ITNW 1

4 0 0
                                    

Yena POV

"Bye Ma. Alis na po kami ni Mc" Paalam ko sa mama ko. Papasok na kami ng school ng boyfriend kong si Mckenzie Zuares.

By the way, ako nga pala si Yena Lopez. 17 years old.

Naglalakad kami papuntang school kahit pa may sasakyan tong si Mc lagi kong pinipili na maglakad nalang kami. Para matagal ang oras na magkasama kami.

"Hey love. Ang lalim ng iniisip mo ah" Sabi saakin ni Mc sabay akbay saakin.

"Oo kasing lalim ng pagmamahal ko sayo. YIEEE Kinikilig na yan" Natatawa kong sabi habang kinikiliti siya.

"Hindi kaya" Pigil niyang ngiting sabi.

Nagharutan lang kami ng nagharutan hanggang sa makarating kami sa school.

Tinanggal ko na ang akbay niya saakin.

"Bye Love" Bulong ko sa kanya at naglakad na paalis.

Ganito kami sa school hindi alam ng mga studyante dito na ako ang GIRLFRIEND ni Mc. Kilala ang pamilya ni Mc dahil isa sila sa pinakamayamang angkan dito sa bayan namin.

Ako simpleng scholar lang dito sa Exclusive na paaralan na ito. Nakakahiya naman siguro na ang isang Mckenzie Zuares ay may Girlfriend na mas mahirap pa sa daga diba?

"Hi Babe" Tiling sabi ni Martina Stella. Ayoko ng lumingon dahil masasaktan lang ako sa makikita ko. Pero wala ei traydor tong katawan ko ei. Lumingon ako at ayun BOOM! Nakita ko lang naman na nakalingkis na yung linta na yun sa BOYFRIEND ko.

Nakita ko namang napatingin saakin si Mc. Agad kong iniwas ang tingin ko at tumalikod nalang ulit. May nagbabadya ng luha sa mata ko. Nakakainis napaka EMO ko. Hindi pa ko nasanay na araw araw nalang kaming ganito.

Nagsimula na akong maglakad ulit. Ito ang pinaka dahilan kung bakit gusto kong maglakad tuwing papasok at pauwi kasama si Mc. Dahil dito sa school hindi kami naguusap. Hindi kami nag papansinan. Legal kami sa magulang ko. Pero hindi legal sa mga mapangmatang mga tao.

Mahirap lang kami hindi kami kasing yaman nila Mckeinzie. Kaya ayaw saakin ng pamilya niya. Sinubukang sabihin ni Mc sa parents niya na liligawan niya ko pero agad na umayaw ang parents niya. Lagi nalang ba? Kapag mahirap at mayaman bawal ng magkaroon ng relasyon? Anong mali roon? Sa pag ibig walang pinipiling estado ng buhay.

"Huy! Girl ano tulaley?" Di ko napansin nandito na pala ako sa classroom namin.

"Huh? Baliwag. Tara na sa loob" Aya ko sakanya saka kami pumasok sa loob.

Todo pakinig ako sa sinasabi ni Maam tungkol sa nangyari noon sa People power revolution ng kinalabit ako ng katabi ko.

"Ano ba Joy. Makinig ka nga" Saway ko kay Joy

Pero mukhang trip niya ata ako ngayon. Alam niya kasi na favorite ko ang History at ayaw niya naman ito.

"Eiii kasi ang boring" Inis na sabi nito.

"Ano ba yan Joy. Tumigil ka nga" Saway ko kay Joy dahil hindi parin siya tumitigil kakakalabit saakin.

Napalakas ata ang sabi ko kaya huminto si Maam.

"Get out Ms. Lopez at Ms. Ford!" Agad na nagbulungan ang mga kaklase ko.

Magrereklamo pa sana ako kaso hinatak na agad ako ni Joy.

Loka loka talaga. Ito kasi ang gusto niya mapalabas kami. First time ko palang napalabas ng classroom dahil nga dakilang scholar ako.

"Haist Joy nakakainis!" Asar kong sabi

"Ano ba. Minsan nga magpahinga ka naman kakaaral" Sabi nito

"Bahala ka sa buhay mo!" Sabi ko nalang

Into The New WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon