Chapter 2

30 0 0
                                    

Tapos na lahat ng subjects ko today at habang naghihintay ng sundo ko binuksan ko cp ko para tingnan kung may message ba galing kay TJ, kaso wala eh. Hay, di man lang ako kinomfort sabagay pano niya gagwin yun eh hindi naman niya alam na nasasaktan ako. Nagtataka siguro kayo paanong di niya alam, simple lang, hindi ko sinasabi sa kanya na nasasaktan ako kapag may kausap siyang iba samantalang ako na naturingang girlfriend ni Hi wala. Nakakafrustrate, pero ganun talaga eh, napagkasunduan na, wala na akong magagawa pa. Kailangan nga ba naging madali ang maging secret GF?

'Tsss, nakakairita!!"-Phoebe

"Ayan kasi, ayaw mong makinig sa kin"- Dwayne

"Para ka namang kabute, bigla ka nalang sumusulpot kung saan-saan!"-ako

"To naman, para ngayon lang eeh"-siya

"Hihi, oo nga no?"-ako

"ahw! nakakarami ka na ah"-ako ulit, binatukan na naman ako ng babaeng baliw na to

"Kasi naman.. Hahahah, para kang timang diyan"-siya

"Hay, oo na. Teka Dwayne, maiba ako. Panget ba talaga ako?"-malungkot kong tanong sa kanya.

"Ha? Sino nagsabi sa iyo at pasasalamatan ko?"-sagot niya naman.

Luka-luka talaga tong babaeng to. "Dwayne, seryoso ako. Panget ba ko?"-Ako

"Ahw"-ako ulet. Grabe tong babaeng to, nakailan na bang batok sa kin to. Ano na naman ba nagawa ko? "Bat ka nambabatok. Masakit kaya."- Ako

"Eh, kasi naman Phoebe. Sa kin mo pa talaga itinanong yan, syempre magiging bias ako, kaibigan mo kaya ako."-sagot naman niya. Hay, oo nga no. Ang tino talaga niyang kausap kahit kailan.

"Sige, wag mo nalang sagutin. Alam ko naman eh."- matamlay kong sagot

"Sus, eto naman. Binibiro lang kaya kita. Di ka panget, sa totoo nga, gandang-ganda ako sa iyo eh. Matagal na kitang inaayang magpamake-over ayaw mo naman. Kulang ka lang sa konting ayos eh."-Dwayne.

Hay, kaibigan ko nga talaga to. Naging BIAS nga. Si manong driver na nga lang ang matanong mamaya pag-uwi.

"Salamat."-matabang kong sagot.

"Uy! Wag ka nang magtampo, pinuri na nga kita eh." aniya sabay puppy eyes. Naku, Dwayne kung di ka lang talaga cute nasabunutan na kita.

"Oo na!"-natatawa kong sagot sa kaniya.

"Pero di nga, bat ba kasi ayaw mong magpamake-over?'-pangungulit niya sa kin sabay hila pa sa hemline ng blouse ko. Parang bata lang na nanghihingi ng piso. Cute! :)

"Dahil ayoko, period."-sagot ko naman.

"Dali na, bakit nga kasi."-saad niya habang tinutusok-tusok niya ng daliri yung tagiliran ko. Naku po! Malakas pa naman kiliti ko diyan.

"Hahaha, tigilan mo ko Dwayne. Hahhaha. Ayoko talaga eh, wala namang magbabago. ayoko lang madisappoint.!'-sagot ko. Oppps! Nasabi ko talaga yun? Oh my GOD!!! Secret ko yun, hay.. De bale na, si Dwayne naman yan eh. Bestfriend kaya okay lang. 

"Naka nega mo talaga. Malay o meron naman kahit konti."-sagot niya

"Ayaw ko pa din. Wag mo na kong pilitin. Okay na ko sa ganito. Andito na sundo ko, mauna na ko Dwayne. Text-text na lang later Bye.!"-sigaw ko habang patakbong lumapit sa sasakyan namin. Nung huminto yung kotse agad akong pumasok sa loob. 

"Oh, nagmamadali ka atang umuwi, Phoebe?"-sabi ni Manong Art. Ang kulet no, first name basis kami ng mga katulong namin sa bahay. Eh, pano naman sila lagi ang kasama ko panong di ako magiging close sa kanila at isa pa di talaga ako matapobre, ganun kami pinalaki nina Mommy at Daddy eh. Kahit di ko sila madalas kasama di naman sila nagkulang sa ming magkakapatid. Kapag may time silang makipagbonding sa ming magkakapatid talagang sinusulit nila, lalo na si Mommy. Hay, namimiss ko tuloy si mommy pati na din si Daddy. Nasa Turkey sila ngayon, nagkasakit kasi si Lolo Pogi. Sana gumaling na si Lolo, gusto nga sana naming sumama nina na Kuya Priam, Kuya Payne pati na rin ni ate Phylline papunta dun kaso lahat kami pare-parehong may pasok pa sa school. Napansin ko, kanina pa ko tinitingnan ni Manong Art, mukha siyang nag-aalala kaya naman tinanong ko na siya.

Naman, ako na lang kasi..<3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon