ilang taon ko ding nakasama si dad at hindi ko ine-expect na ganto ka aga nila ako iiwan.
"let's go home Railee.. take a rest" inakay naman ako ni Sian palayo sa puntod ni dad, wala na ding ibang tao. kakalibing lang kay dad, at ito ako.. ramdam na ramdam ang sakit..
"I know your not okay.. pero alagaan mo din ang sarili mo Railee, nandito lang ako para sayo, tandaan mo yan ha?" kasabay nun ay ang pag halik nya sa noo ko,
hinatid nya ako sa bahay namin at sinabi kong umuwi na sya dahil alam kong ilang gabi na din syang walang tulog.
pag kapasok ko sa bahay at nag simula na namang tumulo ang luha ko.
dad.. ipangako mo sakin na hindi mo ako mumultuhin ha? alam mo namang takot ako!
pumasok ako sa kwarto ni dad at niligpit lahat ng gamit nya sa mga kahon, itatago ko sila dito sa kwarto ni dad.. hay.. siguro masaya na sila ngayon ni mom.. buti pa sila masaya na, ako! iniwan lang nila dito!
argh! napaka daming responsibilidad, company.. works.. life.. hay.. magbigti na lang kaya ako? ay? wag na lang, baka kahit malamig na bangkay na ako babatukan pa din ako ng mga kaibigan ko.
"awoooo.." napatigil naman ako sa pag e-emo at biglang napalabas sa kwarto ni dad.
"dad naman eh! natatakot ako!" umiiyak na sabi ko.
"hahahahaha!" nagulat naman ako dun sa babaeng tumatawa na halos gumulong na sa sahig!
"aigoo! hahahaha can't stop laughing!" tss! ang demonyitang Nathalie pala ito kasama ang barkada namin.
"anong ginagawa nyo dito?" may mga dala din kasi silang bag.
"ano pa ba? edi sasamahan ka dito sa bahay nyo! baka mamaya dalawin ka ni tito!" binatukan naman ni Sidney si Mantha dahil sa sinabi nya.
"manahimik ka nga!" sita ni Sidney
"kailangang mambatok?" reklamo ni Mantha at nag bangayan na silang lahat si Chloe ay pilit silang inaawat, si Tiffany naman ay naki sali na sa sigawan nung dalawa, si Nathalie? ayun sitting pretty sa sofa habang nakasalpak na ang earphone.
lumapit naman ako sakanya at kinalabit sya,
"hindi mo ba sila aawatin? si Chloe mukhang makikisali na din!" paano ba naman mababasag na mga ear drums namin!
"shut up guys! I hear something" bulong nya. napatigil naman silang lahat sa sinabi ni Nathalie kahit ako ay kinilabutan na, ano kaya ang narinig nya.
"a-ano yun?" halata na kinakabahan si Samantha, takot din kasi yan.
"I hear silence kaya manahimik kayo!" nakahinga naman ako ng maluwag, akala ko may multo na eh!
---"medyo marumi pa tong guest room atsaka 4 lang tong kama" paano ba naman kasi! hindi naman ako nag lilinis ng bahay!
"Nathalie dun ka na lang sa kwarto ko matulog wala na kasing space sa guest room" sabi ko pagkalabas namin dun sa guest room.
"no way!" as expected hindi sya papayag, ayaw kasi nya na may katabi pag tulog.
yang si Nathalie sa kabila ng ka mysterious-an nya ay nakatago sa loob ang tunay na kaartehan nya. sshhh!
"hindi naman ako dito matutulog eh" sabi ni Nathalie at tumayo na palapit sa pinto. naka tingin kang kami sa kanya. bigla naman syang lumingon samin at may tinuro sa pinto ng guest room at pinto ko.
"there was a girl and boy standing right behind you" kasabay nun ay ang pagtakbo nya palabas ng bahay ko at dali daling sumakay sa kotse nya.
"aaaahhhhhhh!" sigawan namin at humabol kay Nathalie.
"Nathalie wait!" sigaw ni Tiffany pero pinaharurut lang ni Nathalie ang kotse nya.
"hihimatayin na ata ako" sambit ni Mantha habang nakatingin sa bahay ko.
"hala! saan tayo matutulog? yung gamit natin nasa loob!" mukhang iiyak na yung itsura ni Chloe,
*vibrate*
naramdaman ko naman na nag vibrate ang cellphone ko, thanks naman at nasa bulsa ko pala to.
bubuksan ko pa lang sana yung phone ko, pero namatay din ito, lowbat pala malas!
*kriiiing*
"may tawag" sabi ni Sidney. kinabahan naman ako, dahil sa loob ng bahay ko galing ang tunog!
"a-ayaw ko pumasok!" sabay talikod ko.
"bahay mo kaya yan!" sigaw nila sakin.
"sabay sabay na lang tayong pumasok!" suggest ko at pumayag naman sila.
after 29 years siguro ay sa wakas naka pasok din kami!
*kriiiing*
patuloy pa din sa pag ring yung telepono.
"H-Hello?" kinakabahan kong bati sa kabilang linya.
[why are you stammering? haha] napanatag naman ako ng malamang si Nathalie to.
[haha you guys are so funny! i was joking lang kanina nu! hahaha] ewan ko pero ramdam kong gusto kong batukan si Nathalie dahil sa sinabi nya. ang babae talaga na yun kahit kailan!
