Chapter 15

489 26 8
                                    


FAST FORWARD

VHONG'POV:

nakahiga ako sa kama habang nakatingala at nakatingin sa kisame , masakit pa rin yung ulo ko dahil sa hangover ko kagabi , tumambay na naman kasi ako sa luxury . simula nung nawala sya hindi  na ako makatulog nang hindi umiinom ng alak lagi ko syang iniisip umaga't gabi...

napapikit ako at dinama ang katahimikan ng paligid.

miss na miss na kita ,

September four twenty twelve, ngayon yung araw na dapat ay kasal natin pero cancelled kasi wala na.. wala kana ..  Happy anniversary mahal ko limang taon na sana tayo, kung tayo pa . pero wala kana iniwan mo na 'ko nang tuluyan ..  wala man lang akong ka-alam alam na nag migrate kana pala sa london , nalaman ko nalang nakalipad na yung eroplanong sinasakyan mo, wala kong nagawa that time kundi ang umiyak na lang at mag lasing ,  hindi kita napigilan man lang .. after kasi nung huli nating pagkikita nung gabing binitawan ko na rin lahat ng meron tayong dalawa,  hindi na kita ginambala pa tulad ng pinangako ko sayo na hindi na kita guguluhin . tiniis kong di kita makita araw-araw h'wag lang mapako ang pangakong yun , para naman kahit papano may matupad ako sa mga pinangako ko . kung ang paglayo ko ang ikakasaya mo , yun naman ang ikinadudurog ng puso ko . di kapa nasiyahan umalis ka pa ng bansa , para mo na ring pinatay ang kalahati ng buhay ko ..

halos mapabayaan ko na rin yung trabaho ko wala nang linggo na hindi ako umaabsent , pinapagalitan na rin ako ng management pero wala akong paki-alam...
hindi ko pa kayang ngumiti sa harap ng maraming tao . hindi ko pa kayang magpasaya ng iba kung ang sarili ko mismo ay hindi ko mapasaya . ang laki nang naging epekto mo sa buhay ko Tanya ! hindi ko alam kung saan  ako magsisimula ulit ngayong wala ka na .

"Vhong!" tawag ni manang habang kumakatok sa pinto.


"bakit ho?" tanong ko

"Halika nga muna sandali ... nandito si Bianca" napatingin ako sa pinto anong ginagawa nya dito? tumayo ako at binuksan ang pinto


"bakit daw ho?" tanong ko

"gusto ka daw makausap" napakunot ako ng noo

"sige ho, magbibihis lang ako" sabi ko at sinara ang pinto .. kinuha ko yung shorts ko at sinuot ito pagkatapos ay bumaba na din ..


"Naparito ka?" tanong ko kay Bianca


"kumusta kana?" tanong nya .. siguro naman sa dami na nagkalat na tsismos dyan, alam nya narin ang tungkol samin ni Tee .

"eto, buhay pa " biro ko , yumuko ako at napakamot sa batok,..

"um .... Vhong, kukunin ko muna si Yce " ..  napatingin ako sa kanya

"Ano?"  naiinis na tanong ko .. medyo masungit ako ngayon broken eh

"Sakin muna sya.. binabawi ko muna yung anak ko"


"bakit? anak ko din naman yan ah?"

"I know! and as a mother , iuuwi ko muna si Isaiah samin"


"Bianca naman,.. nawala na nga si Tanya sakin, pati ba naman anak ko ilalayo mo pa ? " 


"thats why ... broken hearted ka kaya gabi-gabi ka daw nag lalasing , yan ba yung gusto mong gayahin ng anak natin?..  Vhong  Ayoko kong malaman nya ang totoo kung bakit kayo naghiwalay ng girlfriend mo , tatay ka at alam mo na iniidolo ka ng anak mo ..  ayokong pagdating ng araw e gayahin nya yung ginawa mo sa girlfriend mo"

bilang tatay , masakit marinig .. pero may point si Bianca .. hindi ko sinabi sa mga anak ko ang lahat , ang alam lang nila break na kami ng tita Tanya nila pero hindi nila alam ang dahilan kung bakit .. ayokong gayahin nila yung nagawa ko , na niloko ko yung girlfriend ko ..

"hindi naman sa hinuhusgahan kita , pero bilang nanay nag-alala lang ako ... hindi ko naman sya ilalayo sayo , every weekend pwede mo syang kunin sa bahay tulad ng dati , pwede mo syang dalawin do'n anytime, sa ngayon sakin muna sya ha? " dagdag nya at hinawakan ako sa balikat

"I know you're strong, malalampasan mo din 'to.. kaya mo yan ! dito lang kami to help you , every pain there's a heal .. Move on" sabi nya .. di ko mapigilang umiyak , lahat na lang ng mga mahal ko inilalayo sakin? bakit? ..

"Saglit ka nga lang naka move on sakin eh , kaya mo yan!" biro nya , natawa ko at pinunasan ko yung mga luha ko .. hindi ko na ikukuwento kung bakit kami nagkahiwalay netong si Bianca mahabang istorya .

"sige na , ako na magsusundo kay Yce mamaya sa school., yung mga gamit nya babalikan na lang namin sa susunod " sabi nya , tumango ako .. mas makakabuti na rin siguro 'to . saka ko nalang bubuuin yung pamilya ko pag nakahanap na ko ng bubuo nito ..

—————————-

TANYA'S POV:


"Buti naman at gising kana , nag-aalala kami sayo Tans!.. sabi ko naman kasi sayo wag masyadong magpapagod sa trabaho eh , yan tuloy " sabi ni Chie nang magkamalay ako .. bigla na lang akong nahilo kanina at hinimatay , mabuti nalang at naidala agad ako sa clinic ng mga co writers ko dito sa london , halos lahat sila pinoy . medyo na hihirapan lang kaming mag adjust dito mas maayos kasi ang systema dito compare sa pinas, nasanay kasi kami sa magulo at mapolusyong sistema ng pilipinas .. ngayon palang gusto ko nang umuwi parang nagsisisi ako at tinanggap ko 'tong opportunity na 'to .. nakakabaliw ang lungkot dito .

a day after ng makarating kami dito sa london , may nabalitaan ako agad sa pinas , actually late na balita na nga eh na nakunan daw si Anne.... nakaramdam ako ng guilt I don't know why siguro kase babae din ako and sobra siguro kong madedepressed pag nangyari sakin yun ..

aaminin ko , simula nung pumunta kami dito sa London walang araw na hindi ko sya inisip , walang gabi na hindi ako umiiyak nang dahil sa kanya .. I missed him , I missed everything about him ..  hindi ko pala kaya ..sya pa rin talaga . pero huli na nang marealized ko nandito na kami sa london at nakapirma na ng kontrata for four straight years .. maaari kaming mademanda kapag hindi namin tinapos ang contract . nagsisisi ako dahil pinairal ko yung pride ko kesa sa sinasabi ng puso ko , hindi ko sya nabigyan ng chance basta na lang napuno yung utak ko ng galit sa kanya at sa nagawa nya .


"Hello guys , " bati ng doctor samin .. every department sa creatives may isang doctor na naka assign and si Ms. Joy ang na assign sa department namin , maswerte kami dahil Filipina din sya ..

"Hi Ms. Joy, ano na po ba results ne tong kaibigan kong himatayin? " pabirong tanong ni Chie ,.. sana naman pagod lang 'to at wala kong sakit . or siguro stressed dahil sa kakaisip sa kanya ..

"um,.. hindi ko alam kung ikatutuwa nyo 'to or what , but I'm very happy for you Tee! you're two months pregnant ! congrats!  " masayang balita ng doctor , hindi ko alam mgiging reakyon ko , seryoso?. napatingin ako kay Chie na parang nakakita ng multo nang dahil sa sinabi ni Doc Joy .


"Excuse me, maiwan ko muna kayo"  sabi ng doctor then lumabas  din sya ng room ..

buntis daw ako....?

hindi ko alam kung magiging masaya ba ko o malulungkot , masaya kase mag-kakaanak na kami , tapos malungkot kasi malayo na 'ko sa kanya ..di ko namamalayan na  unti unti na palang nagbabagsakan ang mga luha ko . hindi ko alam kung paano haharapin lahat nang 'to nang hindi sya kasama . I don't know ...

then Chie looked at me, lumapit sya sakin at niyakap ako..

————————

Freeeeeeeezeeee!! singit ko lang 'tong chapter na 'to hehe .. ten votes for the next ud hehe pampagana lang ☺ tatatlo lang kayo so gawa kayo ng tigdadalawang account to vote lol 😂 joke lang hahaha thank you talaga guys sa pgbabasa sulit yung puyat ko gabi gabi  .. thank you God bless us all 😘

VHONGTEE presents You're My FOURever MAHALWhere stories live. Discover now