Kabanata 1

29 0 0
                                    

Kabanata 1


Dreams






Simula nang makilala ko sina Zion ay hindi ko na naranasan pang muli na makawala sa mga kadenang ginawa nila para sa akin. Hindi naman sa pag-iisip na sinasakal nila ako pero syempre, sino ba namang gugustuhing mapigilan mula sa mga kagustuhan mo, diba? Masyado nilang sinet sa isipan nila na isa akong baby, which is not true anymore.

"Are you not interested?" bulong ni Pol sa akin habang humihiwa ako ng piraso mula sa aking steak.

Magkasingtagal ko lang na kilala sina Zion at Apollo. Our friendship started when we were on grade five. They were both protective of me at talagang wala akong masasabing masama kung pagkakaibigan lang din naman ang pag-uusapan.

Nilingon ko siya. Nakatagilid ang kanyang ulo at may bakas ng ngiti sa kanyang labi. "Not really." iling ko bago muling hiniwa ang aking pagkain.

"Ben!" muling tawag ni Zach sa kanyang pinsan. Nakatayo pa siya at nakataas ang isang kamay.

Hindi ko sila magets. Normal na tao lang 'yan, e! Ano bang mangyayari kung lumapit iyan dito? They're just bothering him from his work!

Napatingin ako sa pinsan ni Zach. Saktong lumingon siya sa amin nang mag-angat ako ng tingin kaya nagkasalubong ang aming mga mata. Kinunot ko ang aking noo. Hindi ko iniwas ang aking tingin. Bakit? Sino ba siya para ikahiya ko iyong simpleng paglingon ko?

"Gosh! Iyan na siya!" kinikilig na bulong ni Eydie nang maglakad na iyong pinsan ni Zach patungo sa aming table.

I feel bad for Eros. Siguro'y nasasaktan siya dahil may ibang tinitilian ang kanyang girlfriend.

Pero matindi naman ang trust ng dalawang iyan sa isa't-isa kaya I should not feel worried, right? Isa pa, relasyon naman nila 'yan kaya hindi dapat ako makisawsaw.

Hindi ko namalayan na nasa tabi na pala ng aming lamesa iyong pinsan ni Zach.

Infairness, matangkad siya, ah!

"Bro! Hindi mo naikwento sa akin na may restaurant ka na pala!" ngiti ni Zach bago nilapitan at inakbayan iyong pinsan niya. "Napakamasikreto mo talaga!"

"It's not like that, Zach. Halos magda-dalawang buwan palang itong restaurant ko at gusto kong ikwento ito sa inyo kapag successful na." medyo malalim ang kanyang boses at lalaking-lalaki.

Napansin ko ring may maliit siyang nunal sa kanang bahagi sa ilalim ng kanyang labi. It looks adorable!

Napailing ako.

God, Phoebe! Did you just check him out?!

"Hindi pa ba ito matatawag na successful?" singit ni Eydie dahilan para mapalingon sa kanya iyong pinsan ni Zach. "I'm Aphrodite, but Eydie's fine." tumayo siya at naglahad ng kamay na tinanggap naman noong lalaki. "And he's Eros, my very jealous boyfriend." halakhak niya habang itinuturo si Eros. Seryosong tumango ang pinsan ni Zach.

Halos mapahagalpak ako sa tawa sa itsura ni Eros. Nakapout siya at mukhang isang batang iniwan ng nanay sa isang mall! His facial expressions are really hilarious!

"Samahan mo naman kami dito, Bro!" ani Zach. Siniko niya pa ang kanyang pinsan. "First time ko dito! Entertain me naman!"

Bilib rin ako sa kapal ng mukha ni Zach. Siya na nga lang ang nakikikain sa restaurant ng pinsan niya ay siya pa ang may ganang magdemand!

Pero kung sabagay, he's a customer...at mukhang close talaga sila ng pinsan niya.

"Sure. But first," muling nagtama ng landas ng ang aming mga mata bago siya lumingon sa kung saan. "let me instruct the waiters kung ano ang kanilang mga dapat gawin. Excuse me." sabi niya't naglakad patungo sa isang tabi't tinawag ang kanyang ibang waiters at mukhang inutusan ang bawat isa.

Always Gonna Be Him: Phoebe (Him Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon