Kabanata 2
Brothers and Sisters
Hindi ko na matandaan ang huling pagkakataon kung saan nangarap ako na maging isang successful na kung ano. Ang pagkakaalam ko'y nawala lamang ang kagustuhang iyon nang namatay ang aking mga magulang sa isang car accident noong ako'y grade five pa lamang. Pagkatapos noon ay hindi na muli ako nangarap.
Bakit ako mangangarap kung wala naman akong pag-aalayan nito?
"What did you say?" tanong ni Ben. Kunot ang kanyang noo at seryosong nakatingin ng diretso sa aking mga mata.
"Wala..." ngumiti ako. "Ang bingi mo pala, 'no?"
"Hindi ako nakikipagbiruan. Ano nga ulit iyong sinabi mo? Wala kang pangarap?"
Naramdaman kong uminit ang aking mga pisngi dahilan para mapanguso ako. "Narinig mo naman pala, e!"
"Hey, guys!" napalingon kami kayna Eydie at Eros na parehas ring nakatingin sa aming dalawa ni Ben. "Close na kayo?" asar pa ni Eydie na may suot na nakakalokong ngisi ngayon.
Umirap ako. "Pwede ba, Eydie? Kung ano man 'yang iniisip mo ay pakibasura na." walang ganang sagot ko bago sila tinalikuran. "I'm tired. Mauuna na ako sa sasakyan." pagpapaalam ko.
Nakita kong napalingon sa akin sina Zion mula sa kabilang banda habang naglalakad ako papasok ng restaurant. Umambang susunod si Zion pero hinila siya ni Sed pabalik kaya binalewala nalang nila ang aking biglaang pag-alis. Siguro'y iniisip nilang inaantok na ako at wala na sa mood para makipagkwentuhan, which is half true. Pero ang totoo ay hindi ko na talaga kayang magtagal pa roon.
Nahihiya ako! Nahihiya ako kay Ben!
Napatingin ako sa aking relos. Malapit nang mageleven o'clock kaya siguro ganito na ang aking mood.
Binuksan ko ang pintuan sa front seat ng kotse ni Zion at pabagsak na naupo doon.
I sighed.
Hindi ko alam kung bakit ako nag open-up kay Ben. Hindi kami friends at lalong-lalo namang hindi kami close! Kaya bakit? Bakit!
Dahil ba sa whiskey na ininom ko kanina sa bar? Damn! Kung ganito pala ang resulta ng inuming iyon ay hindi ko na iyon titikman pang muli! Pahamak!
Tinakpan ko ang aking bibig nang mapahikab ako. Isinandal ko ang aking ulo sa bintana ng kotse at pumikit ng mariin.
Gigisingin naman siguro nila ako mamaya.
Masyadong naging mahaba at nakakapagod ang araw na ito para sa akin. Hindi ako sanay pero kailangang masanay. Ito ang naging lifestyle ng mga kaibigan ko sa mga nagdaang araw at alam kong magiging permanente na ito para sa kanila hanggang sa hindi pa sila nagtatrabaho't mga hindi pa pamilyado.
Kinabukasan ay nagising akong nasa kama't nakapantulog na. Nagulantang ang kaluluwa ko kaya dali-dali akong bumangon at lumabas ng kwarto. Tinakbo ko ang kahabaan ng hagdanan dahil sa pagkakataranta.
Sinong nagbihis sa akin?! Si Manang? Si Ate Xiara?
"Good morning!" halos mapalundag ako sa biglaang bati ni Eydie sa akin. Nakaluhod siya sa tapat ng tv at mukhang may hinahalungkat na kung ano sa ilalim. Movies siguro.
"Why are you here?" tanong ko habang nagkukusot ng mga mata. Dahan-dahan nalang ang aking paglalakad at hindi na natataranta.
Baka si Eydie ang nagbihis sa akin.
I'm hungry. Magbebreakfast na lang muna siguro bago babalik sa kama para muling matulog. Sa pagkakatanda ko'y wala naman kaming usapang magbabarkada na may lakad kami ngayon sunday, e. Edi magpapahinga nalang ako or maybe do some shopping.
BINABASA MO ANG
Always Gonna Be Him: Phoebe (Him Series #1)
RomancePhoebe Jewel Hernandez is a very, very energetic girl. She loves goofing around and spending her days like a kid. Kahit mabansagan pa siyang happy-go-lucky ay wala siyang pakielam basta't sa pananaw niya'y namumuhay lamang siya ng masaya. That's wh...