“Hey, Jeal?” pagtawag ni Ten habang naglalakad ako sa hallway.
“Ang kulit mo.”
Kanina pa mula sa classroom niya ko kinukulit na tulungan ko siya about something. Hindi ko siya pinapansin kanina since gusto ko magfocus sa Chemistry, hindi naman ako kagaya niya na easy lang ang acads.
“Sige na, please. Can you help me just this once. Pretty, please. I’ll treat you later.”
Nang marinig ko ang salitang treat ay tila nagliwanag ang mga mata ko.
“Haaaay, you know me well. Syempre makakatanggi ba ko sa libre?” I rolled my eyes at nagtext sa mom ko na malalate ako ng uwi.
“Yay! Of course! Love you, Jeal!” excited na sagot nito sabay yakap ng mahigpit sakin.
Hindi ko alam kung nag-assume lang ako pero parang naramdaman kong nag iwan siya ng kiss sa temple ko bago siya bumitaw. Or kung totoo man, baka na-excite lang siya? Ewan.
Basta ang nasa isip ko ngayon, malilibre ako.
–
Nasa harap ko lang siya habang walang habas kong inuubos ang mga pagkaing binili niya for me, madami dami ito, siguro medyo malaki din yung hihingin niya na pabor sakin.
Nang marealize ko yun siningkitan ko siya ng mata at kinuwestiyon.
Hindi katiwa-tiwala yung ngiti niya, kahit halos palitan niya na yung araw sa sobrang liwanag nito.
“Hindi maganda yung kutob ko sa pinasok kong ‘to. Tungkol saan yung sinasabi mo?” pag usisa ko.
Nagkamot siya ng batok at parang nag-blush pa. May mga naisip akong maaaring maging sagot pero isinawalang bahala ko nalang.
“Uhm, yeah. Jeal...” sobrang pa-suspense niya pero sobrang effective sakin kasi kumakabog yung puso ko.
“Jeal kasi, uhm, will you–”
“YES! BIG YES!” nanggigilid na yung luha ko sa saya.
First time kong maaaya sa prom ni Ten. Well, matagal na din kaming bestfriends ni Ten pero lagi kasi siyang may girlfriend so matic yun ang prom date niya.
Mawawalan ba naman kasi kung sikat na varsity player ka at nagkakandarapa ang mga girls sayo? Samahan mo pa na Math geek, good-looking at very gentleman. Mapapa-sana all ka nalang talaga.
Ako? Simpleng tao lang.
Lagi naman niya ko sinasama, kumbaga ako ang third wheel of the century. Sa akin ang korona.
Pero this time, hays para akong nananaginip. Iniimagine ko lang ‘to dati eh. Last year lang lumala talaga yung feelings ko for Ten, pero secret lang. Syempre, naghihintay ako ng right moment umamin. And ayoko din kasi masira friendship namin dahil lang sa feelings na ‘to.
Hindi ko lang ineexpect na sa ganitong way niya paparamdam sakin na nirereciprocate niya yung feelings ko.
I knew it! Bakit di ko agad nagets? Three months na nga pala si Ten walang girlfriend ngayon at first time to nangyari, ngayon pang last year namin sa highschool. Itong year nga yung pinaka-niloolook forward ng marami. Pati si Claire na nagconfess sakanya ng feelings last week, tinurn down niya, kahit ang alam ko crush niya yun. Grabe naman kasi ang ganda non, kahit ilang ligo gawin ko hindi ko mapapantayan yun.
BINABASA MO ANG
The Coffee Shop Playlist (one shot stories compilation)
Fanfictiona story for every song in the coffee shop playlist ☕