Chapter 8 : Bakit ang sakit?

8 0 0
                                    

Hays, hindi ko lang kung anung nangyayare saakin, parang niyaya lang ako ni Vaughn mag lunch bukas. At um oo ako. Eh anu naman dun!? Bakit parang kinakabahan ata ako aa! The last time na naging ganito ako eh, yun yung niyaya din ako ni "g*go" ng date. hays, ang weird.

Oo, ang weird ko talaga ngayon kase, yung mga katangian sinabi ko kanina sa harap ni Vaughn, iniisip ko siya yun eh. Kase sya lang nag sabi saakin na "ang ganda ng boses mo." sakanya ko nakita yung mga katangian na hinahanap ko sa isang lalake. At ayaw ko to. Dahil alam ko'ng mali.

Hays, hindi ako makatulog sa kakaisip. Tae naman. Dati lang, inis na inis ako sa presense nya ha? Anu ba nangyare ngayon!? Psh.

Narinig ko'ng tumunig yung fone ko. May nagtext ata.

From : 09××××××××
Hi! Andrea! Lunch bukas ha? Sama ko si bff ko ha? Goodnight! 😊 ~VG

Sa Andrea alam ko na kung sino to, sya lang naman ang tumatawag saakin niyan eh. Tss. Masaya na sana eh, kasama pa yug asungot. Tss.

makatulog na nga!
~
Maaga akong nagising dahil feeling ko excited ako? Shocks! Casey anung nangyayare sayo. Parang lunch lang eh. 😣

Lunch.
This is it. Lunch na. At makakasama ko na yung dalawang asungot. hindi ko nakita si Vaughn. bigla kaseng lumabas eh, hindi ako hinintay. 😔 at tae, ba't pala ako nalulungkot? Buti nga yun eh di na tuloy.

"Bes sabay na tayo lunch?" Ako.

"Aba, himala tinawag mokong BES. HAHAHA. Btw, about that bes, hindi pwede eh. Magppractice daw kami ni Asungot. At you know naman kung sino." Bes.

Haha, edi wow:) maiiwan nanaman ako.

"Ge, enjoy ha? and papaalalahanan sana kita about sa teen age pregnancy? Hwag muna ha? Ayoko pa maging ninang." pabiro kong sabi.

"Gaga!" At nilayasan ako. Aba guilty.

Papunta na sana ako magisa sa canteen ng may nagtext.

From : Vaughn Unggoy
Andrea! Punta ka ng canteen, tuloy lunch naten. Nandoon na si Andrew, may pinuntahan lang ako. Ge ha? Ingat!

Ingat? Hahahaha. Mukha mo. Pinatuloy ko na ang paglalakad papunta sa Canteen ng makita ko nga si Andrew.

Kimawayan niya ako at nag signal na pumunta doon.

"Hi Casey!" Masiglang bati saakin ni Andrew.

"Hello" walang gana kong tugon.

"Hintayin nalang naten si Bessy malapit na sila kasama si......"

Hindi ko narinig yung huli niyang sinabi dahil biglang nag ingay yung mga tao sa Caf.

"Aba, sila na ulet? Waaaah. Good yan!" Tili ng mga kaklase ko.

"Bagay na bagay talaga sila no? Sayang taken na si Fafa ...."

Hindi ko nanaman narinig yung sinabi nung mga babae dahil dumating na si Vaughn sa Harap namin na may kasamang

Babae.....

At hindi ko alam kong bakit bigla akong kinabahan..

"Hi Andrea, sorry for keeping you wait" ngiting sabi saakin ni Vaughn.

Pwede ba! Ipakilala na nya yung kasama nya dahil kanina pako naiinis, at gusto ko na malaman ko'ng sino to!

"Btw, andrea, si Coreen nga pala...

"Girlfriend ko"

There, he said it. At sa hindi ko malamang dahilan. Natanong ko nalang ang sarili ko....
Bakit ganun? bakit...

Bakit ang sakit?

In My Heart ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon