Yena POV
Lalapitan ko na sana si Mc sa puno kung saan siya naka upo ngunit agad din naman akong napahinto dahil nauna na si Stella sa akin. Lumingkis agad ito kay Mc na kinainis ko. Tutuloy na sana ako para masambunutan yung babaeng yun pero agad na may pumigil na kamay sa akin. Nakita kong nakahawak si Sir Albert sakin. Inangat ko ang tingin ko sa mukha niya at umiling ito. Alam niya ang kung anong meron samin ni Mc.
Bata pa si Sir Albert nasa 20's palang ito. Napakakisig at napaka gwapo kung idescribe ng mga estudyante dito. Napatingin ako sa humawak sa isa ko pang braso ito na pala si Joy na natulala kanina ng makita si Sir Albert. Naku tinamaan na naman ang baliw kong kaibigan.
"S-sir Ma-mauna na po kami" Sabi ni Joy sabay hatak sa akin paalis.
"J-joy ano ba. Bitawan mo nga ko"Sabi ko dito sabay alis ng kamay niya sa braso ko. Napatakip naman ako ng tenga ng bigla itong tumili.
"Kyaaaaaaahhh Ang gwapo niya talaga Yen. Waaaaah Ang bango bango pa. Tsaka hinawakan ka niya sa braso malamang kumapit ang amoy ng malambot niyang kamay diyan" Binatukan ko ito ng bigla niyang i-rub yung braso ko at inamoy amoy pa. Baliw na talaga.
"Hoy babaeng Baliw! Teacher natin yun kaya mag hulosdili ka. Tsaka wag kang maingay at may mga nagkaklase pa" Sabi ko dito sabay hatak sa kanya papuntang Cafeteria. Doon muna kami tatambay. Papasok na kami ng Cafeteria ng biglang huminto si Joy. Napatingin naman ako dito ng bigla niyang inalis ang hawak ko sa braso niya at bigla nalang tumakbo. Napakunot ang noo sa kinilos ng baliw na yun.
Hindi ko na siya sinundan pa at pumasok nalang ako ng tuluyan sa Cafeteria.
Pagpasok ko umorder na ko ng kakainin ko at umupo na. Wala pang gaanong tao dito sa Cafeteria dahil maaga pa naman. Habang kumakain ako may nakaagaw ng atensyon ko. Isang babae at lalaki na naglalandian dito sa Cafeteria. Ngayon napagtanto kung bakit ganon nalang ang naging reakyon ni Joy. Yung magaling niya kasing Ex nandito sa Cafeteria at may kahalikang iba.
Hindi ko nalang ito pinansin at pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko. Nakaramdam naman ako na parang may umupo sa tabi ko at nilingon ko yun. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil naka-cup siya at nakayuko pero sa tindig niya kilalang kilala ko na siya.
"Love" Bulong ko dahil baka may makapansin sa amin.
Umangat naman ang mukha nito at itinaas ng bahagya ang kanyang cup at ngumiti sa akin.
"Huy! Anong ginagawa mo baka makita tayo ni Stella" Pagpapaalala ko sa kanya ng bigla niyang hawakan ang kamay ko sa ibabaw ng mesa.
"Don't mind her. Nakita kita kanina. Sino yung kausap mong lalaki kanina? Bat ka niya hinawakan sa braso? Sinaktan ka ba niya?" Tuloy tuloy na tanong nito.
"Teacher siya dito Love. Wag ka ngang Nega tsaka hindi niya ko sinaktan. Okay?" Nagiging Nega na naman ito. Pinisil ko ang pisngi nito at napa-aray naman ito agad.
"Nanggigigil na naman siya" Natatawang sabi nito at hinalikan ako sa pisngi na kinagulat ko. Hinampas ko naman ito sa balikat pero imbis na umaray tawa lang ito ng tawa.
"Wag ka na ulit lalapit sa lalaking yun. Iba pakiramdam ko dun" Eto na naman po ang pagiging Nega niya.
"Love. Teacher siya dito, Teacher ko siya kaya hindi ko siya maiiwasan" Sabi ko dito sabay subo ng Spaghetti ko.
Ngumanga naman ito ng tinapat ko ang kutsara na may lamang Spag.
"Bakit ka pala nandito? Wala kayong klase?" Tanong nito saakin.
"Si Joy kasi. Ang gulo gulo sa classroom kanina kaya pinalabas kaming dalawa." Tumango lang ito sa naging sagot ko. Alam niya kasi ang ugali ng kaibigan kong yun.
BINABASA MO ANG
Into The New World
Teen FictionThis is my Second Story. Please read my First Story Entitled "Bestfriends Forever or not"