Chapter 2

6 2 0
                                    


[AUGUST 5, 2020] 

1 month before the start of Fall 2020 and you left, bumalik ka sa bansa niyo leaving me all by myself. Maybe this is what's best for me kasi kailangan kong magfocus next month para sa Law School ko...

[APRIL 20, 2019] 

13:00 KST

2nd to the last semester before I graduate from Hankuk National University and I saw my foreign crush from Burn entering the classroom, so magiging kaklase ko pala itong 6 footer na lalakeng to?

Matagal ko ng nakikita to pero ngayon lang kami naging magkaklase. Ang alam ko dito hindi siya nagsasalita kasi mahilig siyang gumamit ng phone, pero pagkapasok niya naman sa room ang laki ng ngiti niya, as if he's an extrovert who likes to laugh out loud. 

13:30 KST 

After ng discussion ng professor natin sa research, natuwa ako kasi nag-grouping tayo at ikaw ang naging kagrupo ko para sa research. Out of all people ikaw pa, ikaw na matagal ko ng nakakasalubong sa hallway pero walang chance para maka-usap kasi akala ko masungit ka.

 Out of all people ikaw pa, ikaw na matagal ko ng nakakasalubong sa hallway pero walang chance para maka-usap kasi akala ko masungit ka

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

OMG! Ang ganda ng ngiti niya, baka di ako maka-concentrate para sa research namin. O baka ma-inspire ako kasi makakasama ko siya for the rest of the semester. 

"So what's the topic of our research?" Josh asked 

"Emotional Intelligence of foreign students studying at Seoul, South Korea" I suggested 

"So you care about us ha? Great suggestion." sinabi sakin ni Josh habang nakangiti. "Okay let's tell our professor about our topic." tumayo siya at ganun din ako, sabay kaming naglakad papunta sa professor namin and our topic got approved. 

[APRIL 21, 2019]  

11:00 KST 

Josh asked me to eat lunch with him, I found out that it was his 20th birthday yesterday. So uumpisahan niya pala yung 20's niya with me, is this meant to be?

Birthday niya pala kahapon and yun ang first time na nagkakilala kami, baka ako na talaga ang birthday gift para sakanya.

Kaso sayang, hindi siya January Aquarius kagaya ko, baka kung magka-birthmonth at magka-zodiac sign kami baka ako pa nanligaw dito kay Josh.

Kaso sayang, hindi siya January Aquarius kagaya ko, baka kung magka-birthmonth at magka-zodiac sign kami baka ako pa nanligaw dito kay Josh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Magkagroup na nga kami sa Research kahapon, magka-group nanaman ulit kami sa subject namin kaninang 09:00 AM. 

Ilang beses ko kayang magiging kaklase tong April Taurus na to? 

11:00 KST 

At age 21 para akong bata na nasa loob ng Jeolgeun eating my favorite ice cream sundae and spaghetti, yan talaga inoorder ko tuwing kasama ko friends ko na kumain dito sa Jeolgeun.

At ngayon kasama ko si crush ipapatikim ko sakanya yung spaghetti and fried chicken ng Jeolgeun na di nawawala sa order ko tuwing nandito ako, samahan mo pa ng crispy fries nila na isasawsaw mo sa ice cream sundae, buo na araw ko. 

Nagsimula na kaming kumain, bigla niyang tinanong kung may boyfriend na ako pero sinabi kong meron kahit wala, kasi gusto ko muna siyang makilala as a friend. 

Humaba ang kwentuhan namin hanggang sa nagkwento na siya about sa father niya, na kaya siya nag-aaral ng mabuti dito sa Seoul para pagbalik niya sa bansa nila magiging tanyag na Psychologist siya kagaya ng father niya. Nalaman ko rin na panganay pala siya, well-off family nila sa Burn pero humble pa rin father niya kaya madaming kasundo. 

Family of farmers pala angkan nila on both sides pero yumaman dahil sa politics. Napansin ko para siyang sila Bill Gates and Mark Zuckerberg na madaming pera pero simple lang manamit. 

Para siyang komedyante, hindi tulad nung kaibigan niyang si Eunwoo na parang Cold City Man ang datingan na ang sungit-sungit parang may dalaw. 

--- 

[PRESENT DAY FALL 2020] 

"Yan ka nanaman sa kaka-daydream mo Jaein, parang noong High School lang tayo." sabi sakin ni Yoonoh 

Oo nga pala seatmate ko tong Casper na to na parang na-overdose sa glutathione, in fairness mas pumuti siya kaysa noong High School kami. 

"Namiss mo ako noh?" tanong ko sakanya 

"Namiss kitang bwisitin, ito ang continuation ng pambwibwisit ko sayo. Nakita din kita sa wakas, bwahahaha." sabi niya sakin pagkatapos tumawa na parang diablo 











Aquarius War(NCT x SEVENTEEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon