The Last Psyche

99 3 0
                                    

The Last Psyche

Posters up. Tabloids filled. Teasers pushed. Ready na ready na ang buong production ng Mismatch para sa opening bukas.

Gaya ng inaasahan ng buong staff and crew, kinagat nga ng publiko ang misteryo ng panglimang psyche. Maraming bulongan kung sino ang panglima. Nakablur kasi ang picture ng siyam na contestants samantalang naka-question mark naman ang sa pang-sampu. Ang buong campus pa lang naman ng JC ang may alam tungkol sa cast. Hindi pa sila kilala ng publiko.

Bukas sa launching ipapakita ang siyam na kalahok sa show at bukas din iaanunsiyo ang tungkol sa raffle ng huling idadagdag sa cast.

Busy-busyhan ang lola niyo mga bess. Mahirap pagsabayin ang pag-aaral at ang part time job na tulad nito. Pero carry on pa rin ako. Todo ang suporta ko sa bespren ko na ngayon pa lang ay may mga fans na.

At alam kong nangako ako kay Sky na ipapasa ko yung pangalan ko para sa raffle pero habang palapit ng palapit ang pilot ay mas kinakabahan ako. Parang nakikita ko kung gaano kalaki ang palabas na ito. Dati sumusubaybay lang ako sa peyborit kong labteam ng season 1 na sina Niki at Kristof. Hindi ko alam na ganito pala ang nangyayari sa likod ng camera.

Ngayon ay nasa hostel kami na gagawing Cottage kung saan titira ang sampung kalahok sa game show. Kasama ko si Cheetos at ang iba pang bahagi ng team niya. We’re polishing the place for the launch tomorrow.

“Can we just order pizza for dinner guys? Marami pa kasing dapat tapusin dito eh.”

“Ako na lang lalabas, Cheetos. I can use some air.”

“Sigurado ka Kara?”

“Yep.”

Inabutan niya ako ng pera para sa pagkain.

“Thanks.”

Nang makalabas ako sa cottage ay nakasalubong ko si Tennis.

“Hey.”

O.o Binati niya ako?

“A-ahhh.. nasa loob si Cheet-, este Basty.”

“Ganun ba? Hmmmm.. Aalis ka?”

“Ah, bibili lang akong hapunan. Gusto nila ng pizza eh.”

“Samahan na kita.”

O.o?

“H-ha? Ahhh.. nakakahiya naman sayo. Huwag na lang. Kaya ko na ‘to.”

“I insist. Please? Ang totoo niyan, Im looking for some company. Zorge’s off the grid at busy naman si Basty.”

“H-ha? Ganoon ba.”

Kailan pa ako naging ampunan ng kaibigan?

“S-sige.”

“Yes!” Napakumpas pa talaga siya sa ere. “I’ll drive us there.”

Habang daan…

“So, sasali ka ba sa search for the last psyche?”

Bakit ba ini-expect ng lahat na sasali ako sa search?

“Nangako ako kay Sky… este Klyde – “

“It’s okay. Alam ko na naman yung mga tawag mo sa amin. Atsaka sabi ni Cheetos na mas kumportable kang tawagin kami sa mga iyon.”

Nangiti ako sa pagbanggit niya kay Cheetos.

“Nangako ako kay Sky na sasali ako but Im having doubts now. Parang nakakatakot sumali dun.”

“Yeah, tell me about it. Nagkaka-jitters nga ako ngayon eh kaya naghahanap ako ng makakausap.”

Mismatch: The Reality Dating ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon