~ Kendall's POV ~
"Hoy panget. Gising na. Di ba may try outs kayo ngayon?"
Let me guess. Si kuya nanaman 'to.
"Excuse me, di hamak na nagmana lang ako sa nakakatanda kong kapatid. Salamat sa good morning greeting mo ha." Sagot ko.
"Ampon ka lang, kaya nga ang pangit mo." Sabi niya naman tapos inalis kumot ko.
"Pwede ba. Kung manggigising ka lang yung one-way ticket na rin. Kainis. Layas na sa kwarto ko, maliligo na ako." Sagot ko tapos tumayo sa kama.
Tumawa naman siya ng malakas, tapos lumabas na rin ng kwarto.
Right after ng periodical exams namin kahapon, scheduled for today ang try outs for volleyball girls and boys. Medyo kabado ako, and feeling ko naman hindi ako makukuha. Pero wala namang mawawala kung hindi mo susubukan, di ba?
Uy! Nakalimutan ko na magpakilala, Kendall Aereen Gomez de Liano, 15, Philippines! Charot. Sa tangkad ko ba namang 'to, chances na pwede akong magmodel. Pang sideline. HAHA. Chos.
After I did my morning rituals, I went straight for the kitchen para breakfast.
"Galingan mo, nak ha?" Sabi ni papa.
Tumango tango lang ako, kabado e, as in.
Ang lamya ko pa naman pagdating sa ganyan e. Bakit nga ba ako sumali sa try outs. Haist.
Sarap pa naman ng ulam, pero dahil kabado ako. Wala din. Nasayang lang. Kainis.
"Sige na po, mauna na ako. Wish me luck!" Sabi ko tapos kinuha na yung bag ko.
Umasa akong ihahatid ako. Hindi pala. Okay fine. Maglalakad na kung maglalakad hanggang sa waiting shed. Kaloka.
Dapat kasi turuan na ako magdrive e. Para gora na lang ako sa susunod. Wow. HAHA. As if. Kuya ko nga, di pa marunong e.
Sa wakas! Naka rating na din ng waiting shed, and thank God kasi may jeep agad.
Nagbayad naman ako ng pamasahe sa jeep, good girl ata 'to. HAHAHA. Naks. Pero nakaka inis lang kasi ako pa lang tao sa jeep tapos kailangan ko pang magstretch este i-move 'tong pwet ko papuntang driver para lang magbayad.
Nag earphones muna ako, alangan kausapin ko sarili ko? Ano 'to? Drama workshop. Ew. Di ako bagay dun.
Sa sobrang pag eenjoy ko sa music, napapa head bang ako. Ay joke. Sadyang bako bako lang yung daan. Kaya mukha akong bubble head na gumagalaw yung ulo.
"Manong, Providence po." Pagpara ko.
Leche. Natapos na yung tatlong songs sa phone ko, ako pa rin pasahero? Ayaw akong samahan? Ganern?
Tumabi naman yung jeep tapos bumaba na ako.
Providence University or PUI. One of most exclusive school dito sa lugar namin. Kapag nasa public place ka, mataas tingin ng ibang tao sayo. Kaya naman, mahirap gumalaw kasi konting kibo mo lang, issue agad. Hays.
At kapag nag aaral ka sa PUI, tingin ng tao sayo, matatalino at may delikadesa. Respetado, ganern.
Pero para sa mga nag aaral dito, wala, normal peeps lang. Ganun. Oo, may mga sikat na estudyante, indibidwal or grupo. Its still a typical school kapag Providencian ka. Pero pag nasa labas, tingin ng ibang tao sayo High-standard at paniguradong may mararating sa buhay.
Diretso na ako sa gym, dun daw gaganapin e. Btw, hala jusme. Ang dami kong nakaka limutan. Upcoming 3rd year high school pa lang ako. Grade 9.
Time check: 7:30 am. 30 mins pa. Tagal naman. Konti pa lang tao dito and mostly ay yung volleyball girls team ang nandito. Inaayos pa lang nila yung net, tapos yung ball rack. Para mamaya, ready na.
BINABASA MO ANG
Collegian Aces
Non-FictionA typical story of a student-athlete. But it comes in a group if friends PS: A Tagalog-English story ☺️