Chapter 3

3 0 0
                                    

Taon na ang lumipas ng isabak sila sa totoong laban. Sa edad na 20 at 19 ay mga propesyonal na mamamatay tao na sila.

"Gusto niyo ba talaga ang pina pagawa sa inyo ng matandang iyon?" tanong ni khaki sa kanila

Naging kaibigan narin nila ito kahit na paminsan-minsan lang ito magsalita.Pinagtatanggol sila ni khaki sa matanda sa kahit ano mang bagay.

"Ang magkakaibigan laging nagtutulungan." ngumiti si khaki sa sinabi ni dawn

"Nangako kami sa aming sarili na hanggang makakaya namin e sasamahan ka namin kahit saan kapa pumunta."tugon ni gayle

Hindi na nagsalita pa si khaki napamahal narin sa kanya ang tatlo.parang kapatid na rin ang turing niya sa mga ito.kaya nga kahit anong mangyari ay handa siyang protektahan ang mga ito sa kahit na sino,kahit pa sa lolo niya handa syang ibuwis ang kanyang buhay para sa mga ito.

Misyon nila ngayon ay patayin ang anak ng multi-magnet bussinessman. Si Zynon Willis, half-british half-filipino, elligible bachelor na namamahala ng mga sikat na hotel sa buong mundo.

Nasa harap sila ng condo ng lalaki at nagmamasid. binabantayan nila ang lahat ng kilos nito.

"Ito ang plano pra makalapit tayo sa ating subject." ani ni khaki
"Gayle,ikaw ang magroom service para sa kanya tapos pag nakapasok kana eh lagyan mo ng device kahit saan sa mga gamit sa loob."bumaling naman si khaki kay sharinna."ikaw ang mag -aaply ng temporary secretary ni Zynon."tumango naman si sharinna bilang sagot.

Nainform kasi sa kanila na pangsamantalang nag leave ang secretary nito at kailangan niya ngayon ng temporary secretary.

"Dawn,bantayan mo siya sa malapit pero wag kang magpapahalata." baling niya kay dawn.

Gumalaw na nga sila. Si Zynon ay alam na may nagbabantay sa kanila pero hindi niya alam kung sino pero sa tingin niya ay nasa paligid lang ito.

Simula noong may death threat syang natatanggap eh pinababantayan na sya ng lolo niya visible man na bodyguard.May apat na bodyguard na expert sa kahit ano ang inihire ng lolo niya para sakanya.Ayaw niya sana ang ganoong set-up ay wala na siyang magagawa dahil buhay niya ang nakataya.Hula niya ang gustong ipapatay siya ay ang mga kalaban niya sa kompanya.Marami narin kasi siyang pinabagsak na mga kompanya.

Naputol ang kanyang pag iisip ng tumunog ang bell.iyon na siguro ang pinaroom service niya.Binuksan ng isa sa mga bodyguard niya ang pinto.Pumasok ang isang magandang babae na hila ang cart ng pagkain.
Hindi inaalis ni Zynon ang tingin sa dalaga dahil parang hindi bagay sa ganda nito na maging room service lamang.Sinusuri niya itong maigi,maputi at makinis ang balat nito,may malaki at bilugang mga mata,hindi kataasang ilong na bumagay sa medyo makapal na labi nito.
napatigil lamang sya sa pagsusuri sa dalaga dahil nakatingin ito sa kanya.

Ladies AssasinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon