2. happy?

20 0 0
                                    

Isang taon ang nakalipas at naka alis na din si Nathalie papuntang Korea upang i-handle ang company ng kapatid nya, nakakalungkot mang isipin pero kailangan naming kayanin dahil si Nathalie din naman ang nag desisiyon nun kahit ayaw ni Luke na umalis sya.

sa kabilang banda ako ito, medyo okay okay na din sa nangyaring pagkawala ni daddy Sian is always there for me, naks naman english yun! haha. pero kidding aside, masaya ako dahil nandyan palagi si Sian para sa akin. napa ayos ko na din ang napa tayong condominium ni daddy at luckily may ilang mga tao na din ang tumitira doon isa na dun ang pinsan ni Nathalie na Glenn, ewan ko kung anong istorya ng lalaki na basta ang alam ko pinsan lang sya ni Nathalie.

"hey.." nagulat naman ako ng may yumakap sa likuran ko.

"Sian naman! aatakihin naman ako sayo eh! wag ka ngang nang gugulat!" tinawanan lang ako ng panget na lalaki na to! pero joke lang gwapo sya hihi. ewan ko ba! hanggang ngayon kinikilig pa din ako kay Sian kahit 6 years na kaming in relationship, siguro next time kasal naman ang p-planuhin namin, hihi.

"date naman tayo?" pag p-pacute nya.

"alam mo namang di pwede ngayon, kailangan kong pumunta sa condo para i-check ang nangyayari doon" nginitian naman nya ko. kaya mahal na mahal ko si Sian eh! kaya nyang intindihin yung sitwasyon ko.

"sige sunduin na lang kita mamaya? tas dinner na lang?" hay! ang kulit talaga!

"o sige, around 7. bye!" sabay tulak ko sakanya palabas ng bahay ko, kailangan ko pang mag ayos dahil pupunta pa nga ako sa condo ko,

"wala man lang bang goodbye kiss?" naku naman! ang lalaki talaga na to!

"heh! mamaya na!" natawa naman sya sa sinabi ko, ako naman namumula, nakakahiya kaya!

"sige! see you later!" sabi nya at umalis na. pumasok na din ako sa kwarto ko at nag ayos na.

----------------------

"good morning Ms. Railee" bati sakin ng ilang empleyado, alam ko na ngayon ang feeling na tinatawag na Ms. haha!

"ate Railee! may balita ka ba kung kailan uuwi sa ate Nathalie?" nagulat naman ako kay Glenn, para talaga tong kabuti! kung saan saan sumusulpot!

"wala pa eh, alam mo naman ang babaeng yun, gusto nya napaka mysterious nya" abnoy kasi si Nathalie, ang daming lihim.

"ganun ba? sige!" sabi nito at umalis na.

"Ms. Railee, hinihintay po kayo ni Mr. Rodriguez sa lobby" sabi sakin ng isang staff.

"ha bakit? wala naman akong kaso ah?" kinakabahang sabi ko, si Mr. Rodriguez kasi ang lawyer ng pamilya namin.

"hindi ko po alam Ms. Railee may sasabihin po syang importante eh" tumango na lang ako, hay.. ano naman kaya iyon?

pag katapos kong huminga ng malalim ay nag lakad na ako papuntang lobby, bakit kaya ako kakausapin Mr. Rodriguez? argh!

"Ms. Railee, finally we meet again, kanina pa kita iniintay" bungad sakin ni Mr. Rodriguez.

"sorry Mr. Rodriguez medyo naging busy kasi, may sasabihin daw kayo sakin?" waaaahhh! ito na! kinakabahan na ko.

"okay Ms. Railee, hindi na ako mag papaligoy ligoy pa dahil may lakad din naman ako ngayon. may iniwan kasing Statement ang mom mo bago ka ipanganak dahil alam na nyang hindi nya kakanin ang iluwal ka, ang sabi sa statement ay sasabihin ko ito sayo sa oras na mawala agad ang dad mo" na excite naman ako, never ko kasing naka sama si mom lagi lang syang kinukwento sakin ni dad.

"medyo nakakagulat ang statement na ito Ms. Railee kaya hahayaan ko na ikaw na lang ang mag basa, tawagan mo na lang ako" sabi nito at umalia na.

tinignan ko naman ang isang envelope na iniwa nya. ano kaya iyo? kinuha ko na lang at binasa.

To my lovely daughter.

ngayon ay sigurado akong wala na ang dad mo, ayaw ko mang gawin ito pero kailangan, diba nga mother knows best? oo strict si mommy kaya swerte ka dahil na spoil ka ni daddy, Railee you need to marry the heir of Natividad family Atty. Rodriguez know thr family, wala kang magagawa anak dahil napagkasunduan na ng pamilya iyon. your dad didnt know about this, i hope you understand, i love you.

mommy.

hindi ko alam pero nanlambot ang mga tuhod ko sa nabasa ko. kung ano ano na din ang pumasok sa utak ko, tulad ng paano si Sian? bakit mom? patay ka na pero ramdam ko ngayon na isa kang strict na mother..

*kriiiiing*

napatingin ako sa phone ko, tumatawag pala si Sian.

[hello? Railee nandito na ko sa front desk ng condo mo nasaan ka?] nandito na pala sya, hindi ko namalayan na 7:00 na pala ng gabi.

"sige, pupuntahan na kita dyan" sabi ko at binaba na ang tawag.

umalis kami ni Sian at dinala nya ko sa restaurant nya, daldal sya ng daldal hanggang sa umorder kami ng pag kain, hindi naman ako makapag pay ng attention dahil naiisip ko pa din ang mga sinabi ni mom.

"hey Railee! are you okay?" tanong nya sakin kaya natauhan ako.

"yeah, Im okay lets enjoy this night" sabi ko na lang at kumain, sasabihin ko ba sakanya?

My Complicated FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon