Chapter 3: Accepted

20 1 2
                                    

Yeheyy nakapag-update ulit... try ko po next day magupdate or mamaya.... Sana patuloy niyo pong basahin ang aking story at marami pa pala akong irereveal.... ^_^ abangan niyo pa susunod kong mga updates....

Read, Vote, Comment and Enjoy

...

Chapter 3: Accepted

 ...

Mitchelle's POV

"Grabeee..... ilang araw nalang pasukan na" sabi ko dahil andito si Jamela sa condo namin ni Rea.

"Ang bilis nga ng mga araw eh, parang kelan lang 3rd year pa lang tayo tapos ngayon 4th year na. Parang hangin lang" sabi ni Jamela..

 Ang bilis umikot ng mundo, gumalaw ng panahon, umandar ng oras. Kaya dapat maging masaya tayo sa bawat oras ng buhay natin......

 "Anu ba naman yan ang drama natin... Parang lilipat lang naman tayo..Hindi naman tayo mamamatay" sabi ni Rea.

"Oh Mitchelle bakit ka naman nalungkot?" tanong ni Ela

 "A-ah w-wala naman may naalala lang ako" sabi ko..

"Aalis na pala ako" sabi ni Ela.

"Bakit naman? Ang bilis naman :("

 "May pupuntahan kasi ako, sige alis na ako sorry talaga ha mahalaga kasi ito eh"

 "Sige ok lang. Ingat!"

Lumabas na siya ng pinto ng condo namin. Kami naman ni Rea ay nanuod nalang ng The Conjuring. Kumuha si Rea ng popcorn na sana ay kakainin namin nila Ela.

 "Uyyy Rea bilisan mo nagsisimula na wala akong mahampas dito kapag nagugulat ako... Bilisan mo" sabi ko dahil ayaw kong ako lang ang nanunuod mag-isa kahit umaga pa kami nanunuod

 "Wait lang diba" sabi niya

 ...

Jamela's POV

Pagdating ko sa lugar na pupuntahan ko ay may nakita akong isang babaeng naka-dress. Siguro siya na yun.

 Pumunta ako malapit sa girl para makita ang mukha nito. 

 Tama nga ako siya na nga ito.

"Long time no see, Ela" sabi niya

 Umupo na ako sa upuan sa tapat niya.

 "Uhmmm, k-kamusta k-ka?" sabi ko dahil naiilang ako.

 "Tinatanong mo ba talaga kung kamusta ako o siya ang kinakamusta mo?" tama siya.

 "Masaya naman kami, medyo nakakalimutan ka na niya" OUCH...

 "M-mabuti n-naman" yun nalang ang nasabi

 Ang kausap ko ngayon ay ang girlfriend ng ex ko. Grabe ang sakit naman nun. Nakalimutan  na niya ang lahat ng mga ginagawa ko para sa kanya. 

 Kahit medyo tanggap ko na, naaalala ko pa rin yung nangyari nung araw na yun.

*Flashback*

"Ang saya saya ko, anniversary namin ngayon^_^" sabi ko. Napakasaya ko ngayon dahil napakatagal na pala namin. Napakadami na namin napagdaanang sacrifices and challenges pero nakasurvive naman kami.

Pumasok na ako sa elevator. Buti na lang si kuya elevator ang nakaduty.

"Oh iha muka ka yatang masaya?"

"Anniversary po kasi namin ng boyfriend ko"

"Ah! Ang swerto niyo nga naman at nagtagal kayo. Siguro kayo talaga para sa isa't isa" sabi ni manong. Anu to Dr. Love ^_^

Pagdating namin sa floor ng condo ng boyfriend ko ay nagpaalam na ako kay manong.

Habang naglalakad ako ay may naktia akong babae na lumabas ng pinto ng isang condo habang umiiyak.

Siguro niloko siya ng boyfriend niya. Buti na lang talaga ako ang swerte swerte sa boyfriend. Hindi nanloloko, mabait, tinutulungan ako. Masaya kami sa isa't isa.

Pagdating ko sa tapat ng condo niya ay pumasok na ako, syempre surprise nga diba. Pagpasok ko wala siya sa living room at pati sa kitchen. Kaya hinanda ko nalang muna ang cake na dala ko.

Pagkatapos kong maghanda ay pumunta na ako sa tapat ng kwarto niya. Inayos ko muna ang sarili ko at tinignan kung may nasira sa cake. Ok ready na ako sa surprise ko.

Binuksan ko na ang pinto at feeling ko ako pa ang nasurprise.

Boyfriend ko may kaharutang iba.

Napahinto sila nang marinig na nalaglag ko ang baso na dala ko. Pati yung cake nasayang dahil nailaglag ko.

"A-ay s-sorry naistorbo ko ba k-kayo? H-hindi ko sinasadya ha?" sabi ko habang hinang-hina na tignan sila.

Bago ako lumabas at hindi na hinintay siyang magpaliwanag ay may iniwan muna akong salita

"Miss, kapag sawa ka na sa kanya ha. Balik mo na siya sakin please. Ok lang sakin pagtiyagaan ko nalang" sorry nagmahal lang talaga ako.

Nagtatakbo na ako palabas ng building ng condo niya at hindi alam kung saan pupunta.

Dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta ay nagulat ako nang biglang may bumisina sakin. Nasa highway na pala ako.

Nanigas lang ako sa kinatatayuan ko at tanging busina nalang ng kotse ang narinig ko.

Hinihintay ko nalang na mabangga ako, wala na akong kaagapay sa mga problema ko, wala na akong katulong lumaban sa mga bagay na hindi ko maintindihan. Ayaw ko na!!

Pero parang hindi pa ata ako namamatay. Pagdilat ko nakita kong nakahinto yung kotse.

"Excuse me Miss, wag ka dito magpakamatay. Maawa ka naman sa madadamay dahil sayo. May buhay din kami" sabi nung driver. Kaya para akong natauhan at tumabi sa gilid.

Pagtabi ko ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Ang malas ko nga naman

*End of Flashback*

"Wag kang mag-alala hindi ko na kayo guguluhin. Gusto ko na maging malaya sa sakit" sabi ko dahil sa tagal ng panahon, habol pa rin ako ng habol. Patuloy pa rin ako sa pagtawag sa kanya pero parang natauhan ako sa sinabi nung muntik na makabangga sakin. Kawawa naman ang mga magulang, kaibigan at nagmamahal sakin nadadamay sila.

"Ok I have to go" sabi niya at tumayo na.

Pipilitin ko nalang maging masaya kaysa naman mabuhay sa sakit...

...

A/N:

Patikim pa lang po yan sa buhay ni Jamela marami pa akong irereveal sa mga characters... Sana po patuloy niyo pong basahin ang aking story at patuloy din po akong magsisipag upang mabigyan kayo ng update na hindi kayo maboboring.... Thank you ^_^

Read, Vote, Comment and Enjoy

The Chinito High(coming soon after My Oh So Chinito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon