2

14 1 0
                                    

~ Victonara's POV ~

ORAYT. Eto na talaga.

Ang unang gagawin, dig pass.

Okay. Vic, kalma lang. Kaya mo yan.

Pinag dig pass ako ng ilang beses. Basta more than 5 yun.

After nun, tinawag na yung susunod sa akin. Kendall ata name nun e. Same thing, dig pass din.

After dig pass, tossing, after rin nun serving naman. In fairness, nakaka pasok ako ng ilang serve.

Nung halos magawa na namin lahat yun, pinag break muna kami tapos balik na lang daw after 30 minutes.

Hays. Like what I've expected, mag isa ko during breaks. Siguro naman magkakaroon din naman ako ng kaibigan no?

Ano kaya gagawin after? Aba malay ko. Ako ba nagpapa try out?

Oh btw, let me give you a brief background of the school's girls volleyball team.

Providence University Lady Black Whelps, whelps kasi high school pa lang and whelp ang tawag sa baby wolf. Klk. 3-peat champions sa Division Meet. 2nd Runner-up from last year's friendship meet. Tapos yung upcoming team captain this school year ay naka tungtong na ng Palarong Pambansa. Wow di ba?

Every athlete wishes to reach until Palaro, yun na yung somewhat pinaka mataas na level na paglalaruan mo for any sport. Sa Palaro din kasi mostly nire recruit ang ilang UAAP players, like Ara Galang, Cherry Rondina, Jia Morado, Isa Molde, Diana Carlos, etc. Highest achievement na yun for an athlete. Swerte mo pa nga kung makuha ka sa U17 e. Notable players were; Alyssa Valdez, Denden Lazaro, Dindin Santiago, Kim Fajardo, Isa Molde at marami pang iba.

Pero eto, pangarap ko ngayon ay yung makuha sa try outs. Kumbaga, bucket list, eto ang una kong tutuparin. Tapos uunti untihin ko na rin.

Bilis naman ng 30 mins. Balik na agad, so eto na. Ano kaya gagawin?

"So, the next thing you will do ay dig pass ng 4x4." Sabi nung coach ng team.

"The varsity players will demonstrate how." Dagdag pa niya.

Ayun, nagdemo naman sila. So, dalawa dalawa on both sides. Ibabato kung naka kanino man yung bola. Tapos after i-receive tatakbo sa kabilang side and then once na nareceive nung isa yung pinagbigyan mo, tatakbo siya sa kabilang side. Ganern.

Grinupo na kami, kasama ko pala 'tong si Kendall ata name niya. HAHA. Di ko sure. Sorry na. Tapos may kasama kaming ilang varsity to help us.

"Uy! Uy! Kamukha mo si Dadang ng NU." Sabi niya.

Wtf?

"Ayy oo! HAHA. May hawig e." Sabi naman ni ate...? Crimson ata yun.

Tapos tumawa naman siya. Jusko. Yung nakakaloka, ganern.

"Dadang for the kiiiill!" Pang aasar niya tapos parang papalo na siya.

"Ara Galang kasi idol ko e." Panabla ko naman.

"Pero hawig mo pa rin si Dadang!" Sabi ni ate Crimson.

Wtf. Ipapilit pang Dadang e!

"Basta Galang ako!" Sagot ko.

"Wooo! Dadang!" Pang aasar ni Kendall.

Ayun, tawa lang sila ng tawa. Yung isa naming kasama nakikitawa na lang.

Pero hindi naman ako naiinis or what. Basta wala namang inis.

"Sige na nga, Dadang este Galang ka na. Pero dapat ako si Mika Reyes." Sabi niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Collegian AcesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon