"Wow " yan ang nabanggit ni Laarni nang makita ang palengke na malinis at malamig dahil sa aircon . Sabi ni Ashton ang tawag sa lugar na ito ay supermarket . Mangha na mangha si Laarni sa lugar na iyon , ang supermarket ay may basket na nakalaan para gamitin ng mamimili .
"Eh bakit green yung basket Sir ? Pwede namang pink o kaya orange " tanong niya kay Ashton .
"Numb , of course the color of the their logo is green so that explains why " napatango nalang si Laarni dito . Nasa likod siya ni Ashton , nakahawak sa polo nito na para bang mawawala siya .
"Hala ang galing Sir ! May gulong yung basket ! Pwedeng sumakay diyan Sir ? " tuwang-tuwa na tanong nito .
"Taga saan ka ba at hindi mo alam ang mga bagay na ganito ? Teka ..... alam mo yung elevator pati escalator . Nagtatanga-tangahan ka ba para mapansin kita ? " kunot noong tanong nito sa kanya .
"Taga Bacolod kaya ako Sir , hindi naman kasi ako madalas pumunta sa mga ganitong lugar na tinatawag nyong Mall eh . Si Mariko yung nagsabi sa akin nung kahon na tumataas baba na tinatawag nyong Elevator pati yung hagdan na umaandar na Escalator naman . Bakit naman ako magpapansin sayo ? Wala kayang espesyal sayo pwera lang yang magaganda mong mata pero hindi ako ganun kababang babae para maghabol ng lalaki nuh ! " ismid niya rito . Totoo yun . Madalas lang siya sa tubuhan o kaya sa loob ng kumbento hindi siya katulad ng ibang kabataan na nagliliwaliw at nagaaksaya ng oras sa pagtambay sa kung saan saan .
Tungkol naman dun sa Elevator at Escalator . Sa totoo lang natakot siya nung una siyang sumakay dun , nabatukan pa nga siya ni Mariko eh . Abnormal lang daw ang natatakot sumakay sa mga ganun . Kaya sinanay ni Laarni ang sarili na sumakay dun , nang magtagal ay natutuwa na siya sa tuwing sumakay o gumamit siya ng Elevator o Escalator .
"Oh so you like my eyes , don't you ? " tumango siya dito .
"Oo kasi feeling ko nanginginig ang mga tuhod ko sa tuwing tinititigan mo ako Sir " nakita niyang ngumiti si Ashton . Bakas ang saya at manghawa sa mukha nito .
"If that's the case , from now on everyday and every time I will always stare at you until you can't bare it and fall your knees on me " namula si Laarni . Patay , ayaw niyang lumuhod dito baka makaface to face niya si Bumble Bee .
"Sakay ako Sir , pwede ? Sige na Sir ! " pagiiba niya ng usapan .
"Fine " nagulat siya ng hawakan nito ang bewang niya at binuhat siya nito para makasakay sa push cart .
"Behave Okay ? " sabi ni pagkatapos dampian ng halik ang noo niya . Namumulang tumango dito si Laarni .
Nagsimula na silang i-stroll ang buong supermarket . Una silang huminto sa hileran ng mga sanitary napkin .
"Anong brand gamit mo ? " seryosong tanong ni Ashton sa kanya habang lumilibot ang paningin nito.
"Modess Sir "
"With wings or not ? "
"With Wings Sir "
"Ilan ba ? Tatlong balot ? "
"Isa lang Sir " umiling si Ashton dito at kumuha ng tatlo .
"Isa nga lang sabi Sir "
"Nah tama lang yan para sa 3 buwan . Pagnaubos na yan text me or call me at ako na ang bibili para sayo "
"Wala naman akong number mo eh tsaka wag na , ako na bibili nakakahiya naman sa inyo Sir " umiling si Ashton dito . Yumuko siya para abutin ang labi ni Laarni , kasalukuyan kasi siyang nakaupo sa loob ng push cart . He kiss her once again .
"Wag kana mahiya boyfriend mo naman ako e' " kumunot ang noo ni Laarni . Boyfriend ? Kaibigang lalaki ? Kailan na pa ito naging kaibigan ?
"Kaibigan na kita Sir ? Akala ko amo ko lang kayo ? " napahampas noo si Ashton dito .
BINABASA MO ANG
Amorous Frigid
RomanceUncontrollable Men Series 1 Ashton Jarrette Rush is one of the member of Uncontrollable Men Society. The Society's name decribe them, him rather . Yes he was beyond uncontrollable especially when it comes to sex, he will do whatever he wanted t...