ng tulong ko tapos nadapa pa ako sa kakamadali tapos tinawag mo pa po ako na tamad tapos nung tutulong na ako sabi mo po hindi mo kailangan ng tulong ko. Mama, may problema ka po ba?”

“Wag mo nga akong pilosopohing bata ka! Ganyan na talaga kayong mga bata ano? Hindi ko kailangan ng tulong dito sa kusina. Kailangan kita para maging waitress dun sa labas. Madaming customer ngayon at medyo nahihirapan yung mga staff natin,”

Yun naman pala eh! Edi sana sinabi na ni Mama kanina diba? Dapat straight to the point! Nagmukha tuloy akong tanga -3-

Lumapit si Mama sa may isang cabinet at kumuha ng isang white na blouse at brown na skirt na medyo above the knee; the typical café waitress uniform. Kumuha na rin siya ng pink na waist apron at notepad at . . . headband na may bunny ears?! Ibinigay niya itong lahat sa akin.

“Isuot mo iyan at pagkatapos mo ay tulungan mo na yung staff sa labas,” sabi ni Mama at bumalik sa paglalagay ng frosting sa mga cupcakes.

“Eh Mama, bakit po merong bunny ears?” tinanong ko sa kanya.

Three Boys and a Bunny GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon