Chapter Two:

60 1 2
  • Dedicated kay Louise Baccay
                                    

“Ay sorry miss! Hindi kita nakita. Nakaupo ka pala diyan!” sabi ng isang babae na muntik nang isalampak ang puwetan niya sa akin. Ate, hello! Nandito po ako! Baka kailangan niyo pa po ng 3D glasses para makita yung effects! Sarap sapatusin eh.

Respeto naman mga tao! Hindi po ako invisible! Sheeeesh! Grabe lang ha? Bastusan on the spot!

Tumango na lang ako at umalis na yung babaeng malaki ang puwet at may pa sway-sway motion pa ang buhok niya. Wow!

Haba ng hair!

Madapa ka sana!

Leche.

Wag ka sanang kunin na commercial model ng kahit anong shampoo and conditioner

Baka malugi sila eh!

“Juli!”

Naglalabas pa ako ng sama ng loob nang biglang may tumawag sa akin. Hinanap ko kung saan nanggaling yung boses at sa hindi kalayuan ay nakita ko ang aking dalawang kaibigan, si Louise Buenavides at Nina Hernandez.

Nag-hi ako sa kanila at lumapit naman sila sa bench na inuupuan ko.

“Hi friend!” sabi ni Louise at umupo sa tabi ko habang si Nina naman ay umupo rin sa kabila ko.

“O? Anong kailangan niyo sa akin? Mangungutang kayo noh?” masungit kong sinabi.

“Grabe! Porket lumapit lang kami sayo, mangungutang kaagad?!” sabi ni Louise.

“Oo nga! Di ba pwedeng mag-sosolicit muna ng pera?” tanong naman ni Nina.

“Parehas lang po yon! Atsaka may utang pa kayo na bente pesos sa akin, mamamalimos na kayo sa akin!”

“Ang tipid mo ha! Bente pesos lang naman iyon!” sabi ni Nina.

“Atsaka friend, kelangan ko ng one hundred fifty pesos. Ipangbibili ko ng libro para sa isa sa mga subjects namin!” pagmamakaawa ni Louise.

“Nope. Igagastos niyo lang eh,” tipid kong sinabi.

“Aba! E para saan pa ba ang pera? Edi para gastusin. Hindi mo naman pwedeng gamitin ang pera na pangsaplot diba?” antipatikang sinabi ni Nina.

“Alam ko namang gagamitin niyo lang yan para sa isa pang fieldtrip niyo sa 7/11. Kakain nanaman kayo eh,” nagpangalumbaba ako at nakatingin lang sa malayo.

“Wag kang mag-alala friend! Isasama ka na namin ngayon! Promise!” sabay na sinabi nila Louise at Nina at nagtaas pa ng kamay.

Naaalala ko pa nung binigyan ko ng limos ang dalawang babae na ito. Dinala lang nila ito sa isang supermarket at nagpaka one-day-millionaire na namili ng kung ano anong pagkain. Ang malala pa, hindi ako sinama. Daig ko pa ang may asawa at may kabit.

“Haaayyy. Magkano ulit?” tanong ko habang kinukuha ang wallet ko sa bag. Hindi ko talaga alam kung bakit napaka-bait ko.

“Ay thank you friend! Two hundred lang naman!” sabi ni Louise.

“Two hundred?! Parang kanina one hundred fifty lang ang pagkakarinig ko ah!” reklamo ko at inabutan siya ng one hundred dollar bill.

“One hundred lang?! Tipid naman!” reklamo ng dalawang bruha.

“Gusto niyo bawasan ko pa iyan? From one hundred, zero na lang yan may kasama pang kutos,” pananakot ko sa dalawa.

“Okay na ito, kesa wala!” sabi nila ng sabay. Creepy.

“O?! Bakit puro dinuguan yang uniform mo? Para kang isinawsaw sa dinuguan!” sabi ni Louise at kumuha ng tissue sa bag niya at iniabot sa akin.

So ngayon lang nila nahalata pagkatapos nilang kumatas ng pera sa akin? Hohoho. Salamat at mayroon akong kaibigan, kaibigan na masarap na isawsaw sa dinuguan.

Three Boys and a Bunny GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon