Chapter 1

3 0 0
                                    

Nilapitan ni gayle ang batang babae na kanina pang nakamasid sa kanilang paglalaro.

"hi,ako nga pala si gayle,at ito ang mga kaibigan ko sina sharinna at queen." pakilala nito sa dalawa na nasa likod niya.

"napansin namin na nakatingin ka samin habang naglalaro kami, gusto mo bang sumali?" nakangiting sabi nito.

Tinignan lang siya ng batang babae.

"Ayaw niya siguro gayle,bumalik na tayo doon." takot na sabi ni sharinna.

Bumalik na nga sila.paminsan minsan ay tinatanaw nila ang batang babae na naka upo lang at nagmamasid sa kanila.

Napahinto sila ng paglalaro ng tawagin sila ng mother superior.sinabi nag mga ito na sa araw na iyon ay may aampunin sa kanila.

Pumasok ang isang matandang lalaki na nakakatakot ang utsura hindi dahil pangit ito kundi dahil hindi ito ngumingiti man lang.
Napahinto ang lalaki sa batang babae.

"Nandito ka pala?!" ngumiti ito sa batang babae.
"Siya ang aampunin ko." saad nito.

"Kung gusto mo akong ampunin,gusto ko rin apunin mo ang tatlong batang iyon." turo niya sa kanila ni gayle.

"Sila ba?" dahang-dahan na lumapit ang matandang lalaki sa kanitatayuan nila gayle.

Sinusuri sila ng matanda. Si Dawn dahil sa sobrang takot sa matanda ay napahawak ng mahigpit kay Gayle.

"Okay kung yan ang gusto mo." sabi nito sa batang babae
"Silang apat ang aampunin ko." sabi ng matandang lalaki sa mga madre.

Sumunod ang matandang lalaki sa mga madrd upang asikasuhin ang mga papeles for adoption nilang apat.

"Kilala mo ba ang matandang lalaking yon?" tanong dito ni gayle.

"Bakit gusto mo kaming kasamang ipaampon sa matandang iyon?" tanong rin ni Dawn dito.

Ngunit hindi pinansin ng batang babae ang kanilang mga tanong.

"Natatakot ako sa kanya, gayle, dawn." sabi naman ni sharinna na tinutukoy ang matandang lalaki."Anu ang gagawin niya sa atin?" dagdag nito.

"wag kayong matakot sa kanya hindi ka nya gagalawin,sinisigurado ko sa'yo." sagot ng batang babae dito.

"Anong pangalan mo?" tanong ni gayle dito

"khaki ang pangalan ko." sagot ng bata

"khaki?parang pangalan ng lalake." komento ni dawn

Natigil ang kwentuhan nila ng lumapit ang matandang lalake sa kanila.

"khaki,hija bukas ko na kayo kukunin,gusto ko nakahanda na kayo bago sumapit ang alas-otso ng umaga." tumango si khaki bilang sagot dito."o sya, mauna na ako at madami pa akong gagawin." yun lang at tumalikod na ito.

Nang gabing iyon ay hindi makatulog ang tatlong bata sa pag-iisip. marami pa silang tanong kay khaki kaya naisipan nilang puntahan ito sa kwarta niya.Hindi pa sila nakakapasok sa kwarto ni khaki dahil nga maliban sa takot sila dito hindi din nila ugaling pumasok nalang sa ibang kwarto ng walang permiso.Kumatok muna sila bago binuksan ang pinto ng sumagot si khaki.
Nagulantang sila sa nakita. napakaganda at napakalaki ng kwarto nito .tilang ipinasadya talaga.

"Gabi na ,anong kailangon niyo sa akin?" walang emosyon na sabi ni khaki sa kanila

"Gusto lang sana namin makakwentuhan ka kahit sandali lang." sabi ni gayle habang papasok sila.

"anong gusto nyong itanong sakin?" kaharap nito ang tatlo

" ilang taon kana,khaki?"  tanong ni sharinna dito.

tumaas ang kilay nito bago sinagot ang tanong "siyam na taong gulang"

"ah ok.kilala mo ba ang matandang lalaking iyon?" tanong ni gayle dito.

"Lolo ko sya------- dati." sagot nito.

"dati?anong ibig mong sabihin,hindi ka namin maintindihan.?" naguguluhang sabi ni dawn dito.

pero hindi na ito sumagot pa.

"Bakit gusto mo pati kami e papaampon mo sa lolo mo dati?" tanong ni gayle

"dahil gusto ko kayong maging kaibigan."sabi ni khaki

Natahimik sila sa sinabi nito.natuwa sila kahit papano e gusto silang maging kaibigan nito.
Lumalalim na ang gabi ay nag paalam na sila kay khaki na matutulog na.

Ladies AssasinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon