Kay tagal kong inasam...
At aking pinangarap...
ang ngiti mong tila
bituin sa ganda
Nanalangin ako
At nanampalataya
Yaon lamang
Ang aking nagawa
Tila ba pati hangin
tutol sa ating dalawa
Bawat dili kasi hakbang
Hadlang ang pinatunguhan
Bakit ba dapat
pa tayong magkakilala
Maari bang makalimutan na kita
Sa paglipas ng panahon
Ako'y humina
Pumuti ang buhok
Mukha'y tumanda
Hinila ng oras
Pati ang kagandahan
Kaya't tanging naiwan
Ay ang kulubot na mukha
Iisa lamang ang
nanatiling maganda
Iyon ay ang
Iniwan mong ala-ala
Ipagpapasa-Diyos
na lang ang hapis
Tanto ko nama'y
Tayo'y magkikitang muli
- Rosamiranda
