CHAPTER3:

8 0 0
                                    

=YEN'S POV=

Another day again. Malapit na ako ngayon sa skul at naisipan kong maglakad nalang. Ano kayang nakain ko? Ah siguro yung pandesal at gatas...hmmm whatever. Habang naglalakad, hawak ko ang hawakan ng backpack ko. HUWAIIIIT! Is that Dean my loves?

Oo nga siya nga, kakalabas lang niya galing sa kotse NIYA. Opo niya, I do not know why is he allowed to use a car to think na he's just only a 4th year student. I decided to hide sa likod ng poste para hindi niya ako makita. Nakakahiya kaya ang kabaliwan na ginawa ng dalawang baliw ko na bestfriends.

Ang gwapo niya talaga. He has a mesmerizing eyes nasa isang tingin niya lang sa'yo ay parang matutunaw ka. Long and pointed nose, curly eyelashes, a pink cheeks that made him cute all the time. Never to forget his very red lips that I really wanted to kiss right now. Huh? what did i say? Erase! Erase! nagiging pervert na ata ako.

*BEEP BEEP*

Napatingin ako sa kalsada dahil sa lakas ng busina at may nakita akong matandang babae. Before I knew it eh nahila ko na si lola papunta sa akin. Phew!

"Salamat Ineng" sabi ni lola at nakita kong gulat pa rin siya sa nangyari. Kaw ba naman muntik ka ng masagasaan ng kotse ewan ko lang... o kung mumunti kang ewan katulad nina Lex at CAT, baka tatawa pa kayo ng walang bukas sa gitna daan(wag naman). Mabuti nalang pala at ako ang nawawalang Darna! *sabay lunok ng mahiwagang bato at taas ng kamay* hehe.

"walang ano man po lola, mag-iingat nalng po kayo sa susunod" sabi ko at syempre nag-mano ako. Inikot ko ang tingin ko para hanapin si Dean my loves ko. 

"Ineng kung ano man ang gusto mong makamtan ay gawan mo na ng paraan. Huwag kang matakot subukan ang isang bagay. Habang maaga pa ay subukan mo na, ng di  pagsisihan na di mo ginawa at nagawa. Maaaring masaktan ka oo, pero iba pa rin ang sinasabi niyan(sabay turo sa puso ko) diba?" sabi ni lola. Ako ba kinakausap ni lola? Tumingin ako sa likod ko baka hindi ako pero wala namang tao. Nang masigurado kong ako nga ang kinakausap ni lola ay humarap na ako sa kanya pero bigla nalang siyang nawala. M-multo b-ba si lola?

"Yen! Why are you here? Are you not going to go inside?" napatingin ako kay Lex na kasalukuyang nagaayos ng buhok niya. 

"H-ha? wala may nahulog lang ako" palusot ko at sabay na kaming pumasok. 

***

Hayy lecture nanaman si ma'am about Physics. "Physics is defined as the study of matter, energy and its composition blah blah" hindi ko maintindihan ang sinasabi ni ma'am. Habang nagle-lecture si ma'am napatingin ako sa katabi ko. Naalala ko naman ang nagyari sa pintuan kahapon at bigla nalang nag-init ang mukha ko. Did I mention na seatmate ko si Dean my loves? Seatmate ko po siya at always buo ang araw ko dahil dun. ^__^

"why are you looking at me?" nagulat ako ng magsalita siya.Nakapikit siya at nakalagay ang earphone sa tenga niya. Napaayos ako ng upo dahil huli ko na na-realize na napatitig na pala ako sa kanya. 

"W-wala" sabi ko nalang at nag-iwas tingin. Phew! control Yen, not now! sabi ng isip ko but I cant help it WHAAAAAAH!!! kinausap niya ako. Kinausap ako ni Dean my loves ko. Kung wala lang siguro ako ngayon sa room malamang nagta-talon na ako sa tuwa. 

"Is there any problem Ms. Fuentabella?" O...OH!... Nasa harapan ko na pala si ma'am at huhu ang sama ng tingin niya.

"n-none ma'am" sabi ko nalang. "ma'am may I go out?" pahabol ko kasi tinatawag na ako ng kalikasan dahil sa kaba. 

"Why?" nakataas ang kilay na sabi ni ma'am. Napansin kong napatingin din sa akin ang dalawang baliw at nagpipigil na ng tawa. 

"naiihi na po kasi ako" waaaah nakakahiya talaga. Narinig ko namang nagtawanan ang mga kakalase ko maging ang dalawang baliw, tumango nalang si ma'am=_=.

it hurts right? Yeah, it really hurts!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon