Iniwan ko lang sa room saglit yung chocolates na bigay sakin ni Taeyong na galing pang Switzerland tapos pag balik ko, madadatnan ko na lang na inuubos na pala nila Seokmin at Yoonoh yung chocolates!
Hindi naman ako madamot, kaso may atraso pa sila sakin ! Aigoo tuwing naalala ko yun parang gusto ko ng umpisahan ng World War III itong dalawang to!
"Hoy bakit niyo kinakain yan! Sainyo ba? Akin na nga!" hinablot ko sakanila yun at pinagpagan
"Ang damot mo!"
"Baka nakakalimutan niyo yung ginawa niyo sakin!?"
Nako kumukulo talaga yung dugo ko!
[FLASHBACK]
Nakakaantok talaga tong subject na to! Kung hindi lang kami ang magpeperform mamaya umabsent nalang ako at natulog! Edi hindi sana ako parang takas sa mental kung itinulog ko nalang!
Nakakahiya naman kasi sa mga kagroup ko na sila Seokmin at Yoonoh kung aabsent ako sa day ng performance namin dahil lang inaantok ako! Mabait pa naman yung dalawang yun saka sila ang nag arrange ng para sa performance namin, sayang efffort nila.
Che! Mamaya pa naman yung performance! A little sleep is not bad...
After 30 minutes...
"Jaein? Tulog ka pa ba?" I'm half asleep pero nakikita ko na nasa harapan ko ngayon si Yoonoh. "Practice sana tayo para sa performance mamaya" nahihiya pa siyang tanungin yan eh wala naman siyang dapat ikahiya.
"Ay pasensya na nakatulog ako. Osige susunod nalang ako teka--" natigil ako ng hawakan niya yung kamay ko para itayo
"Sabay na tayo. tara!" ngumiti siya saka kami naglakad papunta sa practice room "Yeoreobun! Nandito na si Jaein. Okay let's practice" nakangiti niyang sinabi yun kaya nabuhayan yung kaninang classmates naming girls na parang pagod na pagod sa practice.
Iba talaga charisma ni Yoonoh, kaya nga kanina pa ko namumula kasi kanina niya pa hawak yung kamay ko...
"Jaein may dumi yung pisngi mo" sabi ni Seokmin
Wala pa naman akong panyo dito! Hindi ako nagpadala kasi pumunta agad kami diba ni Yoonoh dito right after I woke up kaya hindi man lang ako nakakuha kahit panyo or towel man lang! Kaya ang ginawa ko yung kamay ko nalang ang pinangtanggal ko ng dumi.
Pero imbis na mawalan ng dumi, nadumihan pa lalo yung pisngi ko!
"Ano to!?" sigaw ko habang dismayado akong nakatingin sa kamay ko na may black ink! Ito yung kamay na hinawakan ni Yoonoh! Ibig sabihin!?
"Ang ganda naman ng make up mo Jaein! Hahaha!" pasimuno ni Seokmin kaya nag-umpisa na din magtawanan ang iba naming classmates including Yoonoh, malamang siya may pakana nito eh!
"Yoonoh! How could you!?"
Tawa lang siya ng tawa and then he stick his tongue out, isa din pala tong pilyo! Akala ko pa naman mabait!
Humanda kayo sakin!
Night of Performance...
Kanina pa ko gigil sa tuwing nakikita ko si Yoonoh! Pano ba naman ngingitian ako and then suddenly he will stick his tongue out! He did that a lot times!
Tapos yung black ink na nilagay niya sa kamay ko na napunta sa muka ko ang tagal alisin sa muka! Sa lahat sa muka pa!
Kaya pala ang lakas ng loob niyang maghawak ng ganung black ink kasi madaling tanggalin sa kamay! Tanggal na sa kamay ko yung ink pero sa face ko, ang tagal sa hindi ko malamang dahilan!
Hindi naman mapupunta sa muka ko yung black ink na nilagay sa kamay ko kung hindi sinabi ni Seokmin na may dumi sa muka ko! Magkakuntyaba ata tong dalawang to!
Hindi ko na kaya! Inapproach ko si Yoonoh na nag-aayos ng props para sa performance namin "Bakit mo ginawa yun!?" tinignan niya ako saka ngumisi "Are you really Yoonoh?" hindi ako makapaniwala, we are not close even if we are in the same class pero ang alam ko mabait si Yoonoh and Seokmin!
They are called 'Aquarius boys' by others kasi kaya naging magkaibigan yung dalawa nung nalaman nilang magka Zodiac Sign sila. They are weird right? All Aquarius that I know seems like it. I'm an Aquarius myself and knowing that they have the same Zodiac Sign as me, I thought I can get along with them.
Pero putong masarap hindi ko naman alam mangyayari pala to! O.A. ba ako? Masisisi niyo ba ako!? Yung black ink na nailagay sa face ko makati and at the same time mahapdi! Kaya hanggang ngayon ang kati-kati na ng muka ko!
"Ay hindi! Walang Jung Yoonoh dito! Wala talaga!" pamimilosopo niya while he's pointing at his nametag with '정윤오' na nakasulat.
Inirapan ko siya saka nalang ako umalis, walang kwentang kausap...
After the performance...
A clip starts to play, a clip of me snoring with my mouth widely opened! And they are all laughing at me! Lahat ng classmates ko nasa video maliban sa 'Aquarius boys'. Iisa lang ang ibig sabihin nun!
It will be pay back time Yoonoh and Seokmin, just wait for it!
BINABASA MO ANG
Aquarius War(NCT x SEVENTEEN)
FanfictionMismatch pala pag Aquarius x Aquarius? Kasi simula ng makilala ko sila Lee Seokmin at Jung Yoonoh, bigla nalang gumulo ang buhay ko. I thought makakasundo ko ang mga ka Zodiac Signs ko pero hindi pala! It's gonna be an Aquarius VS. 2 Aquarius idiots!