Zing

284 6 0
                                    

Ang sabi nila, kapag maganda o gwapo Admirer ang tawag. Kapag naman panget, stalker. Oo, judgmental ang mundo. Hindi na naman iyon bago. Ito ang bago..

Ako si Kara. Member ako ng halos lahat ng clubs sa school. Oo – pati Chess at Bookworm club. Pati nga glee club kasali ako kahit hindi naman ako kumakanta. Hindi nga rin matatawag na lip synching ang ginagawa ko. Pati lyrics ng mga kanta hindi ko kabisado. Pasimpleng “Watermelon, watermelon” lang ang ginagawa ko pero nasa Team Soprano ako. Hindi na ‘M’, diba?

Hati rin ang opinyon ng mundo kung maganda ba ako. May nagsasabing oo, meron ding in denial. Pero para sa akin, pwede na akong pang bottom spot sa beauty pageant na may isang daan at walumpong contestants. Pero yung legit naman na beau con ano? Hindi yung puchi-puchi na Miss Baranggay Sto. Tomas. Papasa na akong judge ng mga ganoong patimpalak. Puma-payb feet- five din naman yung height ko at kahit mas nauna yung puson ko kesa sa boobs, nadadala na iyon ng breath in na walang breath out.

Proud morena ako. At dahil hindi magawang umepek ng kahit anong concealer sa outstanding na nunal ko sa baba ay pinili ko na lang i-assign iyon bilang isa sa mga mapagtya-tyagaan kong assets. Hindi rin naman iyon kalakihan. At malay niyo, maging presidente ako ng Pilipinas sa hinaharap. Kahit hindi original, bibigyan ko naman ng ibang character ang bagong presidenteng may ‘landmark’ sa pagmumukha.

Kung tatanungin niyo ako kung sino ang pambansang bayani ng Pilipinas, isisigaw ko ang sagot sa buong mundo. Pero kung may follow-up na ‘Bakit?’.. aba, next question tayo. Sakto lang ang IQ ko at wala akong planong pahirapan ang sarili ko.

Hindi ako potential psychopath gaya ng sabi ng bestfriend ko. Diyos ko. Wala po akong kahit anong bahid ng karahasan sa katawan. Lumaki akong hindi napapalo o nakukurot ng mga magulang ko. Pati nga lamok hinihipan ko lang kapag dumadapo sa balat ko. Whenever I am confronted with stressful circumstances I just count to three, breathe in-breathe out, then Im calmed. Dapat nga maging Icon of Peace ako. I deserve a Nobel Peace Prize.

Generally, Im pretty average. I don’t get second glances. Sometimes, I don’t get any glance at all. Pero ayokong tawaging panget ang sarili ko. Masyadong nega iyon. Ayoko ring mag-ilusyon. Alam ko kung saan ako lulugar sa lipunan

Pero hindi iyan ang storya. THIS is…

Umpisa na ng pangalawang semester sa third year ko bilang AB English student sa Jefferson College.

Gaya ng 75% ng mga studyante dito sa JC ay late din ako. Sa school na ‘to, hindi nirerespeto ang first day ng class (Siguro kahit saang school naman, deadma ang first day). Anyways, since ako pa lang ang nakikilala niyo, maano bang mag-introduce muna ako ng ilang characters sa story na ‘to?

Nakangiti akong sinalubong ng pagbati ng paborito kong sekyu sa gate ng school. Hindi niya alam na Manong iCool ang tawag ko sa kanya. Mahilig kasi siya sa chewing gum na iyon. Pero kahit hanggang pagtango at pagngiti lang ang relationship namin ni Manong iCool, close na close na kami nun.

Bukod kay Manong iCool ay naghihintay din ang mga warriors na officer ng student body sa gate ng JC. Namimigay sila ng mga pamphlets para sa General Assembly ng mga students. Deadma na sana ako dahil ayokong malapitan ng isa sa kanila. Hindi naman sa may nakakahawa silang ketong o TB or whatever. Hindi ko kasi masyadong bet yung ugali ng mga officers ng Student Body Council -- lalung-lalo na ang Vice President nilang si Milo.

Pero later ko na siya ipakikilala.

Nakalusot ako sa mga warrior na officers. Diretso na ako sa SASS (School of Arts and Social Sciences).  Bumungad sa akin ang halos lahat ng studyante na papalabas ng SASS.

“Uy Kara, walang klase. Diretso ka na sa Gym.  Compulsory ang Gen Ass eh.”

Sa tatlong taon ko sa JC ngayon pa lang naging compulsory ang General Assembly ng mga studyante.

Mismatch: The Reality Dating ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon