Untamed 1
Hindi mapakali si Spencer dahil pakiramdam niya ay may nagmamasid sa kanya. Napaparanoid na siguro siya dahil sa dami ng mga admirers niya. Minsan na rin siyang muntik makidnap ng isa sa mga nakadate niya. Well hindi naman katakataka na marami siyang tagahanga. Bukod sa pagiging isang Imperial na isa sa mga kilalang pamilya ay isa rin siyang modelo at interior designer. Ang ama niya ay isang senador at ang kanyang ina naman ay isang fashion designer.
"Spencer baby, I want you to meet Clara and Ferdinand Thomson." pakilala sa kanya ng kanyang ina.
"Good Evening po Mr & Mrs. Thomson." Nakangiting bati niya rito.
"Naku siya na ba si Spencer Diana? Napakagandang dalaga na ngayon. Hija just call me tita Clara same as your tito Fern" masayang sabi ni Mrs.Thomson.
"Thank you po"
"Ahh Hija this is their son, Tyco Thomson" she look at the man her dad just intruduced to her.
"Hello Tyco. I'm Spencer Imperial. It's nice to meet you" she said politely. Inabot niya ang kamay niya rito ngunit ilbis na kamayan ay hinalikan nito ang likod ng kamay niya.
"It's my pleasure to meet you Spencer" she laughed. This guy is one of them. A player.
"Upo na po tayo." masayang sabi niya rito at umupo. Dinner na ng makauwi siya dahil katatapos lang ng photoshoot niya. Nang umupo na ang mga magulang at mga bisita ay nagsimula na silang kumain.
"Spencer nandito sila Clara at Ferdinand dahil may gusto kaming sabihin sayo." agad niya binigay ang atensyon niya sa mga ito.
"Yes mom? Ano po yun?" nagtinginan ang mga ito. She looked at Tyco.
Nakangiti lang ito habang nakatitig sa kanya. Iniwas niya ang tingin dito at muling tumingin sa mga magulang niya.
"Hm anak kase-" nagsalubong ang dalawang kilay niya dahil sa paraan ng pagsasalita nito.
"Spencer you have to marry Tyco." nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ng daddy niya.
"P-po?" tinignan niya si Tyco na nakangiting nakatingin parin sa kanya.
"Kailangan niyong magpakasal ni Tyco. Diba napagkasunduan na natin to?" her dad said.
Si Tyco Thomson pala ang sinasabi nitong lalaking papakasalan niya. Wala naman siyang problema sa pagpapakasal. She's turning twenty seven in six months. At nagawa na niya ang lahat ng gusto niyang gawin sa pagiging buhay dalaga.
"Yes dad." pekeng ngiti ang binigay niya rito. Masayang mapapalakpak ang mommy niya.
"I'm so excited!" masayang sabi nito.
"So kailan ang kasal?" nagulat naman siya sa tanong ni Tyco. Nakatitig pa rin ito sa kanya. Their parents laughed.
"Balae mukhang tinamaan ang unico hijo ko sa dalaga niyo." natatawang sabi ni Clara. Nagtawanan ang mga ito.
Napula naman ang mukha ni Spencer. Well sino ba naman ang hindi? Tyco Thomson is one of the business tycoon. Isa ito sa pinakasuccessful young businessman sa bansa. Gwapo rin ito at edukado. She can say that he is almost perfect ten.
Buong dinner ay ang gaganapin na kasalan ang pinag-uusapan ng mga ito. Nanatili lamang siya tahimik habang si Tyco naman ay masaya rin nag-susuggest para sa kasal.
"So aayusin ko na ang engagement party" masayang sabi ni Clara.
"Tutulungan na kita mare. Spencer at Tyco magready na kayo dahil next month na ang kasal niyo." sabi pa ng daddy niya.
"N-next month po agad?" her mother nodded. Next month? hindi ba masyadong mabilis?
"Oo hija, next week naman ang engagement party niyo. Imagine? Imperial-Thomson wedding? That's a big party." ngumiti na lang si Spencer habang si Tyco naman ay nakangiting tumango.
Mukha namang wala siya choice. Mukha namang mabait si Tyco kaya't okay na rin ito. Wala naman siyang nagugustuhan para mapangasawa kaya't hinayaan na lamang niya ang mga magulang na pumili ng lalaking mapapangasawa
"Spencer uuwi na daw sila Tyco." Spencer just nod and hug Mr & Mrs Thomson. She kiss Tyco's cheeks and said goodbye. Nang makaalis na ang mga ito at agad siyang umakyat sa kwarto niya at nagpahinga.
TATLO na ang napapatay ni Yvo ngunit gusto niya pang pumatay dahil sa sobrang galit. They can't do that. She can't marry that f*cker. Spencer is mine. Matalim na tinignan ni Yvo ang mga tauhan na nagbalita sa kanya na ikakasal na ang babaeng gustong gusto niya. Naliligo sa dugo ang mga ito samantalang ang iba pa niyang tauhan ay takot lang na nakatingin sa kanya.
"Linisin niyo ang lahat kalat." malamig na sabi niya rito at muling tumalikod. Nakakuyom ang kanyang mga palad dahil sa sobrang galit. Tinawag niya ang isa sa mga pinaglakatiwalaan niyang mga tauhan.
Yvo throw magazine to him. They all look at the magazine with puzzled look.
"I want her mine tomorrow" he said without looking at Drake. One of his good friend and cousin.
"Bro bukas agad? Sino ba tong babaeng to?" tinignan nito ang babae sa cover ng magazine at nanlaki ang mga mata
"Seriously bro? Spencer Imperial? Bro baka naman sumabit tayo dito." Yvo look at him.
"Dalhin mo siya sakin bukas. Dahil kung hindi-"
"Fine! fine! Tss ang hirap mo talagang maging pinsan. Kung hindi lang kita mahal e." biro nito. Matalim niya itong tinignan.
"Don't touch her. Kunin niyo lang siya, Yun lang ang gagawin mo." seryosong sabi niya at muling kinargahan ng bala ang baril niya. Drake just shook his head and go.
SPENCER go out of their house dahil isang kliyente ang tumawag sa kanya. Balak daw nitong ipadesign ang bahay nito. She used her Porsche and drove. Nang makarating siya sa restaurant na napag usapan ay pinark niya muna ang kotse niya sa parking lot nito ng makababa siya ng kotse ay may isang van na dumaan sa harap niya. Bumaba dito ang dalawang lalaking nakamask at nilapitan siya. She was about to scream when someone cover her mouth. Tinakpan nito ang ilong niya matapos ay nawalan ng malay.
NAUUBUSAN na ng pasenya si Yvo habang hinihintay ang pagbalik ng mga tauhan kasama ang babaeng kanyang matagal ng kinababaliwan. Tanging ito lamang ang laman ng utak niya sa panahong ito. Nang malaman na magpapakasal na ito ay agad siya nagisip ng paraan upang makuha ang babae. Hindi niya kakayanin na mawala ito. Hindi.
"Lord Yvo dala na po namin siya."
"Ingatan niyo. Kapag may nakita akong kahit isang sugat o pasa sa kanya papatayin ko kayong lahat." agad niyang pinatay ang telepono.
Naghanda ng rin siya sa pagdating nito. Sa wakas ay makikilala na niya ang babaeng lihim niyang kinababaliwan.
Nang makarating ang mga tauhan ay agad siyang lumabas ng kanyang mansion. Bubuhatin na sana ito ng isang sa mga tauhan niya ng binunot niya ang kanyang baril at itinutok dito.
"Touch her and you're dead" agad itong umatras ang yumuko. Ganun din ang iba pang inutusan niyang kumuha rito.
Nilapitan niya ang babae ng nasa loob ng van na walang malay. Hinaplos niya ang malambot ang pisngi nito. Matagal niyang pinangarap na mahawakan ito katulad ng ginagawa niya ngayon. Napakaganda nito kahit sa pagtulog. Agad niya ito binigyan ng isang marahang halik at bunuhat.
Sa wakas. Akin ka na, Akin ka lang Spencer. Akin.
Lumapit sa kanya si Drake at tinapik ang balikat niya.
"Now i know why you're crazy about her. She's dangerously beautiful" he said while looking at Spencer.
Agad niyang nilapag ang dalaga sa kama niya at binunot ang baril niya.
"Isa pang tingin po mapapatay kita." Drake just laughed and go ut of his room. Ngunit bago ito makalabas ay may mga pahabol pa itong salita.
" I didn't touch or kiss her... yet" sabi nito at tumakbo palabas ng kwarto. Yvo just shook his head. Siguraduhin mo lang.