Iniisip ko minsan parang di ako mahal ng nanay ko. (ang OA lang)
Pano ba naman .. gusto ko mag pabili ng cellphone sa kanya para naman di ako ma-OP sa bago kung school.
Sa dati ko kasing school parang ako lang yung walang phone -.-
Trinay ko naman mag-ipon eh. Pero di ko lang talaga kaya. -.- Lagi ko kasing nagagastos sa mga art materials ko. Eh sa mahilig ako mag drawing.
Anyway .. umuwi na si mama sa bahay. OMG may pasalubong si ma! =)) Nakabalot pa nga eh. :)) Sana phone ko na yun :)) .... Tapos binigay na niya saakin. Grabe talaga yung tuwa ko! Pero nung pagkabukas ko .... Isang diary lang pala yun. -.- The heck!! Anong gagawin ko sa DIARY! >.<
Hay! Di naman kasi ako nag-susulat sa diary eh. Nasayang lang tuloy efforts ni mama. Haaaaay.
~ Nga pala my name is Nikki Jane Lara. At oo Lara apilido ko. :)) Akala nga ng friends ko wala akong lastname. :)) Nakakatuwa lang. Like I said I LOVE ART. Mahilig ako mag sketch ng kung ano-ano. =)) sumasali pa nga sa mga contest eh.