Chapter 1.

36 2 0
                                    

"Elizabeth, gumising kana Alas-onse na!" Pangalawang sabi ni mama sakin, habang ako nakahiga at medyo nakabukaka pa sa harapan niya.

"Hmmmm." Ungol ko at di pinansin si mama.

"Aba't ayaw mo pang gumising?" Patuloy niya. At sabay nun ay tumango lang ako nakapikit parin.

"May bisita tayo sa sala, nakakahiya at natutulog kapa baka makita pa Nila na tulo laway ka."

"Ma, di na po ako babangon at maliligo, para di na nila ako makita hanggang sa pag alis nila" Pangangatwiran ko. At dumilat upang makita si mama na ngayon ay nakatingin sa akin. Sabay nun ay pumikit agad ako at tumagilid sa pwesto nang pagtulog.

"May dala silang envelope at galing daw yun sa ALFIRANO ACADEMY "

Sabay ng pagkabigkas ni mama ng mga huling salita ay, Umupo agad ako at dilat na dilat ang mga mata sa pag kakarinig nun.

"Ma, Yung academy sa London? Yu-yung magarbo, yung kung saan ako nag enrolled nung Second year Highschool ako ma?" Sabi ko kay mama na ngayon ay nakangiti hanggang tenga.

"Oo nak, yun nga!" Pagkasabi niya nun ay Agad akong tumayo sa sahig na hinihigaan ko.

"Wahhh, Hindi nga?" Diretso kung tanong Kay mama.

"Oo nga, Kaya maligo kana at baka maamoy kapa nila" Sabi niya na hinahawakan ako sa braso papunta sa may pinto nang kwarto.

"Ma, baka makita nila ko..." Angal ko kay mama.

"Hindi yan." Sabi niya na nakangiting panloloko.

Hindi ko pinansin yun dahil sa pag kaka excite ko ay dumiretso na ako sa pintuan ng kwarto papuntang sala. At nang pagkakita ko ay... WALANG TAO!. Wala akong nadatnan kundi isang square na mesa at 4 na upuan. At ang katahimikan sa sala.

Parang binagsakan ako ng langit at lupa sa pagkikita nun. Umasa nanaman ako. Letse! Ang kaninang dilat na dilat kung mata ay ngayong papikit na ulit, naramdaman ko ulit ang antok nararamdaman ko kanina habang ginigising ako ni mama.

Pabalik na sana ako ng "Maligo kana tulungan mo ako sa trabaho ko ngayon. 7:30 palang naman at 8:30 tayo aalis ng bahay" Sabay nun ay ang pagbigay niya ng tuwalya at nakatingin lang sakin na parang nagiintay ng sagot.

"Mama naman akala ko totoo!!" Iritado kung sabi. At tumingin ako sa bintana, na kung saan nakita ko na hindi pa tirik ang araw.

"Anong totoo? Eh 1st year college kana ngayon, 4 na taon ng lumipas ay wala paring balita tungkol dun, nag K-12 kana lahat-lahat at wala paring balita dun!" Pag papa-alala ni mama sakin.

Tama naman si mama eh yung scholarship na yun sa London ang tagal na, Ewan ko ba ang tagal ko na nag take ng enrollment dun di parin ako natatangap di na ata napansin yung papel ko, baka naman di ako pumasa.

"Malay mo ma,...." mahina kung salita ngunit pinalitan ko agad. "Ma, asan po sila ate?" Tanong ko. Para mawala na sa isip ko yun.

"Eh yung ate mo nasa trabaho sinundo na nung boyfriend niya kanina, papa mo naman maagang umalis para sa trabaho niya pumuntang batangas, at si bunso naman andun pa sa kabilang kwarto tulog pa" Sambit ni mama.

"At ako maliligo nako.... Ang aga-aga pa pala Ma!!" Angal ko.

"Pake ko? Maligo ka na maaga tayo ngayon sa Hotel, tulungan moko may event ngayon." Tumigil siya at parang may inaalala. "Si Cane naman maiwan muna sa tita mo habang wala tayo." Dugtong niya.

"Opo" Sambakol kung sagot.
Kinuha ko ang tuwalya sa kamay ni mama at agad dumiretso sa C.R.

(Thank you, lalo na sa una kong reader/readers *kung Meron man* Take note: Yung sa may K-12, isinama ko na po yun since magkakaroon po tayo nun. Pero To Be Honest wala pa po akong alam dun. Kaya siningit ko lang po haha. Thank you ulit and Sana nagustuhan niyo? Masyado bang maikli? Just let me know :) Enjoy!! xx)

Heartbeat (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon